Pangalawa

6 0 0
                                    

"I like you more than I planned"

Tory's POV

Natapos nadin namin yung third period namin which means lunch na. Lalabas na sana ako tinawag ako nung transfer student.

"Uhm...pwede bako magpa sama sayo sa canteen? Wala kasing gustong kumausap sakin.."

Well...hindi naman sa masama akong tao but masyado kasing may mga sarili mundo yung mga classmates ko kaya mahihirapan ka talaga mag fit-in kapag bago kalang and since nga may image naman ako dito so hindi ko na kailangan pagdaanan niyan mabait naman mga classmates ko kapag naging open na sila.

"Sure, kung gusto mo sumama ka nalang din samin mag lunch?" tsaka ko na sinout yung bag ko.

"Hindi ba nakaka istorbo sa inyo yun?"

Nag kibit balikat nalang din ako sa kanya tsaka na nag lakad papuntang pinto. "I mean kung gusto mo lang naman. Hindi naman kita pipilitin if ayaw mo"

Totoo naman kasi eh nasa kanya na naman yun if gusto niya I'm just trying to help her since nanghingi siya ng tulong kanina. Pag tingin ko sa likod ko naka sunod din naman siya. Which is delikado kasi baka anong gawin sa kanya ng mga babae na naka tingin ngayon sakin.

"Tumabi ka sakin kapag nag lalakad ka. Baka gusto mo maging lunch ng mga babaeng yan" sabay tingin ko sa mga babae na matatalim na yung tingin sa kanya.

Tumabi naman siya sakin pero yung merong sakto lang na distance between us. Habang nasa canteen na kami hinanap ko agad kung nasan yung may malakas yung tilian kahit binubulong lang naman daw nila yun -.- and bingo nahanap ko agad kung nasaan si Darry. Yep although close sila ng mga co-actors niya sa play dalawa lang kaming kumakain sa canteen....which makes me feel damn butterflies as always... Naka sunod padin saken si Athena at rinig ko nadin yung mga bulongan nang mga babae bakit ko daw siya kasama bakit daw saama siya samin sa lunch. Hinayaan ko nalang sila though alam kong hindi comfortable si Athena sa kanila, ginusto niya naman na sumama dito eh.

"Tory sino siya? Jowa mo? Ikaw ha bakit hindi mo sinabi sakin na may jowa kana pala" sabay tulak niya saken palapit kay Athena.

"Ulol hindi ko siya jowa. Athena si Darry nga pala bestfriend ko, Darry si Athena bagong classmate ko"

"Huh?Patapos na yung school year ah" sabay tingin niya din kay Athena.

Ramdam ko din naman na medjo kinabahan si Athena kaya nilagay ko na yung bag ko sa upuan.

"Upo ka muna Athena. Darry baka naman hindi siya comfortable sa ganyang usapan hayaan mo na"

Gladly umupo din naman siya sa tabi ko since hindi niya pa naman kilala si Darry. Umupo nadin naman ako libre kasi palagi ni Darry lunch ko ayaw niya na ako yung bumibili ng lunch naming dalawa, sadyang ganyan lang naman siya simula nung sa bahay na siya nakikitira. Yup alam din naman nina mama at papa na nasa bahay si Darry kaya daw hindi sila nag aalala kung hindi man sila nauwi sa bahay atleast daw may kasama naman ako kahit papaano.

"Hindi naman sa hindi ako comfortable nabigla lang naman ako" sabay tawa niya ng mahina. "For that question. Bigla kasi nag transfer si papa ng trabaho kaya kami lumipat dito though sabi ko kay papa patapusin nalang yung school year hindi daw pwede kasi kailangan daw kasama niya kami ni mama kaya heto"

Tumango naman si Darry sa kanya. May pagka chismoso kasi -.- "Anyways since nandito kana din naman libre na kita ano ba gusto mo?"

"Ha? Wag na ano kaba. Nakakahiya naman naki upo na nga ako tas mag papalibre pako sayo"

Inayos ko naman yung upo ko tsaka humarap sa kanya. "Wag mo nang tanggihan yan hindi yan titigil hanggat hindi ka pumapayag"

Tumingin siya sakin yung mga mata niya nag tatanong kung totoo ba yung mga sinabi ko saka kami natawang dalawa. "Oo daw Darry"

"Wala pala akong choice haist. Sige magpapalibre ako but kailangan tulungan kita mag buhat"

Agad naman na tumayo si Darry pati nadin si Athena at sabay na sila na naglakad papuntang counter. Habang tinitingnan ko sila para bang may masakit sa puso ko ang hirap nadin huminga feel ko uubo ako. Umubo nga ako but hindi ko expect yung makikita ko sa panyo ko...

Sa panyo ko may dalawang petals ng White rose.....Oh shit-- Sa sobrang tulala ko hindi ko na namalayan na naka balik na pala silang dalawa. Agad kong tinago yung panyo ko kasama nung mga petals...

"Ok~ Kainan naaaaa"

Kinuha ko na yung pinggan ng carbonara ko ng bigla nanaman ako naka ramdam na uubo ako. Agad ko naman nilabas yung panyo ko syempre sinigurado kong hindi nila makikita yung rose petals. Alam ko na kasabay nung pag ubo ko ay may bagong petals na lumalabas... Oh please bakit ngayon kapa nag umpisa--

"Tory ok kalang ba?" Tanong ni Athena sakin.

"Hmm" umigham muna ako bago ko ulit tiningnan si Darry which leads me to cough again.

"May sakit kaba? Wala ka namang lagnat pag alis natin sa bahay kanina ah" I c-check niya sana kung ok lang ba yung pakiramdam ko pero bigla akong tumayo tsaka tumakbo sa cr ng mga lalake pag dating ko dun pumasok ako sa isa sa mga cubicle at inubo lahat sa inidoro ng cr.

Ramdam ko yung sakit sa baga ko hanggang sa lalamunan ko alam ko kung anong nangyayare sakin hindi ko naman alam na babalik ng ganito ka lala. Tumigil nako kaka ubo at tsaka lang ako sumandal sa pinto ng cubicle...

Hanahaki...Darius bakit kasi hindi mo makita na gusto kita? Ang manhid mo. Huminga ako nang malalim tsaka ko naramdaman na nag vibrate yung cellphone ko sa bulsa ko.

Darius Baliw
'Ok kalang ba? Hatid kita sa clinic? Or gusto mong umuwi?'

'Hindi na ako nalang uuwi. Samahan mo nalang muna si Athena hindi niya pa kabisado yung pasikot sikot dito sa school eh'

'Sige. Sure kaba talaga? Pwede ko naman siya ipa sama sa mga iba kong kaibigan'

'Wag na kawawa naman plus tutal kilala kana naman niya'

'Sige'

'Tawagan moko kapag naka uwi kana ok'

'Hmm'

Tsaka ko na pinatay yung cellphone ko alam kong si Darry na bahala sa bag ko mamaya kaya dumeretso nalang ako palabas ng school. Slightly nagpapaslamat din na hindi ko sina naka salubong or what mas lalo lang lala yung sitwasyon ko...

Pag dating ko sa bahay humiga agad ako sa sofa tsaka tinakpan ng braso ko yung mga mata ko at huminga ng malalim

"Darius bakit kasi hindi nalang ako..."

More importantly bakit kasi siya pa, sa daming tao sa mundo na inlove pa ako sa bestfriend ko...ang malas ko naman...

PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon