Chapter 8:Neighbor
"Hindi nauna pa nga siyang umalis ng klase namin kesa sa akin tsaka paano kami magkakausap eh kung mag-kaaway kami"sabi ko naman sa kanya na halatadong ikinagulat niya.
"Anong magkaaway ang sinasabi mo?"tanong niya ulit habang nakakunot pa rin.
"Edi itanong mo diyan sa mga kasama mo "inis na sabi ko sa kanya.
"Anong ibig niyang sabihin?"
"Ah eh "halatadong kinakabahan si Liam sa babae na medyo kahawig yung halimaw na yun.
"Ano?"inis na sabi nya ulit.
"Kids!! chill lang muna kayo. Sabay na kayo sa amin mag-hapunan"sabi ni mommy sa kanila.
"Ahmm wag na po, uuwi na rin po kasi kami doon na lang po kami sa amin mag-hahapunan"pormal na sabi nung babae.
"Ganon ba o sige magiingat kayo ha!"paalala ni mommy sa kanila.
"Hatid ko na kayo sa labas, may tatanong pa rin kasi ako sa inyo eh!"sabi ko sa kanila na tinanguan lang nila.
"Ingat"pahabol ni mommy bago kami makalabas ng pintuan.
"May itatanong ako, bakit sa akin kayo pumunta na hindi naman kaano-kaano niyang Jhake na yan at sino ka?"tanong ko sa kanila.
"Ok, firstly dahil ikaw lang ang huling nakita ng mga kaklase ni Jhake na lagi niyang tinititigan, secondly ako lang naman si Jhillian Rivera kakambal ni Jhake Rivera"maarte niyang sabi akin.
"Ok"mataray kung sagot sa kaniya.
Nang makaalis na sila pumasok na ako sa loob ng mansyon at dumiretso sa dining area. Doon ko nakita sina mommy and daddy na kumakain. Kaya umupo na rin ako sa upuan ko.
"Ano yung narinig ko na may kaaway ka daw sa school niyo Elizabeth"may bahid nang pagkaawtoridad na sabi ni daddy sa akin.
"Ouhm, its just a simple misunderstanding dad "pormal kung sagot.
"Tandaan mo Elizabeth na wag mong dudungisan ang pangalan natin kagaya ng ginawa ng kuya mo, naintindihan mo"sabi ulit ni daddy.
"Yes dad"sabi ko.
"Tama na yan nasa hapag kainan tayo"saway sa amin ni mommy.
Pagkatapos kumain ay nag paalam ako kela mommy na aalis na patungung condo ko. Habang nasa byahe ay iniisip ko pa rin yung mga sinabi ni daddy sa akin tungkol kay kuya.
Nasaan na kaya siya wala na tuloy nagtatangol sa akin pag-pinapagalitan ako ni daddy.
"Lady Elizabeth nandito na po tayo"sabi ng driver namin kaya agad akong bumaba at kinuha ang mga gamit ko sa likod.
"Tulungan ko na po kayo my lady"sabi ulit sa akin nang namin.
"No need ako ng bahala hatid niyo nalang po ako sa elavator"sabi ko sa kanya na kaagad din naman niyang sinunod.
"Dito nalang"sabi ko sa kanya sabay paalam at pindot ng 6th floor.
Pagkabukas ng elavator ay binuhat ko na ang tatlo kong maleta hanggang sa mahanap ko na ang unit ko. Room 561.
Pumasok ako kaagad at isa-isang sinalansan ang mga damit ko sa cabinet at ang iba ko pang gamit.
Pagkatapos kung magayos ay naligo na muna ako bago matulog.
Kinabukasan
Nagising ako sunod-sunod na doorbell galing sa labas kaya kaagad akong bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos.
Pagkatapos kung maghilamos ay kaagad kung pinuntahan ang pintuan at pag bukas ko kaagad bumongad sa akin ang isang lalaki na nakita ko na dati sa school. Sino nga ulit sya.
BINABASA MO ANG
A Beautiful Night Sky:Book 1[On Hold]
RomanceLove started from an unexpected moment, Fate made ways to them. A love that started on there unexpected meet-up, a love story between a no.1 bully and a princess. A/N Hope you like my story. Thank you ••••Angels_Beast•••• [No Copyrights]