Seduce | 13

324 20 0
                                    


Myurize Villanueva

What?!? Pati ba naman sa magiging kwarto namin, kasama parin namin ang kapartner namin? Anong klaseng teacher yun!!

"Okay class, bubunot lang kayo ng isang papel. Sa papel na ito, may nakasulat na numbers. Yung number na yun is magiging room nyo dito sa hotel na ito. Understand?" Wala nanaman kaming nagagawa. Jusko...

Si Acie yung bumunot at dahil sya yung bumunot, sya yung nakakakita ng number.

"Patingin ako" sabi ko. Crinumple nya yun at tinapon kung saan. Nagkibit balikat sya at kinuha ang gamit nya sabay lakad palayo sakin. Eh?

Dalidali ko namang kinuha ang gamit ko at sumunod rin sakanya. Kasi nga diba, alam nya kung saang number kami pupunta?

Nasa hallway kami ng hotel at sinundan ko parin sya. Ang layo naman ng magiging room namin.

"Dito" sabi nya nung bigla syang huminto. Tiningnan ko ang pinto ng magiging room namin.

"Tangek! Walang number yan eh!!" Sabi ko at tinuro pa ang pinto.

"Blank yung nasa papel eh, paki mo ba? Pumasok ka nalang kaya" sabi nito at binuksan ang pinto. Pagbukas nya, ang dilim... Ang baho~~

"Anong klaseng room to? Niloloko mo ba ako?" Tanong ko.

"Ang arte arte mo!! Pumasok ka nalang kaya. Baka yan yung pabango ng hotel" sabi nya.

Pumasok naman ako at hinanap ang switch.

*BOOOGSH*

Mami!! Ano yun? Teka, bakit andilim na? Bakit nakasarado yung pinto?

"Huy!! Acie andyan ka ba? Pakibukas naman oh" sabi ko sa pinto.

"Sorry nerdy pero gusto kong masolo ang room. Jan ka matulog!! Baka kasi pag andun ka, rereypin mo ko dahil sa kagwapuhan. Geh bye!!"

Teka !! Teka !! Ano daw?!? Dito ako matutulog?

"ACIEEEEEE!!! ANO BA!! BUKSAN MO NAMAN TO OH!!" Sigaw ko habang pinaghahampas ang pinto.

*10 seconds*

Ang tahimik. Parang walang tao ngayon sa labas. Huhu, anung gagawin ko dito?

*thud!*

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko yun. May tao rin ba dito?

Dahil may liwanag mula sa bintana, nakita ko yung switch. In-on ko ito.

"KYAAAAAAAAAAAAH!!!!!" sigaw I mean tili ko.

Ang--ang raming ipis!! Ipis--- takot ako sa ipis!! Sa gagamba!! Mami!! Ang raming ipis!! May daga pa... Takot ako sakanila. Tsaka meron pang lumilipad na ipis. Huwaaah!! Mas takot ako dun.

Pinagpawisan ako ngayon at para akong nabato sa kinatatayuan ko. Isa pala tung storage room. Kaya pala ang baho.

Napatingin ako sa baba nang may gumapang sa paa ko. I----ipis!!!

"KYAAAAAAAAAAAAAAH!!!! TULUNGAN NYO KO!! WAAAAAAAA!" Sigaw ko at tumalon talon para mawala yung ipis. Kunti nalang at mahihimatayin na ako. Nakakaiyak grabe!!

Mami!! Tama si Mami...

Tatawagan ko si Mami.

*riiing~!*

*Hello?*

"M-mami? Thanks god at sinagot mo!! Mi, I need your help please"

*Ano bang nangyayare sayo?*

"Kasi nalock ako s---- KYAAAAAAAAAAAAAAH!!!!" tili ko nanaman nang may dumapong ipis sa ulo ko. Nabitawan ko tuloy ang phone ko. Swear, takot ako sa ipis.

"May tao ba jan?" May tao! May tao sa labas.

"M-meron po!! Pakibukas naman po please!!" Sabi ko.

"Teka lang... "sabi nito. Hinayaan ko nalang muna ang phone ko na ginapangan na ng ipis. Bahala na muna yan. Ang importante, malakalabas ako.

*blaagg!*

Nang mabuksan na ang pinto, agad akong lumabas at natumba. Hingal ako ng hingal at parang mahihimatayin na ako. Kung ako si Mami, baka kanina pa ako nahimatay ngayon dahil sa hika.

"Anu bang ginagawa mo jan sa loob? Akala ko ba matalino ka at alam mo kung asan ang number nyo? Isang malaking tanga"

Napatinghala ako para makita yung lalaking nagsave sakin. S--si Miguel... Totoo??

"Yung Acie na yun... Niloko ako. Nilock ako dito" sabi ko.

"Yung mayabang na yun. Ano bang number nyo?" Tanong nya habang inaalayan nya ako patayo.

"Di nya sinabi sakin" sabi ko at napahawak sa dibdib ko. Di ako nagkaroon ng hika ah. Nakakahingal lang talaga. Yung Mayabang nayun!! Sumusobra na sya.

"Eh pano mo malalaman kung asan sya?!" Sabi nito.

"Tawagan mo bilis!!" Sabi ko.

"Tss, inuotusan mo ba ako? Hah!! Chiks ka?" Sabi nya sakin. Unti unting pumikit ang mga mata ko pero kaya ko pa naman magsalita.

"Gusto--- gusto kong magpa-- hing---- a *blackout*"

Acie Dela Cruz

Ano na kayang nangyayare kay panget ngayun? Siguro nahimatay na XD Pero.... bakit parang nakonsensya ako? Parang gusto ko syang palabasin dun sa storage na yun?

Tulungan mo sya Acie. Wala namang ginagawa yung tao sayo eh -Sabi ng angel side ko.

Nah!!! Nasolo mo na yung room diba?! Feel free ka nang gawin ang gusto mong gawin na wala yung panget na nerd na yun!! -Sabi naman ng devil side ko.

"Ewan ko kung san ka pupunta pero ang alam ko lang talaga is gwapo mo!! Kapag wala si Nerdy ugly, edi walang rereyp sa kagwapuhan ko. Pero kapag palabasin mo si Nerdy sa SR na yun atsaka magsorry... Baka umincrease ang pagkagwapo mo! Ang gwapo mo Acie!! -Sabi ng Yabang side ko. Oh diba, may yabang side ako? XD

*ring!* *ring!*

"Oh Migz, napatawag ka?"

Seducing the Bad Boys (BTS Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon