Asher's pov
Ngayon ang huling araw namin dito sa Batangas at bukas ay makakauwi na rin kami. Namimiss kona sila Ava at Ashley pero kahit papaano ay hindi naman ako nagiging malungkot dahil nandito sila Irish at Crystal.
Maganda na rin ang pakikitungo namin sa isa't isa at ngayong araw ay lulubos lubusin na namin ang pagb-bonding.
"Ito?" Tanong niya at iniangat ang two piece swimsuit.
"No. Seryoso ka, Irish? Puro two piece and dala mo? Baka naman gayahin ka ng anak natin paglaki nun." Sabi ko at natawa naman siya.
"Bakit? Maganda naman ang katawan ni Crystal ah." Nakangiti niyang sabi.
"Irish!" Suway ko kaya mas lalo siyang natawa.
"Fine. Ito, one piece." Sabi niya.
"Okay na yan. We'll wait for you outside." Sabi ko at lumabas ng kwarto.
Sa iisang kwarto lang kami natutulog dahil good for four persons naman ang kama. Nasa magkabilang dulo kami ni Irish habang sa gitna ang anak namin.
"Daddy, ang tagal naman ni mommy!" Reklamo ng anak ko.
"Makupad yang mommy mo eh." Pang aasar ko at biglang bumukas ang pinto.
"Wow, mommy! Ang sexy niyo po!" Komento ni Crystal.
"Thank you, baby." Sabi niya at lumapit sakin.
"Ayos ba?" Tanong niya. Ngumiti ako at tumango.
"Tara na sa dagat at tinotopak na itong prinsesa natin. Ang tagal mo daw." Sabi ko na ikinatawa niya at si Crystal naman ay nakanguso.
Pagdating namin sa gilid ng dagat ay binuhat ko si Crystal para mapuntahan namin yung mas malalim na parte ng tubig.
"Daddy, ang lakas po ng waves!" Manghang sabi ni Crystal habang ang tubig ay nasa bewang kona.
Si Irish naman ay nasa tabi ko at kulang na lang ay matumba siya sa lakas ng paghampas ng alon kaya hinawakan ko ang braso niya bilang alalay.
Nang maabot na ng tubig ang dibdib ko at bewang ni Crystal ay tumigil na ako sa paglalakad.
"Gusto mo mag swimming, baby?" Tanong ko.
"Ang lalim na po ng tubig eh!" Natatakot niyang sabi.
"Don't worry. Nandito kami ni mommy para alalayan ka." Sabi ko.
Tumango siya kaya inilagay ko ang mga kamay ko sa kili-kili niya at bahagyang inilayo siya sakin.
"Wah, daddy! Hindi ko maabot yung lupa!" Sabi niya at natawa naman kami ni Irish.
"Kapag malaki-laki kana, baby. Maabot mo din yan." Sabi ni Irish at ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa braso ko.
"Are you okay?" Bulong ko at tumango lang siya.
"Yeah. Baka mahila lang ako ng alon." Sabi niya at natawa naman ako.
Naglaro lang kami dun ng halos isang oras at naisipan na naming umahon para kumain ng tanghalian.
Kahit tanghali ay hindi masyadong mainit dito dahil hindi nakatutok ang araw sa lugar na ito.
Pumasok na kami sa villa at may nakahanda na dun na pagkain na iniluto ni Irish. Ngayon ko nga lang din nalaman na marunong pala siya magluto.
Pinaupo ko si Crystal sa upuan niya na katapat ni Irish at ako naman ay tumabi kay Irish.
Masaya kaming kumain nun at minsan ay sinusubuan ako ni Irish. Bumabawi din naman ako at syempre ay dinamay na din namin ang anak namin. Mamaya, magtampo pa eh hahaha!
![](https://img.wattpad.com/cover/261337280-288-k767977.jpg)
BINABASA MO ANG
My Ex Boyfriend is my Boss! ✓
Narrativa generaleCOMPLETED STORY "I now have money and fame. I have everything I could wish for. Now, do you love me?" seryoso niyang tanong. I'm sorry, Asher. But, I have to do this. "N-no" nanginginig kong sagot. "Louder" "No" pilit ko man lakasan pero sadyang hin...