Pinilit kong bumangon kinabukasan kahit mugto ang aking mga mata. Kailangan kong pumasok sa paaralan at sa trabaho ko.
May buhay akong dapat ipagpatuloy.
Hindi ko na ni-replayan si Paul kahapon dahil sobra akong na disappoint sa kaniya.
He lied.
He just fuckin' lied.
"Ba't ka naka-eyeglass ngayon, Elli? Broken ka?" narinig kong tanong ni ate Jane na katrabaho ko.
"Ho? Hindi po" sagot ko sa kaniya at mahinang tumawa. Iniwas ko din ang aking mga tingin sa kaniya.
"Sus, alam mo bang kahit nakaganyan ka'y kita ko parin ang mga mata mong parang ilang libong luha ang isinayang..." sabi nito pero hindi ako sumagot. "Nakausap mo na ba?" dagdag pa niya.
Napakagat ako sa'king labi. "Hindi pa po..." mahinang saad ko.
"Nako! Kausapin mo 'yan, Elli. 'Wag kang mag-alala, mahal ka n'on" anito sabay ngiti sa akin. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti bago nagpatuloy sa pagtatrabaho.
Sana nga...
Natatakot akong kausapin si Paul dahil baka kung ano pa ang malaman ko. Pero nagdadalawang isip parin ako dahil baka nama'y mali lang ang mga akala ko at 'di talaga nagloloko si Paul.
Hindi niya ugaling magsinungaling lalo na sa'kin...
And I just hope that the truth won't hurt me... and won't end us.
Pupunta ako bukas sa inyo. May sasabihin ako -- text ni Paul sa'kin kinagabihan. Buong araw kaming walang imikan kahit sa text dahil kahit ako'y hindi rin siya tinext.
At hindi ko alam kung bakit pero biglang nanlamig ang mga kamay ko nang mabasa ang text niya. Nagte-text naman talaga siya kahit noon pa sa tuwing dadalaw siya sa'min. Pero bakit ngayon ay parang natatakot ako, lalo pa't may sasabihin siya.
"No, Elli... baka may magandang balita lang siya sa'yo" bulong ko sa sarili.
Yes, maybe he just want to tell me a good news.
Sige, ga. Bukas, mga 6:30 nasa bahay na ako. -- reply ko sa kaniya.
Pinilit kong pinapaniwala ang sarili ko na baka good news lang ang sasabihin ni Paul at hindi dapat ako matakot d'on. Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng masama.
At tungkol d'on sa nakita ko noong nakaraang linggo, sasabihin ko 'yon sa kaniya. Gusto kong maging klaro 'yon dahil ayokong may dala-dala na pagdududa sa kaniya.
He could explain it.
I trust him.
"Anak.." narinig ko ang boses ni mama habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Ngayon dadalaw si Paul. "Nandito na si Paul, Elli anak" dagdag pa nito.
Bumuntong hininga ako. "Sige, ma! Palabas na ako.." sagot ko sa kaniya at tiningnan ang sarili ko sa salamin. "Think positive, Elli..." ani ko sa sarili bago lumabas.
Bumungad si mama sa akin sa may pintuan. Nakatingin ito sa'kin kaya ay nginitian ko siya.
"Alam kong may problema kayo, pag-usapan niyo 'yan, anak.." sabi nito sa'kin bago hinawakan ang kamay ko at pinisil.
Natatakot ako. Nangangamba. At gusto ko na lang umiyak sa mga bisig ni mama.
"Opo, ma.." bulong ko.
Nakita ko si Paul na nakaupo sa sala at nakayuko. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad siyang tumayo at humarap sa'kin.
Bakit gan'on, parang nalulungkot ako habang nakatingin sa mga mata niya.
Nakikita ko kasing parang may problema sa'min.
Parang may hindi tama.
"Hi, ga.." bati ko sa kaniya at niyakap siya. "I miss you..." bulong ko.
Hindi siya sumagot at niyakap lamang ako pabalik. Mas humigpit ang pagyakap ko sa kaniya habang nararamdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso.
"Labas tayo, puntahan ko lang si tita para magpaalam" sabi niya habang nakatingin sa'kin. Tumango lang ako sa kaniya kaya agad siyang nagtungo sa kusina kung nasaan si mama.
"Tita, hihiramin ko muna si Elli.." narinig kong sabi niya.
"Sige, hijo. Ingat kayo" sabi naman ni mama. Nagmano muna si Paul sa kaniya bago bumalik sa'kin.
"Tara na.." sabi niya sa'kin habang tipid na ngumiti. Hindi ako nagsalita at ngumiti lang din sa kaniya hanggang sa kunin niya ang susi ng sasakyan sa center table.
Bumalik siya sa kinatatayuan ko at hinawakan ako para makaalis na kami.
Tumingin ako sa paraan ng paghawak niya sa'kin.
At doon palang ay alam kong may mali na talaga.
Because he used to hold me in my hand..
But now, he's holding me in my wrist.
"Are you okay, Paul?" tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa kotse niya. Nagmamasid lang ako sa kaniya habang inihanda ang sasakyan.
Tumingin ito sa'kin at binigyan ako ng isang ngiti, pero malungkot ang pagtingin ng kaniyang mga mata. Tumango siya bilang tugon sa'king tanong at pinaandar ang sasakyan.
Ilang minuto kaming walang imikan sa loob ng kotse. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang siya nama'y tahimik na nagmamaneho.
Something is wrong. Some things are both bothering us.
Narinig ko ang pagtikhim niya. "How's your day... ga?" narinig kong tanong niya.
Hindi ko alam pero naninibago ako sa pagtawag niya sa'kin ng "ga". Napapansin ko din kasing hindi na niya ito binibigkas sa tuwing kausap niya ako, at hindi 'yon naging big deal sa'kin pero napapansin ko.
And now that I heard it again from him, my heart somewhat warms.
Baka wala naman talagang problema sa'min.
Baka nadadala lang ako sa mga iniisip ko.
"Ayos lang naman, ga. Medyo pagod dahil na rin sa trabaho pero kinakaya ko naman" pinilit ko talagang maging masigla ang boses ko habang sinasabi ko 'yon sa kaniya.
Tumatango naman siya. "Good to hear that. I hope you never skip meals" seryoso nitong saad lalo na sa huli niyang sinabi.
He still cares.
Napangiti ako dahil d'on. "Ikaw? Kamusta ka?" tanong ko pabalik sa kaniya.
"Uh.. ayos lang din naman. As usual, tiring"
"By the way, noong nakaraang linggo pala, nakita kita d'on sa may drive-thru sa isang restaurant..." sabi ko sa kaniya sa mahinahong tono.
Nakita ko kung paano siya napalunok matapos ko iyong sabihin. Tumingin siya sa'kin ngunit agad ding nag-iwas. "Huh?.. really..?"
"Yuh.. and you were with a.. girl" nag-aalanganin kong saad sa kaniya at tumingin muli sa labas ng bintana ng kotse.
Kinakabahan ako sa maaari niyang isagot. I know he did lied to me, but I also know how much he hate to lie, especially to me.
Kung nagawa niyang magsinungaling, maaaring may mabigat na rason siya dahil kilalang-kilala ko siya, hindi niya gawaing magsinungaling.
At ngayon, kinakabahan ako dahil baka sabihin na nga niya ang totoo.
Kung sino 'yong kasama niya...
"Kamag-anak mo ba 'yon? Ka ano-ano mo 'yon, ga?" mahinahon at kaswal kong tanong ulit sa kaniya nang ilang minuto siyang hindi nakapagsalita.
"Elli..." pagtawag niya sa'kin.
"Hmm?"
"I'm... sorry" halos pabulong niyang saad.
Napatingin ako sa kaniya at nakita ko kung paano niya pinakawalan ang isang malalim na buntong hininga.
At doon ko muling naramdaman ang takot sa aking dibdib.
YOU ARE READING
Drive-Thru (COMPLETED)
Short StorySix years of being together.... But can it guarantee forever? ..... Date Started: July 05, 2021 Date Completed: July 26, 2021