{The quotes are from google. Credits to the real owners}
"I knew he didn't love me but i adore him anyway"
Tory's POV
Tipikal na naman siguro sa inyo ung bumabangon sa sound ng alarm diba? Ok lang sana kung alarm clock talaga ung gumigising sakin eh kaso----
"TORY ANO BA KANINA PA KITA TINATAWAG HOY BUKSAN MO 'TONG PINTO HOY NANJAN UNIFORM KO ANO BAAAA!"
Yep. Ganyan ang araw-araw na routine namin. Since palaging wala parents ko dito sa bahay, nasa mga trabaho kasi nila. Si mama minsan dun na sa bahay ng kaibigan niya nakikitulog kasi mas malapit yun sa trabaho niya si papa naman nag w-work abroad. Tas yung simisigaw sa labas which is si Darry hindi na palaging umuuwi sa bahay nila since medjo hindi sila bati nung Papa niya kaya mostly ginagawa nyang bahay yung bahay namin. Although may kalakihan yung bahay namin yung mga damit niya nandito sa kwarto ko.
"TORY NAMAN SHUTA UNIFORM KO NANJAN EH HOY"
So I got up and char----
Tumayo nako tsaka kinuha ung uniform niya sa isa sa mga spare ko na mga plastic boxes dito sa kwarto at tsaka ko siya pinag buksan ng pinto.
"Oh" sabay bigay ko sa kanya nung uniform niya.
"Kala ko pa naman namatay kana jan sa loob"
Inirapan ko lang siya at pumasok ulit sa kwarto ko....syempre kailangan ko mag bihis hindi naman siguro ako ganun ka baliw para pumasok ng hindi naliligo---
After ko maligo bumaba agad ako sa hagdan bakit kasi hindi nalang pwede gumulong pababa--- Char. Anyways yun nga pag dating ko sa kusina si Darry kakatapos lang mag luto syempre naka uniform nadin siya and no hindi pa kami late. 8 a.m pa start ng klase namin kaka seven palang naman kaya may kalahating oras pa kami para kumain tsaka mag hanap ng mga kailangan namin. G-graduate nalang din naman kami ngayon sa Senior High. Hindi ako matalino sakto lang si Darry siya yung biniyayaan ng katalinuhan saming dalawa.
"Here ya go" tsaka niya nilagay sa harap ko yung plato na may pagkain na niluto niya. Tipikal nalang din naman itlog tsaka hotdog na may kanin.
"Thanks"
Umupo nadin siya sa kabilang part ng lamesa na naka harap sakin at tsaka na kami kumain ng sabay. After namin kumain ako na yung nag hugas ng plato naming dalawa.
"Tory baka pala late nako maka uwi may practice kasi kami sa play mamaya"
Nilagay ko muna yung apron sa gilid tsaka kinuha yung bag ko.
"So hindi na kita hihintayin?"
Tumango naman siya saken. Tsaka sabay na kami lumabas tsaka nag lakad papuntang school.
Pag dating palang namin sa gate may mga babae na na naka abang sa mga bench. Probably gonna pay attention to Darry. Araw-araw din namin tong hinaharap, nakaka pagod actually but then naka sanayan na namin plus tinutulungan naman siya ng mga co-actors niya sa play.
Habang nag lalakad kami yung mga babae naka pila sa daan--hindi pala sila naka pila...nagtutulakan oo. Tsaka naman dumating yung dalawang kasama ni Darry sa play niya.
"Yo Darry" saka sila nakisiksik sa mga fangirls ni Darry.
No offense kilala din naman ako dito sa school mas napapansin lang talaga ni si Darry kasi siya yung male lead sa play na i p-perform nila sa Graduation Ball. Tradisyon kasi yun dito sa school. Every year may play na gaganapin para daw mag enjoy naman yung mga graduates tsaka family nila pati na yung mga teachers.
"Oy Kent! Andrew!" bati din ni Darry sa kanya.
"Darry ikaw ha. Araw-araw ka nalang pinaglalawayan ng mga linta--" tsaka siya siniko ni Kent. "--ng mga babaeng to" habang hinihimas niya yung dibdib niya na siniko ni Kent.
"Darry una nako" sabi ko sa kanya. Sana all kasi yung classroom nasa second floor lang.
"Hmm. See you"
Tumango nalang din ako sa kanya habang yung ibang babae sumunod sakin kaya kailangan ko nanaman tumakbo pa ikot ng building ko shuta hindi ako nag training sa piano para lang tumakbo para sa marathon nato araw-araw.
At last shutek. Hingal na hingal nako.
"Sino ba kasi nag lagay ng classroom ko sa fourth floor langya" bulong ko habang nag sisimula nanamang tumakbo papunta sa classroom ko.
Pag pasok ko sa classroom buti wala pa yung teacher namin. Umupo nako sa upuan ko and no hindi katabi ng bintana sa likod yung upuan ko maawa kayo sa notes lang ako kumakapit at hindi ganun ka linaw mata ko-- So basically yung upuan ko is...tsaran second row from the front isang upuan lang yung pagitan tas kaharap ko na yung teachers table sa harap.
Nag bell nadin naman so wala nakong time para i text si Darry. Pumasok na yung teacher namin para sa first subject namin which is History wag niyoko tanungin bat ayan yung first subject namin tanong niyo nalang sa school namin--- char. Medjo strict tong first subject namin na teacher since...he's gay. Oh no, hindi ako against sa mga LGBTQ 'cause alam ko yung nararamdaman nila since I'm a Bisexual you know yung attracted sa both babae at lalake yep.
Kasabay niya pumasok yung isang babae na may Bangs pero mukang bunot????--- Pasensya na yan yung una kong naisip eh...
Tumayo si sir tsaka yung babae sa harap namin. "You may introduce yourself and then sit next to Mr. Revera"
Hindi ko alam ano ba kalaki galit ni sir sakin na halos araw-araw palagi akong may special mention sa kanya.
Ngumiti naman yung babae sa harap tsaka nag salita "Hi, I'm Athena Asuncion. I wish na maging magkaibigan tayo this school year"
After nun dumeretso na siya sa katabi kong upuan. May isa din akong pinagtataka...Halos matatapos na yung year nag transfer padin siya. Well siguro malakas kapit sa school ng parents niya or hindi kaya may pera na involve.
Nag simula na si sir sa lecture niya at syempre kailangan ko makinig at mag take down notes kung hindi nganga ako kapag tinanong niya ako mamaya....
BINABASA MO ANG
Petals
Short StoryBest friends... Kapag ba nahulog ka na sa kanya kaya mong tiisin lahat?