Chapter 17

70 8 2
                                    

CHAPTER 17:
(Boyfriend Duties)

•~•~•~•~•~o0o~•~•~•~•~•

<Jhan Cell's POV>

I wake-up 5:00 o'clock in the morning. And.....

Roan is peacefully sleeping beside me.

Ang himbing ng tulog niya, maririnig mo pa ang mahinang hilik niya. Pero di katulad ng ibang babae, nakakatakot parin siyang tingnan kahit na tulog. Tuwid ang katawan niya at nakalapat ang mga kamay sa kanyang tiyan, parang patay lang hahahahaha! Nakaawang ng kunti ang kanyang bibig pero hindi naman yung tipong kayang pasukan ng langaw hahahahaha! Nakakunot ang kanyang mga kilay, di ko alam kung nananaginip ba siya o talagang masungit talaga yang mga kilay niya kahit na tulog.

Ang ganda lang tingnan, parang sunset at sunrise. Ito yung view na dapat sulitin kasi alam mong matatapos at mawawala, kapag nagising na siya. And speaking of.....

Mabilis ang pagdilat ng kanyang mga mata, parang sa horror. Muntik pa nga akong magulat eh kaso ina-appreciate ko nalang yung Hazel-colored eyes niya, bihira niya lang kasi ito ipakita. "Good morning. Anong oras na?" Agad niyang sabi habang dahan-dahang naguunat ng katawan.

"Good morning din. Malapit na mag-6 o'clock." Sagot ko habang nagsisimula na ring magunat-unat. Tumayo na si Roan at naglakad palabas ng pinto. Ngayon ko lang napansin na ang ganda ng color royal blue nightgown ni Roan. It looks sexy with elegance. And.....

Teka lang. Parang may mali...

Natulog kami. Natulog kami na magkatabi. As in MAGKATABI.!!!

*Fainted*

Charot lang!

Don't worry mga bakla, safe parin ang v-card ko hahahahaha! Pero seriously, ang pangit lang isipin na natulog kami sa isang kama pero di naman kami 'ano'. Never mind, we just sleep. Sleep only.💤

Bumangon narin ako at nag-ayos bago bumaba sa kitchen para mag-luto baka gutom na si Merlat. Kawawa naman.

*********

Tapos na akong magluto ng Breakfast at saktong pababa na si Roan.

"Kain na tayo!" Nakangiti kong sabi kay Roan. Magaan ang pakiramdam ko ngayon, parang ang ganda ng tulog at gising ko hehehehe!

"What are this?" Tanong ni Roan habang tinuturo ang mga niluto kong ulam. Napapangiwi pa siya habang inaamoy ito.

Tinapos ko muna ang paglalagay ng kanin sa plato ko bago sumagot. "Ito Tuyo. In English, dried fish." Sabi ko habang tinuturo ang tuyo. "Ito naman Tinapa. In English, smoked fish." Sabi ko habang tinuturo ang tinapa.

"Masarap ba yan?" Sabi niya habang sinusuri ang mga ulam.

"Tikman mo para malaman mo!" I said while rolling my eyes.

Umiling-iling siya. "No I'm fine with my meal."

Tiningnan ko ang plato niya. Mayroong lang ditong mga siguro 3 kutsarang kanin, 1 maliit na hotdog at isang sunny-side up na puro puti dahil tinanggalan niya ng dilaw at yung dilaw nilagay niya sa plato ko. Aba! Ginawa akong aso. Napailing-iling ako. Ang konti ng kakainin niya, hindi nga siguro aabot sa bituka niya yan eh.

HATING the IDOL (Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon