Chapter 02

22 9 2
                                    

Lumipas ang mga araw na ganoon pa rin kami ni Paul. Naging normal na para sa'kin ang paminsan-minsan na niya lamang pagtetext at pagtawag dahil alam kong busy siya.

Mas naging busy din ako lalo pa't nagtatrabaho na nga ako. At alam na iyon ni Paul. Mahirap mang ipagsabay ang trabaho at pag-aaral, pero kinakaya ko dahil kailangan. Dahil para ito sa'ming dalawa ni mama.

At tungkol naman doon sa tanong niya noong huli kaming nag drive-thru, hindi ko na lamang iyon mas iniisip dahil baka makakaapekto 'yon sa'min.

He said it's just a random question.  And I shouldn't be bothered with it.

Hindi ko alam kung bakit niya iyon naitanong, pero hindi ko iyon ginawang rason para pagdudahan siya.

I trust him.

At masyado din akong busy para sa pagdududa sa kaniya.

Ga, sa'n ka? Drive-Thru tayo --- text ko kay Paul.

Today is Sunday, at wala akong trabaho. Wala din akong masyadong activities na kailangang gawin kaya ay naisipan kong magyaya kay Paul.

Kasi aside sa ilang linggo na rin noong huli kaming nakapag-drive thru, sa Saturday na rin ang 6th anniversary namin.

Noong 1st anniversary namin, inakala kong nakalimutan niya iyon pero may surprise pala siya. And during our 2nd anniversary, pinakilala ko siya kay mama at doon kami nag-celebrate sa bahay. He also made a surprise during our 3rd and 5th anniversary. While during our 4th anniversary, nagkatampuhan kami pero naayos din agad kaya pinagdiwang namin ito ng simple pero memorable parin.

And I do not know what will be our plans in our 6th anniversary.

My phone vibrated and I immediately open the text message. Napasimangot ako nang mabasa ang reply ni Paul.

Sorry.. I can't for now. May tatapusin akong project -- he replied.

Napabuntong hininga ako pero inintindi ko na lang siya. Hindi na ako nangulit pa sa kaniya dahil ayoko namang makipag kompetisyon sa kaniyang pag-aaral.

Naglinis na lamang ako ng kwarto ko at tinulungan si mama sa ginagawa niyang pagtatahi. Matapos maisara ang karenderya, sinubukan ni mama ang manahi bilang bagong pagkakakitaan dahil may alam din naman siya sa pananahi. May kaunti lamang siyang puhunan pero kapag ito'y napalago niya, muli niyang bubuksan ang karenderya.

Nang maghapon, inutusan ako ni mamang bumili ng tela. Medyo may kalayuan iyon mula dito pero ayos lang.

I was about to cross the street when I saw Paul's car. Napansin kong lumiko ito papuntang drive-thru ng isang fast-food restaurant. Medyo may kalayuan ito mula sa aking kinatatayuan pero kita parin mula dito ang mukha niya dahil nakababa sa gitna ang salamin ng kaniyang sasakyan. 

Napangiti ako.

Maybe he planned to surprise me.

Baka papunta 'to sa'min, dahil siguro nakonsensya sa pagtanggi sa alok ko sa kaniyang drive-thru kanina.

Tumawid ako para puntahan si Paul. May kabigatan din kasi 'tong dinadala kong mga tela kaya sasakay na lang siguro ako sa kaniya. Para din makatipid.

Nakangiti ako habang papalapit sa kaniyang sinasakyan. Nakahinto din kasi ito dahil naghihintay sa drive-thru. Nang medyo nakalapit ako sa kaniya, napansin kong para siyang may kausap sa loob ng sasakyan. Hindi din kasi ganoon ka-tinted ang sasakyan nila kaya makikita din ang nasa loob.

Tumatawa siya at kita ko din kung gaano kalaki ang kaniyang mga ngiti.

Hindi ko alam pero biglang humina ang paglalakad ko palapit sa kaniya. Hindi niya ako napapansin dahil hindi naman siya bumabaling sa aking gawi.

Natakot ako sa kung sino ang kasama niya sa sasakyan, hindi ko kasi masyadong makita dahil natatabunan niya.

Baka ang nanay o 'di kaya'y tatay niya ang kasama niya sa loob.

Takot pa naman ako sa mga 'yon.

Mas lumapit ako ng kaunti at sinilip kung sino ang katabi niya ngunit biglang umandar ang kanilang sinasakyan kaya ay tanging buhok lang ng kaniyang kasama ang nahagilap ko.

It could be his mom...

I was about to go to the opposite direction when my curiosity hits me hard.

Oo, posible ngang ina niya 'yon... pero sa paraan ng pagtawa niya at pagngiti, baka hindi niya ina 'yon.

"Damn, curiosity..." bulong ko sa sarili.

Inalis ko ang pagdududa na namuo bigla sa isip ko, lalo pa't naalala ko bigla ang tanong niya noong huli kaming nag-drive thru.

Pero hindi ko kayang umuwi nang may palaisipan dahil nakakabigat ito ng kalooban, kaya pumunta ulit ako malapit sa kaniyang sasakyan.

Pinanatili ko ang distansya mula dito dahil natatakot akong makita. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw kong magpakita.

Gusto ko lang namang makasiguro kung sino ang kasama niya sa loob.

For the sake of having a peace of mind.

Pero nabato ako sa kinatatayuan ko nang makitang hindi ina niya ang kasama niya sa loob.

Isang babae.

At hindi ko kilala kung sino...

Pero pamilyar para sa'kin.

Gusto ko ng umalis dahil baka kung ano pa ang makita ko pero parang gusto parin ng sistema ko ang manatili para mas makasigurado.

He talked and laughed with her.

His sweetest smile appeared while with her...

A smile that he loves to give to me.

At akala ko'y ako lang ang may kayang makapagpangiti sa kaniya ng ganoon.

Napakurap ako ng muling umandar ang kanilang sinasakyan. Hindi ko na iyon sinundan pa ng tingin at umalis na lamang sa lugar na iyon.

Umuwi akong nakatulala at may mga katanungan sa isipan. Iba't ibang posibilidad ang tumatakbo sa aking isipan pero hindi ko kayang paniwalaan dahil kilala ko si Paul.

Alam kong hindi niya magagawa 'yon.

Alam kong hindi niya kayang magloko... sa akin.

No, he won't.

He loves me. And I trust him a lot.

Saan ka ngayon, ga? May ginagawa ka ba? --- I unconsciously typed and texted that to him.

Nanginginig ang kamay ko habang naghihintay sa reply niya. Pinipigilan ko ding maiyak dahil ayokong magsayang ng luha sa walang kasiguraduhan. Gusto kong makasiguro, dahil ayokong masira kami dahil lang sa maling akala ko.

I want things to be clear.

Nasa bahay lang. Doing my project ;)) --he replied.

Napabuntong hininga ako.

Maybe nasa bahay lang talaga siya at pumunta lang siya kanina sa drive-thru para bumili ng pagkain.

At baka groupmate niya iyong kasama niya.

Yes, Elli. Don't let your suspiscions control you.

Ikaw lang ba mag-isa? --text ko sa kaniya.
I mean, individual ba 'yang project n'yo or by group? -- muli kong tanong nang ilang minutong hindi siya nag reply.

Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ko. Kinakabahan na rin ako sa posibleng katotohanan.

Pero ayokong pag-isipan si Paul ng masama kaya sa kabila ng mga negatibong palaisipan sa akin, mas pinaninindigan ko ngayon ang mga positibong posibilidad. 

Baka kaklase lang n'ya 'yon para sa project nila. O baka nama'y pinsan niya iyon o kamag-anak lang.

Pero sa tuwing naiisip ko ang pagtawa at pagngiti niya, para akong nabibiyak.

Individual -- he replied.

And after a second of looking at his reply, I gave in.

I let my fear control me.

I cried.

Drive-Thru (COMPLETED)Where stories live. Discover now