Chapter 9

53 6 0
                                    

CHAPTER 9:
INTERVIEW PART 4:

(She's Engaged)

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

JHAN CELL'S POV.

Naka-upo ako ngayon dito sa carpet ng sahig meaning naka-upo lang ako sa lapag. Bwisit kasi itong si Roan eh. Hindi niya ako hinayaang umupo sa nagi-isang upuan dito sa loob ng kanyang tree house. Yes, tama po kayo ng nabasa. Tree house.

*Flashback*

"OPEN SESAME!!!" -biglang sigaw ni Roan.

Yumanig ang paligid. Nagliparan ang mga ibon. Naging makulimlim ang langit. Lumakas ang ihip ng hangin.

CHAROT LANG!!!

Pagkatapos sumigaw ni Bruha, wala naman talagang nangyari. Ginugood-time lang niya tayo mga beh.

"Bruha. Pwede ba, kung baliw kana pumunta kana lang sa mental hospital. Ihahatid pa kita. Kung gusto mo?"- naiiritang sabi ko.

"Umakyat ka sa puno."- Kaloka! Inutusan pa talaga ako.

"Bakit naman ako aakyat dyan aber?"- pagtataray ko kasi talagang bad trip na ako.

"Hay! May tree house ako sa taas ng malaking puno na ito kaya umakyat kana kung gusto mong ma-interview pa ako."- parang tinatamad nang sabi ni Roan.

"Aakyat? As in? Wala man lang hagdan na gagamitin?"- kinakabahang tanong ko.

"Oo. Bakit? Takot ka bang umakyat o sadyang hindi ka marunong umakyat ng puno."- naka taas ang kanang kilay ni Roan habang naka-tingin saakin.

HATING the IDOL (Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon