Chapter 06

17 8 0
                                    

May mga bagay talaga na inaakala mong para na sa'yo pero hindi pa pala. 'Yong tipong masaya ka na habang hawak-hawak ito, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, ay bigla na lamang mababasag sa mga kamay mo. Bigla na lang kakawala sa hawak mo.

Just like Paul and I...

I thought we already got things perfectly right. We talk, we laugh, we cry, and we fell in love with each other. We accept, support and help one another, we cheer up and comfort each other, and we do things --- even the most random one, together.

And as to what they always say, Paul and I are harmonious.

Which I also thought.

But they were wrong.

I was also wrong.

Akala ko katabi ko parin siya habang naglalakbay kami sa daan patungong walang hanggan. Akala ko hawak kamay parin kaming nilalampasan ang bawat balakid sa aming pagsasama at pagmamahalan.

Pero matagal na pala siyang nakabitaw.

Matagal na pala siyang lumihis mula sa aking kapit.

At hindi ko man lang namalayang nag-iisa na lang ako habang naglalakbay.

Hindi ko man lang namalayang nawawala na pala ako sa inaakala kong walang hanggan naming dalawa.

At dahil sa labis kong tiwala sa pagmamahal niya sa'kin, hindi ko naisip na may iba na. Dahil inakala kong ako lang, gaya ng kaniyang ipinangako.

Kasalanan bang maniwala sa taong mahal mo?

Hindi naman siguro 'to katangahan..

Sapagka't ako'y nagmamahal lang.

Napakurap ako at napatigil sa pagkalabit ng gitara nang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Pumasok mula dito si nanay kaya tumayo ako at inihanda ang mga gamit ko.

Today is Saturday, 6th anniversary namin ni Paul.

Noong huli kaming nagkausap ni Paul n'ong Tuesday, napag-usapan namin ang tungkol dito. I've asked him if we could still celebrate our 6th anniversary and he said yes, although alam kong hindi na ito gaya ng dati.

Dahil maaaring ito na ang huli...

We didn't end our relationship yet, but I know this would be our last anniversary.

Hindi din niya sinasabi na tapusin na ang relasyon namin, siguro'y hinihintay niya lang na ako mismo ang magbigay n'on sa kaniya. At 'yon ang mas masakit. Dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kaya at mas lalong hindi ko gusto, pero alam ko ding 'yon ang dapat.

At hindi ko inakalang ganito pala kasakit ang manatili sa isang relasyong dapat ng tinatapos.

But despite the fact that our relationship is sinking, I'm still holding on to my last hope that maybe we could still work things out.

Maybe I could still be able to save us.

"Hi." I greeted Paul. He smiled before greeting me back.

Kinuha niya ang dala kong mga gamit at ipinasok iyon sa kaniyang sasakyan. Inilagay ko rin ang dala kong gitara sa likod ng kaniyang sasakyan bago sumakay. Pinuntahan muna ni Paul si mama sa may gate at kinausap bago pumasok din sa loob ng sasakyan.

"So, let's go?" tanong nito at nginitian ako.

Tiningnan ko siya at binigyan ng isang ngiti bago tumango. Kumaway muna kami kay mama bago umalis at nagtungo sa isang beach resort na napag-usapan naming puntahan. Doon namin naisipang ipag-celebrate ang 6th anniversary namin kaya ay may mga dala kaming mga gamit at mga pagkain.

Drive-Thru (COMPLETED)Where stories live. Discover now