Chapter 5:Past memories
Pagpasok ko ng room nakita ko kaagad siya na mukhang hingal na hingal, pero hindi ko nalang siya pinansin at umupo nalang ako sa upuan ko. Mga ilang minuto ang lumipas bago dumating yung teacher namin kaya umayos na ako ng upo.
"Good morning class,"bati niya sa amin.
"Good morning Mrs. Flores,"sabay sabay naming sabi.
At nagsimula na ang klase dahil hindi ako masyadong nakikinig ay sinulyapan ko ng sandali si Monich na hindi mapakali sa kaka-kalikut niya ng ballpen niya kaya hinayaan ko na lang siya at nag fucos sa lesson ni ma'am dahil ayoko na mapahamak ng dahil sa kanya.
"Ms. Santos are you with us?,"tanong ni ma'am kay Monich.
"Ahhmm, yes ma'am,"sagot naman nito.
"Ok, then solve this problem,"sabi ni ma'am.
"Yes ma'am ,"Sagot niya at agad na tumayo para sagutin ang math problem na nakasulat sa white board. Agad din naman niya itong natapos.
"Very good Ms.Santos hope na hindi na maulit ang pagda-daydream mo sa klase ko."mataray na sabi ni ma'am.
"Yes po ma'am,"sabi naman ni Monich na kaagad din namang umupo.
"Ok class let's continue,"sabi ulit ni ma'am.
Nagpatuloy na si maam sa pagtuturo pero parang wala lang lahat yun sa kanya,haysss bahala siya diyan. At ayun nga nakinig nalang ulit ako kay maam pagkatapos ng dalawa naming subject ay lumabas na kaagad ako ng room at naglakad na papuntang cafeteria sinalpak ko na rin sa tenga ko yung earphones ko at nakinig ng kanta.
Habang naglalakad pansin ko lahat ng mata ay nakatingin sa akin kaya naman tinanggal ko na sa pagkakasakalpak ang earphones at dun ko na nga narinig ang bulong-bulongan kaya pinakinggan ko iyon ng maige.
"Bakit sila magkasama?,"
"Oo nga,"
"Di ba magkaaway sila,"
"Malay mo nagkabati na sila,"
"Imposible yun,"
"Tsaka inaagaw niya sa atin si Papa~,"hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil tiningnan ko na kaagad siya.
"Ikaw!,"tawag ko sa dun sa babaeng bumubulong kaganina.
"A-ako ba?,"nagtatakang tanong niya.
"Oo ikaw, ano ba yung sinasabi mo kaganina,"
"Ah-yun ba,"
"Oo,"
"Yu-n kasi ka-sabay mo kaga-nina yung bagong student na kaaway mo,"takot niyang sabi sa akin.
Lumingon naman agad ako sa likod ko at dun ko nakita yung babaeng tinutukoy nito kaganina, nilapitan ko siya at hinatak papunta sa rooftop ng school para doon siya makausap.
"ANO BA BITIWAN MO NGA AKO!!," sigaw nito sa akin.
"Pwede ba wag kang sumigaw nabibingi ako sayo eh."iritable kung sabi.
"SAAN MO BA AKO DADALHIN HA!!," Sigaw na naman niya sa akin.
"Isa pang sigaw sasamain ka sa akin!!."inis kung sabi sa kanya na kaagad din naman niyang sinunod. Nakarating na kami dito sa rooftop kaya kaagad ko naman siyang binitawan.
"Pwede ka ng magsalita,"sabi ko sa kanya.
"Bakit mo ba ako dinala dito ha!!," Tanong niya sa akin.
"Bakit mo ako sinusundan?," Balik kung tanong sa kanya.
"Ikaw susundan ko wow lang sa imagination mo ah!,"inis niyang sabi sa akin.
"Sinungaling,"
"Ako sinungaling grabe ka wow," inis ulit niyang sabi.
"Liar."pabulong kung sabi sa kanya.
"Ano yung sinabi ha!!,"
"Nonsense,"pagkasabi ko nun ay agad akong umalis at dumiretso nalang sa garden ng school para makapagpahinga ako.
Pagkadating ko dun ay agad akong humiga sa paanan ng isang puno, pumikit ako upang makatulog.
Wala pang tatlong minuto akong nakahiga dito ng may maramdaman akong umupo sa tabi ko kaya kaagad kung dinilat ang aking mga mata at nakita si Liam na nakaupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito,"tanong ko sa kanya na kaagad din naman niyang sinagot.
"Hinahanap ka namin kaganina kala namin inunahan mo na kami!."kalmadong sabi niya.
"Tsk."
"Ano na nga palang gagawin natin sa kanya?,"tanong niya sa akin.
"Syempre gawin natin yung kagaya ng ginagawa natin sa mga bagong student ng school natin!," Sagot ko.
"Mmmm, So! balak mo siyang pahirapan kagaya ng ginawa natin sa mga ibang new student dito na lumalaban satin!,"
"Oo!,"
"Ok sige una na ako kakausapin ko lang sila,"sabi niya sa akin bago tuluyang umalis.
Kaya naman pumikit ulit ako para makaidlip kahit saglit lang, ang kaso tuwing pipikit ako ay lagi kung nakikita ang mukha niya.
Ang mukha ng babae minahal ko na iniwan lang ako na parang basura, sa tuwing maalala ko yung mga panahon na magkasama kaming dalawa, mga panahong masaya kami at walang kahit anong problema......Kaso ang kala ko siya na pero iniwan din naman niya ako, napakasakit isipin na halos ibigay mo na nga sa kanya lahat mapabalik mo lang siya pero.....pero May mahal na siyang iba...................naiisip ko kung siguro hindi nangyari yun masaya na sana ako ngayon walang kalungkutan, hindi sana ako si Jhake na bully ngayon kung hindi dahil sa kanya.
Iniwan niya ako, napakasakit talagang magmahal lalo na kung mahal na mahal mo siya pero siya naman tong May ayaw sayo.....buti sana kung mahal niya rin ako.
Tumayo na ako sa pagkakahiga ko at dumiretso ng CR para maghilamos. Pagkatapos kung maghilamos ay bumalik ako kaagad ng room kahit wala pa akong kain. Mga ilang minuto ang lumipas bago dumating yung susunod naming guro. Nagtuturo si Maam pero wala naman akong pinapakinggan.
Natapos na ang dalawang subject namin at malapit na ring mag-dismissal kaya lumabas muna ako para magpahangin. Hindi na lang ako papasok baka maalala ko nanaman siya..tsk bakit ba ako nagpapaapekto sa kanya dapat nga hindi ko na siya inaalala kasi ang mga katulad niya ay dapat kinakalimutan na.
Naglakad na ako pauwi ng di ko namamalayan.
Liam's POV
Nandito ako ngayon sa cafeteria hinahanap sina Ethan at Erik.Nang makita ko sila ay kaagad ko silang nilapitan para sabihin yung pinapasabi ni Jhake na plano para dun sa bagong student dito.
"Nandito lang pala kayo kaganina ko pa kayo hinahanap," bungad ko sa kanila.
"Tsk..nasaan si Jhake nakita mo ba?,"tanong sa akin ni Erik.
"Nakita ko siya at May pinapasabi sa inyong dalawa,"sabi ko sa kanila
"Ano yun?,"tanong naman ni Arthur.
"Andito ka pala tol di kita napansin ah!,"sabi ko kay Arthur na hindi naman ako pinansin.
"Pinapasabi niya nga pala na i-open ang Project block student para kay Monich Santos, " sabi ko sa kanila.
"Weh,di nga!,"di makapaniwalang sabi ni Ethan.
"Oo nga at sabi niya as soon as posible daw dapat," ko naman ulit sa kanila na mukha pa ring hindi mga naniniwala.
"Tsk... Bahala kayo kung ayaw niyo maniwala, kayo rin baka kung anong gawin sa inyo ni Jhake at pahirapan kayo,"sabi ko naman ulit sa kanila.
"Oo na,"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
End of chapter 5
BINABASA MO ANG
A Beautiful Night Sky:Book 1[On Hold]
RomansaLove started from an unexpected moment, Fate made ways to them. A love that started on there unexpected meet-up, a love story between a no.1 bully and a princess. A/N Hope you like my story. Thank you ••••Angels_Beast•••• [No Copyrights]