Naramdaman kong huminto ang sasakyan. Napatingin ako sa paligid kung nasaan kami at napakurap ako ng ilang beses nang mapagtanto kung nasaan kami ngayon.
This is the place where we first met.
In the park.
Lumabas si Paul ng sasakyan at pinagbuksan ako. Agad na sumalubong sa akin ang simoy ng hangin at ang tunog ng mga alon.
May kalayuan ito sa tinitirhan namin ngayon kaya ay halos taon na rin ang lumipas noong huli akong nakapunta dito. Maraming pumupunta dito dahil maganda at malinis ang lugar. Mas lalong umaliwalas ang lugar kumpara noon, ngunit walang masyadong nagbago dito.
"Doon tayo sa may bakanteng bench..." narinig kong sabi ni Paul bago hinawakan ang aking likod. Naglakad kami papunta doon. Walang masyadong tao na malapit sa bench na iyon marahil dahil ang bahaging iyon ay hindi masyadong maliwanag.
And I suddenly felt a sense of deja vu when we sitted.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay Paul.
Tumingin siya sa langit kung saan maliwanag na kumikislap ang mga bituin. Tinitingnan ko siya at kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"This is the place where we first met...." sabi niya at tumingin sa'kin. "..and the place where I found you crying because your father just died.." malungkot nitong saad.
Hindi ako nagsalita at binigyan lamang siya ng isang malungkot din na ngiti.
"Dito mo rin ako sinagot noon" dagdag pa nito at mahinang tumawa dahil sa naalala. "And this place will always remind me of you, Elli.."
Kinakabahan akong napatawa. "B-Bakit parang.. nalulungkot ako sa mga sinasabi mo?" ani ko sa kaniya. "Bakit mo ba sinasabi 'yan, ha?" tanong ko sa kaniya at pabiro siyang sinampal sa balikat.
Kinuha niya ang dalawa kong kamay at dinala iyon sa kaniyang mga labi. Hinalikan niya iyon at tumingin sa akin ng malungkot.
"Elli, you are so great. And you have such a good soul.. but I-- I'm sorry.." sabi nito.
Hindi ko napigilan ang sarili ko at bumagsak ng biglaan ang mga luha ko pababa. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin o kung bakit niya iyon sinasabi pero unti-unting nabibiyak ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang malulungkot niyang tinig.
Nahihirapan siya ngayon, at kita ko ang hirap niya dahil bakas sa kaniyang mga mata.
At hindi ko alam kung bakit.
"Ano ba 'yang mga sinasabi mo, Paul? Umiiyak na tuloy ako" sabi ko at pabirong tumawa.
"You know that I hate lying, right?" mahinahon nitong tanong kaya ay tumango ako. "At hindi ko na kayang magsinungaling pang muli, Elli... at gusto ko ng itama lahat ng nagawa kong pagsisinungaling sa'yo"
"W-What do you mean?"
"I lied when I told you last Sunday that I was at home doing my project. And I'm so sorry for that.." wika niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Tumingin siya sa kalangitan bago nagpatuloy. "Because the truth is.. I was with my classmate. At siya 'yong babaeng kasama ko noong nakita mo ako"
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi upang pigilan ang sarili kong muling maiyak.
"O-Okay.." nahihirapan kong bulong dahil pinipigilan kong bumasag ang boses ko.
May mali na talaga.
At ramdam ko na.
At gusto ko na lang tumakbo dahil takot na takot na ako ngayon sa kung ano pa ang sasabihin niya.
He's now telling me the truth.. and I am not sure if I could possibly handle it without breaking.
"But..." nahihirapan din niyang saad. "..but I.. like..her"
Napahawak ako sa aking bibig.
"..and it's really.." yumuko siya. "..not my intention to like her a lot, now."
At doon na ako napahagulgol.
Tumayo ako at akmang tatakbo na pero nahawakan ako ni Paul sa aking bisig.
"Elli, I'm.. sorry.. But believe me, iniwasan ko naman talaga siya when I first felt something weird towards her, dahil alam kong masasaktan ka" pagsasalita pa niya.
Tama na, Paul. This is too much already.
"Pero mas nagustuhan mo siya!" basag na boses kong saad.
"At hindi ko intensyon 'yon!" may kalakasan niyang saad gamit ang basag na boses din.
Humarap ako sa kaniya. "So ano 'yon? Hindi mo intensyong magkagusto sa iba... habang may relasyon ka sa akin? Gusto mo siya.. tapos mahal mo.. ako?" sumbat ko sa kaniya.
Hindi siya umimik at yumuko na lang habang pinipisil ang mga mata. Lumilingo din siya at pansin ko rin ang pamumula ng kaniyang leeg.
"N-Nakakagago naman 'yan, Paul... " mahina kong sabi dahil halos wala na akong lakas pa.
Ang sakit.
Ang sakit na may gusto na siyang iba.
"M-Mahal mo... pa ba talaga a-ako?" basag ang boses ko habang tinatanong iyon sa kaniya.
Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking luha at ang aking paghikbi. Habang siya nama'y nakayuko lamang habang unti-unti ding bumabagsak ang kaniyang mga luha. Ilang minuto ding hindi siya nakasagot sa aking tanong at tanging paghikbi ko lang ang naririnig mula sa aming dalawa.
"Sagutin mo naman ako, Paul..." sabi ko sa kaniya, halos nagmamakaawa na. "Mahirap bang sagutin 'yon?"
"Elli..." anito at tumingin sa'kin. Kita ko na ngayon ang pamumula ng kaniyang mga mata at ang pag-agos ng iilang mga luha. "I--I'm confused..."
Napayuko ako habang pinipigilan ang sarili kong sigawan siya dito. Naiinis ako dahil ang simpleng tanong noon ay hindi na niya kayang sagutin ngayon.
Naiinis at nasasaktan ako.
"So... hindi ka na sigurado kung mahal mo pa ako? Ganun ba ang ibig mong sabihin, Paul?" pagpipigil kong saad.
Hindi siya sumagot.
Ayaw niyang sumagot.
"Punyeta! Magsalita ka naman!" I shouted in between my sobs. "...bakit hindi na ako?--I mean, hindi na ba ako? Diba sabi mo... a-ako lang? D-Diba sinabi mo 'yon?" desperada kong tanong.
Last time I check, it was still me.
He's still into me.
Then all of a sudden, he'd confess that he like someone that isn't me.
Naging ganoon ba ako ka busy sa mga baga-bagay para hindi mapansing hindi na pala ako?
Na meron na palang bago?
I bit my lip. I close my eyes.
And I've heard him say,
"I'm sorry, Elli... pero parang hindi na yata ikaw..."
I gave in.
Napaluhod ako at napahagulgol nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko mailarawan kung gaano kasakit iyong marinig. Parang nawalan ako bigla ng lakas, at ang tangi ko lang nagawa ngayon ay ang ilagay ang dalawa kong kamay sa mukha at umiyak.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Paul. Gusto ko siyang itulak dahil ang kapal ng mukha niyang hawakan ako matapos akong saktan ng ganito, pero natakasan na ako ng lakas ko na gawin iyon.
I cried while slightly pushing him away. But he did not move his embrace away from me, until I surrender pushing him and just cried in his arms.
Because the truth is, even if he's the reason behind my tears, his embrace is still my greatest solace.
YOU ARE READING
Drive-Thru (COMPLETED)
Short StorySix years of being together.... But can it guarantee forever? ..... Date Started: July 05, 2021 Date Completed: July 26, 2021