Epilogue

19 9 1
                                    

I thought I have already found an everlasting love with him. I thought I could have him forever. And I thought that since we've been together for so long, we could end up with each other.

Pero mali. Mali lahat ng iyon.

Dahil hindi porke nagtagal ay ikakasal.

"Elli, kain na tayo." narinig kong sabi ni mama mula sa labas ng aking kwarto. Tumayo ako at pinagbuksan siya.

Napangiti ako ng makita si mama. "Sige po, ma. Susunod po ako sa inyo, aayusin ko lang muna ang mga gamit ko." saad ko sa kaniya at napatingin naman siya sa aking likuran kung saan maraming nagkalat.

"Mamaya mo na lang 'yan ayusin, baka lumamig na 'yong pagkain at 'di ka pa tapos sa pagliligpit niyan." saad niya.

Tiningnan ko muna ang mga ito at napabuntong hininga. Tama si mama, baka matagal ko pang matapos ang pagliligpit dahil sa dami ng kalat.

"Sige, ma.." ani ko at sinabayan siya papuntang hapag.

"Kailan nga ulit natin bubuksan ang karenderya anak? Nakalimutan ko na naman kasi.." tanong ni mama sa kalagitnaan ng aming hapunan.

Tumawa ako ng kaunti. "Tumatanda ka na talaga ma. Sa July 18 pa po, sa susunod na buwan.." ani ko sa kaniya at ngumiti.

"Ah, oo nga pala. Sign of aging na talaga 'to." anito at tumawa rin.

"Pero maganda parin naman gaya ko." banat ko na mas nagpatawa sa kaniya.

Sa mga nakalipas na taon, napapansin ko ang pagbabago kay mama dahil sa edad. At kahit iyon ay natural lamang, nalulungkot parin ako dahil ibig ding sabihin n'on ay tatanda na ang aking ina at dadating din ang araw na mawawala na siya.

At kahit gustuhin ko mang panatilihin siya habang buhay, hindi ko parin 'yon magagawa dahil diyos lang ang nakakaalam.

"Wala ka pa rin bang mapapangasawa, Elli?" halos mabilaukan ako sa biglaang tanong ni mama.

Kinuha ko ang tubig at ininom ito. Grabe, nagulat ako sa tanong niya!

"Syempre wala pa po, wala pa naman akong boyfriend.." sagot ko sa kaniya. "At hindi naman ako nagmamadali, ma." dagdag ko pa.

Nakita ko ang pagsilay ng isang malungkot na ekspresyon sa kaniyang mukha. "Pero ako anak, nagmamadali.. Hindi na ako bumabata, Elli. At maliban sa gusto ko pang maabutan na magkaapo sa'yo--"

"Grabe, ma! Apo agad?" pagputol ko sa kaniya.

"Syempre gusto ko ring magkaapo. At tsaka ayaw ko ding maiwan ka dito na mag-isa kapag nawala na ako. Gusto ko, bago paman ako mawala ay may pamilya ka na at masaya." anito

Parang may tumusok na karayom sa aking puso dahil sa kaniyang sinabi. Sa tuwing binabanggit niyang mawawala siya ay para akong naiiyak.

It's inevitable, but it pained me to accept that.

"Ma, 'wag ka na munang mag-isip ng ganyan. Hindi ka pa po mawawala at matagal pa pong mangyari 'yan.." sabi ko na lang sa kaniya.

"Hindi tayo sigurado d'yan, anak." anito gamit ang isang mahinang tinig.

"Ma, naman.. 'Wag ka munang magsalita ng ganyan, pinapaiyak mo naman ako.." wika ko gamit ang isang malungkot na boses.

Drive-Thru (COMPLETED)Where stories live. Discover now