Seduce | 10

384 19 0
                                    


Kylien Natividad

Wala ako sa mood ngayon. As in, wala talaga. Pano ako magkakaroon ng mood eh yung libro ko, nawawala? Tss, pambihira! Asan na kasi yun?

"May problema ka Mi.. Ano yun?" Tanong sakin ni Myur pero umiling lang ako.

"Hey class!! Bukas na ang trip so ready na ba kayo?" Yeah, bukas na nga pala ang trip namin papunta sa Davao. Nakakatamad namang pumunta! Haaaisssh!!

"And may activities tayo!" Kahit na! Basta ayaw ko paring sumama !!

"But!! May free foods dun... Marami guys!! Eat all you can!! Sure akong mabubusog kayo ;)" kahit na parin!! A.yo.ko.pa.rin!

"And!! We'll stay in a hotel!!" Aish!! Wala akong pakealam!! May malambot naman akong kama plus airconditioner pa!

"Para sa nga nerds and bookworms, may library dun. Free lang kayong magbasa.. May adventure, horror, romance and etc. Meron ding cartoons! Like One Piece, Dragon Ball, Detective Conan —— Yun lang ang available. So ano? Tatanggi pa kayo?"

HINDI SYEMPRE!! Sasama ako jan!! Kyaaah!! Conan, wait for me.

Umupo ako ng maayos at nakinig kay Miss.

Adik ako sa Detective Conan simula pagkabata ko. Pero pagtungtong ko dito sa Hearst, tinabi ko muna si Conan. Simula nung intrams ng Hearst at pagpasok ko ng Haunted House, naamaze lang ako sa loob nun. Mga white lady, zombies and chuvaekek.. Ewan ko ba pero imbes na matakot ako, nilalapitan ko.

*

"KYAAAAAAH!! MAMI!! AYOKONG PUMASOK!! KAYO NALANG!!" sigaw ni Chloenne habang kumawala sa hawak ni Ald.

"Ano ba Chloe!! Sumama ka nalang!! Daming arte nito! Dont worry, treat kita  mamaya" sabi ko. Nagpout naman ito at piniling sumama nalang.

"KYAAAAAAH~"

"WAAAAAAH!!!"

Yan lang ang maririnig ko dito sa Haunted House or Horror Booth. Ang ingay -.-

Tumingin tingin ako sa paligid. Ako lang magisa kasi tumakbo yung tatlo! Takot daw sila eh.

Nilapitan ko ang isang nakawhite lady outfit. Alam kong totoong tao to pero iniimagine kong isa itong totoong multo.

"Waaaaaah!!!" Panggugulat nya sakin. Tss, wala namang epekto. Tsaka!! Yung boses nya... pfft!! Lalaki XD

"Ay? Baklang whitelady?" Biro ko. Hinawakan ko ang buhok nito at damit na may dugo kunwari. Ano kayang ginamit nila dito?

"Matry nga to minsan" natatawa kong sabi at pumunta na sa next part ng Horror Booth.

Nasa harap ako ng pinto. Nagdadalawang isip na bubuksan ba or hindi. Pero nacurios ako kaya binuksan ko.

"Gosh!" Sabi ko nang may nahulog. Pinulit ko ito at isang duguang manika.

"Kawawa ka namang manika ka" bulong ko at inayos pa ang buhok. Pumasok ako dala ang manika at luminga linga. Ano ba to? Ang rami naman atang mesa?

"Waaaah~~"

"Kyaaaah!!" Sigaw ng ibang tao. At mukhang papalapit sila dito..

Nagtago ako sa isang mesa at sumilip sa papasok na mga tao.

"Kyaaaaah!" Nakita kong may pumasok na tatlong babae habang hinahabol ng isang white lady. Eh? Bakit di ako nun hinabol?

Nang mawala na sila, nanatili paring nakatayo ang white lady habang nakatingin sa itaas ng pinto.

"Hala pare! Asan yung manika dito?" Tanong ng white lady.

"Ewan" sabi nung kausap nya. Lumabas ako at tinapon sakanya ang manika.

"Waaaaaaah!!!" Sigaw nya at tinapon rin ang manika kung saan saan. Tumawa ako sa reaction nya. Hahaha!! White lady? Natatakot? Akala ko ba sila ang mananakot?

"Huy, bakit ka pa andito?" Tanong ng white lady.

"Ahm.. Wala lang. May problema ba?!" Sabi ko at umalis. Nasa ibang part naman ako ngayon. Para syang storage room na di ko madescribe.

"Raaaaawr!!" Panggugulat sakin ng isang skeleton. Glow in the dark ito. Astig!!

Sinuntok ko ito pero tumilapon. Hala!! Anong nangyare? Patay ako nito.

Tumakbo ako papunta ng ibang lugar. Andito ako sa isang hmmm... anong tawag nit---

"Ay shit!!" Sabi ko nang may humawak ng paa ko.

Humakbang ako ng isa at tumingin sa paa ko. At dun ko nakita ang kamay na lumabas mula sa isang kurtina. Dalidali kong hinawakan ang kamay at hinila.

"Aray!" Sigaw ng boses babae sa loob. Tumawa ako at binitawan. Grabeh, maeenjoy ka pala sa Horror Booth.

Nasa hallway na ako ngayon. Patay sindi ang ilaw. Tsaka yung gilid, ang raming lapida. Binasa ko ang mga pangalan.

"Raaaawr!!" Napaatras ako nang bumukas ito. Aba!! Nanggugulat ka pa ah! Mabatukan nga!

*pok*

"Peste ka bro!! Binabasa ko pa yung nakasulat eh! Ang epal mo!" Sabi ko dito at hinampas ang ulo. Nang mahawakan ko ang ulo nitong walang buhok ay hinawakan nito bigla ang wrist ko. Ang lamig! Akala ko ba mainit sa loob?

Para akong nakakita ng Totoong zombie. Waaah!! Sana makakita naman ako ng totoo talaga!! ^^

Lumabas na ako ng Horror booth na may ngiti sa labi. Ang saya pala dun!!

*

Napangiti ako nang maalala ko yung day na yun. Simula nun, lagi na akong nangungulekta ng mga Horror na mga gamit at nagpapapaint na rin ako ng mga ganun.

"Huy!" Inis na sabi ng nasa harap ko. Tuminghala ako at nakita si Vi-- Conan na nakatayo sa harap ko.

"Oh?" Tanong ko.

"Partners daw tayo! Di ka ba nakikinig?" Highblood ata tong lalaking to. Oh di kaya, may dalaw?

Tumango nalang ako.

Conan Perez

"And ako ang magdedesisyon ng magiging partners nyo. Kelangang magkaroon jayo ng partners para samahan kayo kung saan man kayo pupunta at para narin, walang mawawala. So ito a ang pairings"

Nakinig ako sa mga sinasabing pangalan ni Miss. Kelan ba yung akin? Sana makapartner ko si Teres but parang gusto kong makapartner si Kylien. Dahil siguro dun sa sinabi ni Quen na kamukha daw nito si Teres na bata noon. Napatingin ako kay Kyl na oarang may iniisip at nakangiti pa. Tinitigan ko ito at iniimagine na wala syang salamin. Pero di ko magawa. Nasanay na kasi akong makitang nakasalamin ito araw araw.

"Mr. Perez and Miss Natividad"

"What the hell!! Bakit di kami ni Conan? Aish!!" Napatingin ako kay Teres na naiinis ang itsura.

Nakakatawa si Teres 'na bata' pag naiinis pero bakit ito, parang nakakainis? Pangkontrabida ang style...

Tumayo ako at lumapit kay Kyl.

"Huy!" Tawag ko dito. Tuminghala naman sya.

"Oh?"-Sya.

"Partners daw tayo! Di ka ba nakikinig?" Sabi ko. Tumango naman sya pero di sya nakatingin sakin. Tatalikod na sana ako nang magsalita sya.

"Bakit daw kelangan ng partners?" Tanong nya. Di nga sya nakikinig -_-

"Makinig ka naman paminsan minsan!" Inis kong sabi sakanya. She pursed her lips and chuckles.

"Ay galit? Huehue, sarreh naman!" -Sya.

Teres.....












Seducing the Bad Boys (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon