CHAPTER 8 - DAD AND DANERIE

553 49 9
                                        

Johnmar's POV

Ang kapal talaga ng mukha neto! Bakit kailangan pa niyang sumama e maghapon ko nang nakikita pagmumukha niya hanggang ngayon pa naman? Juice colored.

Kasalukuyang nagl-lock ng pinto si Danerie and here I am waiting for him kasi nga sasama talaga siya! Kanina ko pa yan pinipilit na hindi siya sasama pero hindi talaga tumatalab.

"Ano ba gagawin mo sa amin? Maliit lang bahay namin compared sa condo na 'to." bigla kong naalala na sinabi ko pala sa kanya na under construction bahay namin. Hala, naalala pa niya kaya yun? Sana hindi.

"Is that your way of saying thank you? Di ko pa nga narinig sayo yung word na yon simula kahapon." sabi niya ng matapos siyang maglock ng pinto. Kita mo sa mga mata niya yung lungkot ngayon.

Ngayon ko lang narealize na hindi pa pala ako nagpa thank you sa kanya kahapon. I feel guilty tuloy. Kase naman ang bilis ng pangyayari.

"Thank you, I really appreciate your efforts. Thank you for staying by my side that time. Kung wala ka baka ano na nangyari sa akin. Sige na sumama ka na, wala naman akong choice baka umiyak ka pa dyan." sabi ko sa kanya. Lumiwanag ang kanyang mukha at saka siya ngumiti.

"You're welcome Vee." he said as he clings into my shoulder. Wow ha, bilis magbago ng mood ah, may dalaw ba 'to?

"Tara na, baka lumamig pa yung linuto ni Papa." sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming maglakad.

Nang makalabas na kami sa building naghanap agad ako ng masasakyan pauwi, siguradong naiinip na si Pudra kakahintay. Pano kasi ang tagal kumilos ni Danerie, inabot yata ng ilang oras bago makapagpalit.

Buti nalang at may nakaparadang tricycle sa may harapan nitong building. Dali-dali ko itong tinawag.

"Kuya! Namamasada ka po?" tanong ko dun sa tricycle driver.

"Oo, saan ba?" sagot naman nito.

Inaya ko si Danerie na sumakay na sa tricycle. Sinabi ko sa driver kung saang lugar niya kami ibababa. Tumango ito saka pinaandar ang kaniyang motorsiklo.

"Vee, may malapit na convenience store dito sa inyo? Bili lang ako medyas, nabasa kasi sa ulan yung medyas ko." he asked while looking outside.

"Oo, malapit lang sa bahay namin yun, dun nalang tayo bumaba." I said.

"Kuya sa may convenience store nalang po." sabi ko sa driver at dali-dali niyang pinatigil ang kanyang motorsiklo. Naunang bumaba si Danerie, sumunod ako at inabot yung bayad sa driver at nagpasalamat.

"Vee, you can wait me here. Bili lang ako saglit." sabi niya at nagsimula na siyang maglakad papunta sa convenience store.

"Sandali, sama ako. Bibili din ako ng medyas. Tinapon ko na yung medyas ko e." sabi ko habang papalapit sa kanya.

Pumasok kami sa convenience store at naghanap ng black socks, infairness marami silang stock ngayon di katulad nung isang araw. Nakapili na ako ng saakin at si Danerie naman ay pumipili sa may pastry section habang hawak yung napili niyang medyas. He looks cute in that corner while holding that black socks. Napatingin siya sa akin and I looked away as fast as I could. Ang bilis makaramdam, iiwasan ko na tumitig sa kanya. I swear!

"Vee, does your dad like sweets? Ikaw nga pumili dito, di ako makapagdecide e." he said while waving his hand saying na lumapit ako.

"Actually, my dad is not a fan sweets. Pero he'll appreciate that. At di mo naman siya kailangan ibili nang ganyan." I said with full of confidence. Ang aga-aga bibigyan mo pa ng diabetes si Papa.

"Nakakahiya naman na pupunta ako ta's wala akong dala kahit ano." he said while pouting. Isa pa hihilahin ko yang nguso mo Danerie!

"Dala mo sarili mo, that's enough. Tara na bayaran na natin to, naghihintay na si Papa sa bahay." sabi ko sa kanya saka ko siya hinila paalis dun sa pastry section. Ang kulit ayaw pa umalis.

Game Of LoveStories to obsess over. Discover now