Chloenne SantiagoTakot.ako.sa.dagat.
Yan ang iniisip ko ngayon. Takot naman talaga ako sa dagat. May allergy nga ako sa seafoods eh, di lang halata.
"Ano pa bang hinihintay mo jan? Pasko, new year, end of the world?" Sermon ni Quen sakin nung di ako sumunod sakanya. Kinuha ko nalang ang salbabidang dala nya at sinuot. Medyo masikip pero kaya naman.
May activity kasi kami. Ewan ko ba kay Miss kung bakit sa gabi ang activity. Diba delekado yun? Ito kasi ang activity namin: May mga kinalat na plastic na isda sa dagat. Kapag kung sino ang makakuha ng napakaraming isda in just 10 minutes -.-, sya ang mananalo at makakuha ng award. Sure akong talo kami :( Sorry Quen.
Nasa dagat na kami. Nagsalbabida talaga ako kasi ayokong makatapak sa buhangin. Baka kasi makatapak pa ako ng coral reefs or sea weeds.. Takot ako dun.
Nasa kalagitnaan na kami ng dagat at alam kong kapag wala akong salbabida, di ko na abot ang buhangin. Malalim na kasi eh.
"Marami ka na bang nakuha Quen?" Tanong ko pero di nya ako pinansin. Ang hilig mangsnob. Pasalamat ka crush kita..
Kinuha ko nalang yung lalagyan para sa mga plastic na isda atsaka flashlight. Maliwanag naman ng kunti pero kelangan ko parin ng ilaw. Wala akong glasses ngayun kaya malabo ang mata ko.
(3 minutes)
Nakahanap na ako ng 5 palang. Ang hirap kaya. Malabo mata ko eh :3
"AH!" Sigaw ko nang may kung anong bagay na dumikit sa legs ko. Gusto kong tingnan pero natatakot ako. Baka kasi sea snake or alimango. Takot ako dun. Lalo na sa starfish.
"Q-quen" tawag ko dito pero di nya ako narinig dahil malayo na sya. Huminga ako ng malalim at dahan dahang lumabas sa salbabida ko. Hinawakan ko rin ito ng maayos. Di ako marunong lumangoy.
Binabad ko ang ulo ko sa dagat at binuksan ang mata.
O.O S--s---starfish!?!?
"KYAAAAAAAAAAH" tili ko at pinedal ang paa ko sa tubig para mawala ito. Kahit labag sa kalooban kong hawakan ito, ginawa ko nalang... Para mawala ito... Can't take this anymore.
Bumitaw ako sa salbabida at hinawakan ang starfish sa legs ko at dali dali itong kinuha. Nakuha naman ito pero ang problema, nawala salbabida ko T^T
*blub!* *blub!*
D-di ako makah--hing--a!!
*blackout*
Quen Salmonte
Aish! Ang likot ng matabang yun! Pinisikan ba naman ako ng tubig! Papansin talaga -,-
*splash!* *splash!*
Ano ba problema nit--
"Ah!" Nasabi ko nang may bumangga sa likod ko. Tumingin ako dito... Salbabida? Pano napunta ito dito?
"MAAAM!! MAY NALUNOD!"
Inikot ko ang paningin ko at hinanap si Chloe. Sh*t! Anong nangyare dito?
Lumangoy ako papunta dito. Nakahawak ako sa braso nya at mukhang wala na syang malay. Ano nanaman ang pinaggagawa nito?
Hinila ko sya papalapit sa may buhangin. Ang bigat! Di ba to marunong magdiet? Lalabas na ata ugat ko nito eh >_<
"Malapit na" bulong ko atsaka inayos ang pagkahawak ko sa braso nya. Nang makarating na kami sa may buhangin, inihiga ko sya dun at agad naman syang pinalibutan. Tss, raming chismoso't chismosa -,-
BINABASA MO ANG
Seducing the Bad Boys (BTS Fanfic)
FanficBREAKING NEWS: Apat na babae, nahimatay matapos bigyan ng mission------- Dechos!! There are FOUR GIRLS na binigyan mission. The Mission is, SEDUCE THE CAMPUS BAD BOYS. Nyek!! Eh ang sama sama nun!! Wala pa ngang naging girlfriends eh (siguro bakla)...