Tumingala ako para makita ang pagkinang ng mga bituin sa kalangitan. Naramdaman ko rin ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat kaya niyakap ko ang sarili ko.
I closed my eyes.
Wishing this all to be just a dream.
"Elli..." Paul whispered.
Hindi ako nagsalita. Ilang minuto kong pinakiramdaman ang nasa paligid ko, pati na rin ang bawat pagkawala ni Paul ng isang malalim na buntong hininga.
Magkatabi kaming nakaupo ngayon sa bench, pero naroon ang presensya ng distansya.
Nakakapanibago, ngunit alam kong dapat kong sanayin ang sarili ko. Dahil alam kong baka maaaring ito na ang huling pagkakataon na maging ganito kami kalapit sa isa't isa.
But even if I can literally reach him in my hands now, I can still feel how he suddenly became so far from me.
It's like, he's so near yet so far.
"Tara, drive-thru tayo..." pagyaya ko sa kaniya bigla habang nakatingala parin sa kalangitan. Pinagdikit ko ang mga labi ko upang pigilan ang sarili kong muling maiyak.
I look at the sky. And I saw how bright the stars are shining.
And the bright stars reflected through my teary eyes.
"Elli..." pagtawag ni Paul. "..let's talk, please." nahihirapan niyang tugon.
Simula noong umiyak ako kanina sa kaniyang mga bisig, hindi na kami muling nakapag-usap pa. Tanging pag-iyak lang naming dalawa ang maririnig. Ngunit nang huminahon ako, kumawala ako sa kaniya at umupo sa bench. Tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi ko siya sinasagot o tinitingnan.
Pinapakalma ko muna ang sarili ko bago muli siyang harapin at kausapin.
I'm calming myself, my emotions.
And as well preparing myself to any circumstances that may possibly break me more, tonight.
"Tara na.." ani ko bago tumayo at nagtungo papunta sa kaniyang sasakyan.
Pinipilit kong maglakad ng tuwid kahit ang katotohana'y malapit na akong maupo dahil sa panghihina-- inside and out. Kahit pinipilit ko mang maging matatag ngayon sa kaniyang harapan, alam ko sa sarili kong hindi ko na kaya.
Gusto ko na lang sumuko at umiyak.
Nakakapanghina ang nangyayari ngayon.
Nakakabiyak ang bawat sinasabi niya.
At nakakapanghinayang.
Pero gusto ko paring ipaglaban ang relasyon namin. Hindi ko muna bibitawan ito, dahil baka makakaya ko pang maisalba ang halos anim na taon naming pagsasama.
He's attracted to someone else, but I know he still love me the same way as before.
He's just confused.
"Elli, stop pretending. Let's talk this out..." narinig kong saad ni Paul bago hinigit ang braso ko at pinaharap sa kaniya, ngunit agad din niya itong binitawan.
Tiningnan ko ang kamay niyang parang napapaso sa akin. At napagtanto kong hindi na niya kayang humawak sa akin gaya ng dati. Ganoon na ba niya ako hindi ka mahal na mismong ang paghawak sa'kin ay nakakapaso na?
Tiningnan ko siya sa mata. At tinatagan ang sarili kong makapagsalita ng hindi bumabasag ang boses. "Drive-thru muna tayo, then we'll talk this out.." ani ko at napalunok. "K-Kain muna tayo bago natin ayusin 'to... just like before.." dagdag ko.
Noon, sa tuwing may away kami o 'di kaya'y hindi pagkakaintindihan, nagdadrive-thru kami kahit hindi kami nag-uusap sa loob ng sasakyan. Pero kapag magkatabi na kami sa likod ng sasakyan at kumakain, pinag-uusapan namin ang tungkol sa aming pinag-awayan at inaayos.
YOU ARE READING
Drive-Thru (COMPLETED)
Historia CortaSix years of being together.... But can it guarantee forever? ..... Date Started: July 05, 2021 Date Completed: July 26, 2021