Johnmar's POV
That rain was so intense! Para akong basang sisiw ngayon, like legit. My pants are wet pati yung medyas ko ang basa na. Bakit walang binalita na uulan ngayon? Edi sana nakapagdala ako ng payong! We're on Danerie's condo unit right now and I'm currently at the bathroom nagbabanlaw. Limang minuto na yata akong nakaupo sa sahig habang iniisip yung mga nangyari kanina. True ba na concern sa health ko yun o dumadamoves lang? Anong makukuha niya pag ginawa niya yun? Yep, he's just concern because I'm a friend. Yun lang yon. Tatayo na sana ako nang marinig kong tumawag si Danerie sa labas.
"Vee, heto na munang hoodie ko isuot mo hindi ko mahanap ibang kong damit e. Lagay ko nalang dito sa may gilid ng pinto, kunin mo nalang pag tapos ka na."
"Salamat, patapos na din ako." sagot ko sa kanya. And now I'm about to wear Danerie's tshirts. Big time!
Pinatay ko na yung shower and covered myself with the towel he brought awhile ago. I slightly opened the door and looked for the clothes he mentioned and notice that Danerie is now watching tv at the sofa. I wonder sino na mga nadala niya dito sa condo nila. Did they also used his clothes? Dang, what's wrong with me? Malamang siguro meron na, that guy is handsome not gonna lie. Baka nga 'tong damit na to yung pinahiram niya sa mga nagpunta dito eh. Tss. Sinuot ko na yung damit na pinahiram niya sakin saka ako lumabas. Nakakainis.
I called him once I reached the dining area. "Tapos na ako, it's your turn." I calmly said while sitting right next to him. He looked at me and para siyang nakakita ng multo. Wow ang kapal ng mukha. Sa ganda kong 'to? Btw, his hoodie was kinda big for me so natakpan ng hoodie yung shorts ko. Mukha akong tanga hanggang legs ko yung hoodie niya.
"Wow-- I mean I didn't know my hoodie will look good on you. You are the first person who wore that. Except for me of course." he frankly said.
"Btw, may signal na. You can call your dad now while I take a shower. Kung inaantok ka na you can use the bed. Sa sofa nalang ako matutulog." dagdag pa niya habang papunta ng cr.
We? Ako nauna? Talaga ba-- shoot! I almost forgot na hindi pa pala ako nakatawag kay father earth. Maloloka na yun kakaisip kung nasaang lupalop na ako ng Pilipinas. Tumayo ako at pumunta kung saan ko iniwan yung gamit ko. Hinanap ko yung phone ko at dali-daling dinial ang number ng aking butihing ama. Nakailang ring lang at--
"Saan kanang bata ka!? Nakailang tawag ako hindi mo sinasagot!" Tinignan ko missed calls ko at ang dami nga niyang tawag na hindi ko nasagot kanina.
"Nasaan ka ngayon? Buo pa ba katawan mo!?" si Papa talaga kahit kailan.
"Nasa condo kami ngayon pa, hindi na muna ako umuwi baka kasi madatnan nanaman ako ng malakas na ulan kapag umuwi pa ako, di ko nasagot tawag mo kanina nawalan kasi ng signal." Now that I mentioned "kami" parang alam ko ma isasagot nito
"Condo?! Kami? Sinong kasama mo?! Nako Johnmar sinasabi ko sayo kapag lalaki yan ngayon mismo susunduin kita dyan." sagot ni Papa.
"Oh are you threatening me? Emz. Jusko! Kaysa naman sa babae diba? Ang sagwang tignan nun Pa. Atsaka kaklase ko naman tong kasama ko at susunduin ba kamo? Sigurado ka ba? Sige nga pasundo ngayon na." knowing my father he's afraid walking alone in the streets hahaha!
"Sabi ko nga diyan ka na muna magpalipas ng gabi. Pero nak, pano ka papasok bukas? Diba nabasa uniform mo? Gising ka nalang maaga bukas, hahanda ko na ngayon yung uniform mo." pag-aalala niyang sabi. Aww
"Pa, I'm fine. Meron namang washing machine dito at dryer easy nalang nun. Thank you, tulog ka na after nito wag kang makulit. Baba ko na 'to. Goodnight, I love you."
"Ingat nak ha, pag nagising ka maaga bukas uwi ka muna para sabay tayo mag almusal. Goodnight, I love you too anak."
I ended the call after that, I just love the fact na I have a father who's capable of being my friend and kaaway at the same time. I stretched my arms saka ako huminga ng malalim. Bumalik ako sa dining area para manood ng tv. From that moment lumabas ng cr si Danerie na ngayon ay-- holy sh----
"Danerie mag tuwalya ka nga!" pasigaw kong sabi saka ako dali-daling tumalikod sa kanya. Jusko!
"Pano ako naman gagawin yun kung nasayo yung tuwalya?" he chuckled.
"Bakit kailangan mong lumabas ng walang damit kung pwede mo naman akong tawagin diba?" sabi ko habang nakatalikod parin sa kanya. Nararamdaman ko na papalapit siya sakin kaya tinakpan ko ang aking mga mata. My eyes! I cannot!
"I called you once but you didn't answered so I assume you're talking to your father. Kaya lumabas na ako para sa kwarto nalang magpalit, di ko naman alam na tapos na pala kayo mag-usap. Akin na nga yan." sabi niya saka niya hinila yung tuwalya sa balikat ko.
"You can now look, I'm already covered. Akala mo naman wala kang ganito, makatakip ka ng mata. Hahahaha!" pagbibiro pa niya.
I removed my hands saka ako humarap sa kanya. He's now covered pero yung torso niya naka expose pa din! Napatitig ako sa katawan niya, drops of water are running down to his body and his wet hair makes him so hot right now. Damn those biceps! Damn those triceps! Geez, I didn't know Danerie's body looks like this. He's surely buffed. May time to pumunta ng gym?
"Vee, you're drooling." nabalik ako sa wisyo ng marinig ko si Danerie na tumawa. Huh?
"Laway mo natulo, want to touch them? Hahahaha!" is he teasing me? Wag mo ko subakan Danerie emz hahahaha!
"Duh! As if naman! Tabi nga iinom ako ng tubig ang init dito sa condo mo!" where in fact nangangatog na ako sa lamig. Brr.
"Sus! Fine, if you need me nasa balcony lang ako may tatawagan lang ako saglit."
Pumunta ako sa kusina para maghanap ng tubig. Sinong tumutulo yung laway? Ako? Kinapkap ko pagmumukha ko baka nga tumulo laway ko kanina nakakahiya. For goodness sake wala naman ako nakapa, medyo kabado ako dun ah. Pagkakuha ko ng tubig sa ref pumunta na ulit ako sa may sofa at nanood ng tv. Habang nanonood ako naririnig kong tumatawa si Danerie. Sino kaya kausap netong lalaking to? Tawa ng tawa akala mo wala nang itatawa bukas. Dahil isa ako sa mga naniniwala sa kasabihan na curiosity kills, lumapit ako kung saan pwesto ni Danerie at nakinig kung ano pinag-uusapan nila.
"What? You're going back to Philippines? Geez, can't wait to see you Jennie!"
AT SINO NAMAN YANG KERENGKENG NA YAN DANERIE!? Gusto kong sumabog sa kinatatayuan ko ngayon, like legit. Yung dugo ko pumunta na sa ulo ko sa sobrang inis. Gusto kong pagsasampalin ngayon si Danerie pero nastuck mga paa ko sa kinatatayuan ko. Why does my heart is beating so fast? Parang may mga karayom na tumutusok sa puso ko ngayon. Di ko maexplain. Gusto ko sumigaw pero yung dila ko umurong. Ano tong nararamdaman ko? Bakit ako naiinis?
"Oh Vee? Kanina ka pa ba dyan?" lalong lumakas kabog ng dibdib ko nang marinig ko boses ni Danerie. Anong sasabihin ko? Di ako makapag-isip ng maayos.
"Are you okay? You look pale." he said. Worried huh? Bakit hindi mo sabihin kay Jennie yan.
"I'm fine, kakadating ko lang. Sasabihin ko lang sana na matutulog na ako." sabi ko sa kanya aalis na sana ako ng hilain niya kamay ko.
"Wait! Ano kasi um-- pwede ako matulog sa tabi mo? I mean there's a couch on my bedroom, dun ako matutulog. Malamig kasi dito sa sala." he asked while rubbing his nape.
"Sure, sayo naman to condo. Sino ba naman ako para ipagdamot yung kwarto mo diba? Kung gusto mo ikaw na matulog dun sa kwarto ako na matutulog dito sa sofa. Sana ako sa malamig." sabi ko sa kanya.
"No, you sleep on the bed. Pwede naman ako matulog dun sa couch. Para na din alam ko na okay ka lang talaga." dagdag pa niya.
"Okay, now can you please let go my hand?" I coldly said. Nabigla din ako sa sagot ko, ewan nawalan ako ng mood. Gusto ko nalang matulog.
"Oh, sorry." he said saka niya binitawan yung kamay ko.
*****************************************
Otor's note: Masyado akong sinipag mag update infairness! Ayan na entrance ni mareng Jennie HAHAHAHAHA. OH WAG KAYO UMANGAL NA MAGANDA KATAWAN NI POPSHOE DITO, KAHIT SA WATTPAD MAN LANG MAY SIX PACKS SI POPSHOE HAHAHAHAHA
YOU ARE READING
Game Of Love
FanficJohnmar is a college student who's a consistent Top Achiever in his Alma Mater, little do they know he's a game nerd and an otaku, he play games all night, watches anime, collecting action figures, manga collector, name any game, online game, pc gam...
