Chapter 3

72 7 0
                                    

CHAPTER 3:
JOB CONTRACT

*******************************************

JHAN CELL'S POV.

Kasalukuyan akong nagtratrabaho at malapit ng matapos sa aking sinusulat ng bigla nalang sumulpot sa tabi ko si Lina. Yung totoo mushroom ba ang babaeng ito. Nang lingunin ko siya ay mataman lang siyang nakatingin saakin. Ano bang problema ng merlat na to, huwag niyong sabihin na may lihim na pagtingin saakin itong bff ko.

"Hoy!!! Merlat baka matunaw ako."-pasigaw kong sabi sakanya.

"Ayyy!!! Bilat. Bakla naman. Grabe maka sigaw parang megaphone lang ang peg."-sabi niya.

"Bakit kasi grabe ka kung maka tingin saakin? May kailangan kaba? Mangungutang ka siguro noh?"- sunod-sunod na mga tanong ko sakanya.

"Utang agad!!! Mas maypera pa nga ako kaysa sayo." -sagot niya.

"Nandito ako kasi gusto kitang damayan." - dugtong pa niya.

Mukhang alam ko na kong saan mapupunta tong usapan namin.

"Damayan saan?" -kunwareng tanong ko.

"Alam ko na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."- pagtataray niya.

Napabuntong hininga nalang ako. Kahit kailan talaga, ang lakas ng radar ng babaeng ito.

"Ininsulto ka na naman ni sir. Tama ba ako?" -pagpapatuloy niya.

"Wala namang nagbago Lina." -sagot ko.

"Hay naku!!!Susugurin ko na yung matabang baog nayun."-nanggigil na sabi ni Lina.

HATING the IDOL (Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon