Seduce | 09

380 19 0
                                    


Quen Salmonte

"Asan si Conan?" Tanong nila sakin. Bakit ako?

"Nagpakamatay ata" -Acie.

Binatukan ko ng malakas si Acie. Kung ano ano nalang pinagsasabi.

Bakit ko ba kasi yun sinabi? Ang rami tuloy nyang problema!

"Mami, pano nayan.. Nasira ang reading glass mo"

Napatingin ako sa upuan kung saan nakaupo dun ang mga nerds. Nasa isang nerd ang atensyon ng tatlo.

Parang feeling ko...... FEELING KO LANG AH!!! Parang feeling ko......

Sya si Teres..

*

Nang pinakalma ni Myurize ang kaibigan nyang si Aldrein ay dali dali kong binuhat si Kylien. Nang mabuhat ko na sya ay tinakbo ko kaagad ang clinic.

Binuksan ko ang clinic at hinahanap ang nurse pero...... wala ..

Pinahiga ko nalang si Kylien sa kama ng clinic.

Teka... Bakit ko nga ba sya tinulungan? Ewan ko kung anong sumapi sakin. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Dahil ba.... nakakaawa ang nerd na to? Or may hika? Or... or.... ano ba??

"Hmm... *cough*" akala ko magigising na sya pero gumalaw lang pala. T-teka.

"Teres..." bulong ko habang inaalis ang mga hibla ng buhok sa mukha nito.

Why is it, she looks like Teres? Kapatid kaya to ni Teres?

Tinitigan ko lang ang mukha nya. V-lips... Teres has V-lips.

Kung si Teres to, bakit di nya kami kilala nung una?  Imposibleng sya to.

PERO MAS IMPOSIBLENG SI TERES YUNG BITCH NA YUN -,- Magpapakamatay na siguro ako.

Hinawakan ko ang gilid nya dahil parang may bagay dun sa ilalim ng uniform nya. Tinaas ko ng kunti ang uniform nya sa may bewang na part at kinuha ang bagay na yun.

Libro? Detective Conan?

*tok!* *tok!*

Sino naman tung istorbo na to?

*

Bakit di mawala yun sa isip ko? She's just a nerd! She's not Teres!

"Mami, I will buy nalang ng reading glass na bago" sabi nung Myurize. Tiningnan ko si Kylien. Suot suot nya parin yung basag na readingglass. Bakit ayaw nya yung tanggalin? Malabo na ba masyado ang mata nya?

"Huy mameeen!!" Tumingin agad ako kay Acie. Panira nanaman to -_-

"Ano?" Tanong ko. Tumingin sya sa mga nerds sabay tingin sakin.

"Tinitigan mo ba si tabachoy? Or di kaya yung gurang na yun?" Bakit parang galit ako? Parang naiinis? Dahil ba dun sa gurang? Eh noon nga, binalewala ko lang yun.

"Aww, nagiisip pa oh!! Sino kaya yan" -Miguel.

"Ano ba kayo!! Umayos nga kayo" sabi ko sakanila.

"Baka iniisip nya kung sino ang killer sa Detective Conan. Hahahahaha" sabi ni Acie habang nakipagapiran kay Miguel. Mga gagu talaga -,-

Chloenne Santiago

Hanggang ngayon, di parin ako nakapagmove on :D. Masaya talaga ako sobra nung nakikinig sya sa kwento ko.... pero, tungkol kay Mami :( Parang interesado sya sa story ni Mami.. Nakakaselos.

Tumayo ako sa kama ko at nilapitan ang poster sa dingding. Picture ni Quen na ako mismo ang nagshoshot. Stolen shot lang yun at nakaside view sya pero okay lang... Gwapo parin nya *_*

Simula nung pumasok kami sa Hearst, una kong nakita si
Quen. Tahimik, seryoso, snob, masungit at matalino pa. At ang cute cute ^^

Ang saya ko nga nung nakalapit ako sakanya eh at nakatabi pa. Atsaka, nung kami lang dalawa sa clinic.

*tok!* *tok!*

"Chloe"

"Ay Aldrein! Ano yun?" Tanong ko at tumakbo sa pinto para buksan.

"Punta ka daw sa kwarto ni Kyl" sabi ni Ald. Nanlaki ang mata ko. K-kwarto ni Mami?? "Sige na!! Ano? Pupunta ka ba o ako mismo ang kumaladkad sayo papunta dun" sabi nya habang sinamaan ako ng tingin.

"Ah.. Sabi ko nga" tsaka ako lumabas ng kwarto. Nakita ko syang ngumisi at naglakad papalayo.

Nasa harap na ako ng room ni Mami. Huaah, pinto palang nakakatakot na. May skeleton kasing nakadikit sa pinto at may nakalagay na WELCOME TO THE CEMENTERY. Kung di nga naman baliw si Mami oh.

*tok!* *tok!*

"Pumasok ka bilis!!" Sigaw nya mula sa loob. Pinihit ko ang doorknob at sumilip ng kunti. May ilaw. Hindi madilim =D

Pumasok agad ako at tumumbad sakin ang mga mukha ng Zombies, Sadako, White lady at many more. Nakakatakot.

"Huy Chloe!! Nakita mo ba yung libro ko? Nung nasa clinic ako, kinuha mo ba?" Napatingin ako kay Mami na parang may hinahanap. Ano nga yung hinahanap nya? Libro? Anong libro?

"Anong libro mami?" Tanong ko. Tiningnan nya ako habang yung dalawa nyang kamay ay nasa bewang.

"Yung Detective Conan ko!" Inis nyang sabi. Teka, detective conan? Yung binabasa ni Quen? Pero di naman yun kay Mami diba? Kay Quen yun...

"Ah! Wala akong alam dyan Mami.." sabi ko at umiling pa. Tiningnan nya ang ng mabuti. Parang naniwala naman sya kasi tumango tango ito.

Tumango na rin ako at papalabas na sana nang may sinabi sya.

"Kapag may magsasabi saking nasa sayo yung libro, di ako nagdadalawang isip na patulugin ka dito" napalunok ako. Wala nga sakin!!

"O-opo mi" at lumabas na. Phew!! Wala naman sakin diba?

Seducing the Bad Boys (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon