Time flies so fast at natapos na rin ang finals namin. Naayos lang din namin ang away namin ni Paul but it took us a week before it was fixed. And it was new for us --- for our relationship.
Because usually, it's just days... not weeks.
And after that night, I can feel a thin line between us.
Hindi ko alam kung dahil ba sa pride naming dalawa o talagang naging busy kaming pareho sa mga bagay-bagay.
Kagaya ngayon, pansamantala muna naming isinara ni mama ang karenderya dahil nalugi. At nahihirapan din kaming dalawa dahil maliban sa kami na lang dalawa ang magkatuwang sa buhay, marami din akong gastusin sa pag-aaral.
And I'm planning to have a part-time job.
"Ma!" pagtawag ko sa kaniya at tumakbo patungong kusina.
Nakita ko naman siyang napatingin sa gawi ko at mukhang nagulat sa biglaan kong pagsigaw at pagtakbo patungo sa kaniya. "Bakit!? Anong nangyari!?" natataranta niyang saad.
Nginitian ko lang siya. "Natanggap ako sa isang cafe, ma! May trabaho na ako" masaya kong saad sa kaniya.
Nakita ko ang pagsilay ng isang malungkot na ngiti sa kaniyang labi. "Pasensya na, anak ha. Ako dapat ang nagtatrabaho at hindi ikaw. Kung 'di lang sana nalugi ang karenderya natin" anito.
Nilapitan ko siya at inakbayan. "Ano ka ba, ma. Ayos lang naman sa'kin. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo lang, diba? At tsaka alam ko namang hindi tayo pababayaan ni papa sa itaas" sabi ko sa kaniya at hinalikan siya sa gilid ng kaniyang ulo.
Natanggap ako bilang waitress sa isang cafe. Although may kalayuan sa university ko, pero kailangan ko talaga ng trabaho kaya hindi na ako namili pa. Maganda din naman ang pasahod kaya ayos lang din.
Hindi ko na rin muna pinaalam kay Paul ang tungkol dito dahil hindi pa kami nagkikita simula noong nakaraang linggo. Huling pagkikita namin, sabi niya'y magiging busy siya kaya hinayaan ko na lang muna.
I don't want to seek for so much attention from him. And I admit na namimiss ko siya pero kailangan ko muna siyang intindihin.
But we still keep in touch with each other through texts or call. Pero kapag tumatawag naman siya'y hindi na ganoon katagal dahil marami pa daw siyang gagawin.
And I understand that.
I'm walking silently in the street when I saw how the wallet of a petite girl fell in the ground. Hindi niya ito napansin kaya ay tumakbo ako at pinulot ang wallet niya at agad siyang hinabol.
"Miss!" sigaw ko sa kaniya kaya ay napahinto ito.
Tumingin muna siya sa paligid at nakita niya ako. I walked closer to her.
"Ako po ba?" mahina nitong saad habang tinuturo ang sarili.
"Ah, yes po. Nahulog n'yo po ang wallet niyo" sabi ko at iniabot ang wallet niya.
Nagulat naman siya doon at tinanggap iyon. She immediately said thank you and was about to give me money but I refused.
"Huwag na po. Ayos na sa'kin ang salamat, miss" sabi ko at nginitian siya.
"Uhmm.. I just want to show how much I'm thankful.. at nakakahiya naman sa'yo" mahinhin nitong saad.
Grabe, ang hinhin niya tapos ang ganda pa.
"Seryoso, ayos lang talaga. No worries, miss" sabi ko sa kaniya at binigyan siya ng isang ngiti.
"I'm Belle.. can I at least treat you a coffee?" pangungulit pa nito kaya ay napabuntong hininga ako.
YOU ARE READING
Drive-Thru (COMPLETED)
Short StorySix years of being together.... But can it guarantee forever? ..... Date Started: July 05, 2021 Date Completed: July 26, 2021