Asher's pov
Halos gumuho ang mundo ko nang makita ko ang babaeng pinakamamahal ko na nakahiga at wala ng buhay.
Anong kasalanan ang nagawa ko at bakit ang pagkamatay pa ng asawa ko ang naging parusa?!
"I'm so sorry for you loss, Mr. Martinez." Bulong ng doktor bago ako tinapik sa braso at iniwan.
Nanginginig akong pumasok sa loob ng operating room at dahan-dahang inangat ang puting kumot.
Napaluha na lang ako nang makita ko ang mukha ng aking asawa.
"Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon ka pa nawala kung kailan ayos na ang lahat? Bakit mo naman ako iniwan, Avaly?" Napakaraming tanong ang bumabagabag sa aking isip habang yakap ko ang malamig na katawan ni Ava.
"Please, Ava. Wake up, don't leave me please. I still need you. Kailangan ka pa ng mga prinsesa natin. Kailangan ka pa ni Ellie. Please, Ava. Don't go to the light, not yet. Please! Please, wake up!" Kung ano-ano ang pagmamakaawang ginawa ko pero wala. Walang nangyari.
"Please, Ava. Sana panaginip lang ang lahat ng ito. Please, Ava I can't do this without you. Please don't leave me, babe." Niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa tsaka hinawakan ang kamay niya.
"I love you." Bulong ko sa kanyang tenga.
...
Ava's pov
Pagmulat ko ng aking mata ay walang ibang bumungad sakin kundi puti.
Nang bumangon ako ay unti-unting naging hardin ang paligid.
Naparaming mga halaman, puno, bulaklak at kung ano-ano pa. Napangiti ako habang naglalakad at pinagmamasdan ang mga paro-paro na dumadapo sa mga halaman.
"Ava." Napalingon ako nang may tumawag sa akin.
"Irish!" Nakangiti kong sabi at lumapit sa kanya.
Agad ko siyang niyakap at naramdaman ko namang yumakap siya pabalik.
"Kamusta kana?" Tanong ko sa kanya.
"I'm doing great." Nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko.
"Look, I want you to know that I'm sorry for everything I had done to you. Kahit naging masama ako sayo ay inalagaan mo pa rin ang anak ko. Thank you for that." Ngumiti ako at hinawakan din ang kanyang kamay.
"Wag kang mag alala, Irish. Matagal na kitang napatawad." Nakangiti kong turan at niyakap ulit siya.
"Still, thank you so much for keeping your promise. I can see that Crystal is very happy." Tumango lang ako at naglakad-lakad muna kami sa hardin.
"You know, kaya ko lang naman nagawa ang mga yun dahil lagi akong pinipilit ng magulang ko especially my dad. Lagi niya akong sinasaktan kapag hindi ko siya sinunod, not only mentally but also physically. That's why I have no choice but to follow him." Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya.
"When I got pregnant, akala ko ay magbabago na ang turing sa akin ni Asher at mamahalin niya na rin ako pero hindi. Ikaw pa rin ang mahal niya and I completely understand that now. Kaya nga, natuwa ako nang malaman ko na bumalik kana eh. Because you came back at the right time. Alam kong may cancer na ako at natatakot ako kung kanino ko iiwan sila Asher at Crystal. Pero sinagot na iyon ng Diyos dahil pinabalik ka niya sa kanila. I'm so happy that I spend the last days of my life with them and thank you for making it happened." Ngumiti ako at pinunasan ang kanyang luha.
"Well, I guess... I wasn't as prepared as you. I left them at the wrong time." Naluluha kong sabi.
"Shh, hindi mo pa oras." Sabi niya na ipinagtaka ko.
"Asher still needs you. The kids still needs their mother. Hindi mo pa oras, Ava. Hindi mo pa kailangan sumunod sa akin sa liwanag." Sabi niya at napangiti ako.
"Talaga?" Tanong ko at tumango siya.
"Bumalik kana sa mag aama mo kasi kanina pa sila naiyak eh." Natatawa niyang sabi kaya natawa din ako.
"Salamat, Irish." Sabi ko.
"Maraming salamat din, Ava. Pakisabi din kay Crystal na mahal na mahal ko siya." Tumango ako at niyakap ko muna siya ng matagal bago siya iniwan dun sa hardin.
I'm coming back, my love.
...
Asher's pov
Naalimpungatan ako ng gising dahil sa dalawa kong prinsesa.
"Daddy, nawawala po si mommy!" Sumbong nila kaya napatingin ako sa hospital bed ni Ava at wala nga siya dun.
Agad kaming lumabas at tinanong sa nurse kung nasaan ang asawa ko at sabi niya ay nasa NICU daw ito kaya agad namin siyang pinuntahan.
Pagdating namin dun ay nakita naming may nakaalalay sa kanya na nurse habang nakaupo siya sa wheel chair.
Nang makita ako ng nurse ay tumango muna siya bago kami iniwan.
Nilingon ako ni Ava at ngumiti.
"Ava? You're alive?" Tanong ko.
"Yes, I am." Mahina niyang turan.
"Damn." Napasandal na lang ako sa pader at tila ngayon ko lang naramdaman ang lahat ng pagod ko.
"You're alive!" Masaya kong sabi habang umiiyak.
Para akong bata habang nakaupo dito sa sahig at naiyak.
Naramdaman ko namang tumabi sakin si Ava at niyakap ako ng mag iina ko.
"Shhh, hindi ko kayo iiwan." Malumanay niyang sabi.
Niyakap ko silang tatlo at maya-maya lang ay tinulungan kong makabalik sa wheel chair si Ava.
"Ang liit pa ni Ellie." Sabi ni Ava habang nakadikit ang palad sa malaking salamin.
"Ano bang nangyari, babe?" Tanong ko habang nasa likod niya ako.
"Pauwi na kami nun. Malapit na kami sa subdivision pero may truck na biglang sumulpot at nabangga kami." Kwento niya.
"Akala ko ay iniwan mona kami." Sabi ko.
"Wag ka mag alala. Sabi niya naman, hindi ko pa oras eh." Nagtataka akong humarap sa kanya.
"Who?" I asked.
"Si Irish." Nakangiti niyang sabi at hinawakan ang pisngi ko.
Nakaluhod kasi ako ngayon habang kaharap siya.
"You saw her?" I asked and she nodded.
This means, my wife almost died!
"Mommy, you saw mommy Irish in your dreams?" Tanong ni Crystal.
"Yes, baby. Pinapasabi din ng mommy mo na mahal na mahal ka niya." Sagot ni Ava at niyakap ang bata.
...
"Did you really saw her?" Tanong ko nang kaming dalawa na lang ang nandito sa kwarto niya dahil ang mga bata ay umuwi muna kasama ang lolo at lola nila.
"Yeah." Sagot niya at napahigpit ang hawak ko sa kamay niya.
"Don't worry. I'm fine now." She reassured me.
"Anong pinag usapan niyong dalawa?" Tanong ko.
"Nag sorry lang siya sakin at kinwento kung bakit niya ginawa ang mga iyon." Sagot niya.
"Oh, bakit ka umiiyak?" Tanong niya.
"I just can't believe I almost lost you, babe." Naramdaman kong pinunasan niya ang aking luha gamit ang kanyang kamay.
"I had already lost you once before. I can't bear to loose you forever now." Sabi ko at hinawakan ang kamay niyang nasa pisngi ko.
"I promise you, hinding-hindi kita iiwan. I love you, Ashy." Sabi niya.
"I love you too, babe."
To be continued

BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend is my Boss! ✓
General FictionCOMPLETED STORY "I now have money and fame. I have everything I could wish for. Now, do you love me?" seryoso niyang tanong. I'm sorry, Asher. But, I have to do this. "N-no" nanginginig kong sagot. "Louder" "No" pilit ko man lakasan pero sadyang hin...