Pang walo

1 0 0
                                    

"I think this time, ill set you free"


{Mention of Blood}

Tory's POV

Nag sisimula na yung play nina Darry. Hindi ko alam kung sinabi na ba sa kanya ni Athena or nagpapanggap lang siyang hindi niya pa alam yung nangyayari saken. Pinipilit ko na hindi umubo kahit ramdam ko yung hapdi sa lalamunan ko. Kahit ngayon lang...hayaan moko makita si Darius ng matagal.

Nandun siya sa entablado kumikinang na bituin sa gitna ng madaming tao. Nakaka lungkot ngalang hindi siya akin...at  hindi kailan man mapapa sakin.

Natapos ko yung play ni Darry although nasa likod ako naka upo ayoko kasi na makita niya ako sa harap... baka masira ko pa yung performance niya. As usual kasama ko si Bri but as soon as naka labas na kami sa auditorium dumeretso agad ako sa cr...nilock ko yung mismong pinto alam kong nasa labas si Bri kaya hindi ako nag aalala. Nilabas ko yung lahat na pinigilan ko kanina ilabas ramdam ko yung hapdi hindi lang siya bou na bulaklak may sumasama  na na tangkay at ramdam ko yung hapdi na dala ng mga tunok na nasa tangkay gusto  kong umiyak sa sakit ngunit ayaw pa nila tumigil kaka labas mula sa bibig ko ramdam ko nadin yung pagka hapo dahil sa maliit na airway sa baga ko...alam kong konti nalang mapupuno na nila yung baga ko.

Iniluwa ko lahat ng gusto lumabas alam ko din na madami ng dugo sa sahig at sa ibang parte ng cr. Ramdam konaadin yung panghihina ko sa sakit at sa dami ng dugo na inubo ko.

"Tory?Tory?! Buksan mo yung pinto Tory!" 

Alam kong boses yun ni Bri pero hinang hina nako para buksan yung pinto...the next thing i saw was darkness.

Brian's POV

Nandito kami sa cr sa labas ng school building nila rinig ko yung hirap ni Tory sa loob pero wala akong magagawa kasi ayaw niya na tulungan siya. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa tumigil na siya. Tatanungin ko na sana siya kung ok naba siya ng maayos ko yung amoy kalawang at nakita ko yung dugo na dumadaloy sa siwang ng pinto sa ilalim. Agad kong kinalampag yung pinto at tinawag si Tory. 

Kinabahan nako ng hindi na siya sumasagot. Agad naman ako tumakbo pabalik sa loob at nag hanap ng staff sakto naman ay may bagong labas na babae na teacher sa hall nilapitan ko siya agad. "Miss, kailangan ko ng tulong yung kaibigan ko nilock yung sarili niya sa cr sa labas hinimatay po ata siya sa loob please  po kailangan ko po ng tulong"

Halata namang nag alala din siya sa sinabe ko  "Hintayin mo ako doon sa cr ok? Kukunin ko ang susi sa faculty" Tumango naman ako sa kanya at dali daling tumakbo pabalik sa cr kung nasa si Tory. 

"Tory?Tory hindi na magandang biro to. Tory!!"

Sunod sunod na yung pag   kalampag ko sa pinto. Hanggang sa nilapitan na ako ng isa sa mga guard.

"Sir bawal po yang ginagawa niyo. Distroying of school's property po yan"

Humarap naman ako sa kanya tsaka nagmamakaawang hinawakan yung kamay niya. "Kailangan ko po ng tulong yung kaibigan ko po nilock yung sarili niya sa loob hiinimatay po ata siya hindi ko po mabuksan yung pinto"

As if on cue dumating na yung teacher na hiningan ko ng tulong hindi pa niya sigro napapansin yung dugo  sa sahig. Pag bukas niya at agad akong pumasok at nakita ko ang katawan ni Tory na naka sandal sa pader habang walang malay. "Tory!!" agad ko siyang inakay.

"Oh my god. History?!" sigaw nung teacher na babae. "Manong tumawag ka ng ambulansya" lumapit din siya sa amin ni Tory. "A-anong nangyare? Bakit siya nagka ganito?" ramdam ko yung pag aalala niya para kay Tory.

"He has Hanahaki po. Ayaw niyang magpa opera kaya lumala at humantong na sa ganito" Hawak hawak  ko padin si Tory yung muka niya may bahid na ng dugo at kitang kita din ang mga rosas na niluwa niya kaninang nandito siya sa loob.

"Kailangan nyang operahan. Either he likes it or not magpapa opera siya agad pag dating niyo sa hosital you got me?"

Tumango naman ako sa kanya. Tory kasi bat ayaw mo pa bitawan si Darius.

Dumating na ung ambulansya at agad naman siyang sinugod sa hospital. Though hindi alam ng mga nasa loob ng hall ang nangyayare sa labas kaya hindi din masyadong nagka gulo yung mga tao  sa school.

3rd Person's POV

Pag dating nila sa Hospital ay agad na isinugod sa emergency room si Tory habang si Bri naman ay nasa labas ng operating room naghihintay at nagdarasal na sana  malampasan pa ni Tory ang operasyon.

Habang ang mga nasa school naman ay nagsasaya na dahil nakuha na nila yung mga diploma nila at sa wakas ay naka graduate na sila.

"Darry i need to talk to you" biglang hatak ni Athena kay Darry palabas ng Hall.

"Ano ba yung gusto mo sabihin sakin?"

"Alam mo bang bakla si Tory?"

Nagulat at the same time is hindi naniniwla si Darry sa kanya.

"Ha? Si Tory? bakla? Nagpapatawa kaba Athena? Hindi bakla si Tory" sabay tawa pa ni Darry sa kanya pero tinitingnan lang siya ng seryoso ni Athena. Alam ni Darius na Bi si Tory but alam din niya na malaman yun ng karamihan.

"I am not joking Darius. Rinig ko, rinig na rinig ng dalawa kong tenga na sinabi ni Tory na mahal ka niya"

As tumigil si Darry ng tawa at biglang nagulat sa sinabe ni Athena. "Oo Darry ikaw ang dahilan bat siya nagka sakit kasi mahal ka niya, kasi ikaw yung mahal niya at hindi mo siya kayang mahalin pabalik dahil akin kalang Darius akin lang"

Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Athena sa kanya. "Athen what?" Tiningnan ng seryoso ni Darius si Athena. "Kung alam mo pala lahat bakit hindi mo sinabi sa akin? Yes Athena mahal kita, pero ngayon parang gusto ko nalang bawiin lahat" madiin niyang sabi kay Athena.

Tsaka niya nilayasan si Athena na sigaw ng sigaw padin sa kanya. Wala siyang ibang ini isip kundi ang tawagan si Tory.

Please Tory...sagutin mo mga tawag ko..bakit hindi ka nag sabi, bakit ka naghirap para sakin...

"Hello? Tory? Nasan ka? Usap naman tayo---"

"Kung gusto mo malaman kung anong nangyayari ngayon kay Tory pumunta ka dito sa Hospital" tsaka pinatay ni  Bri yung tawag.

Dali dali namang pumunta sa Hospital si Darry kahit pa  naka toga pa siya.

Tory im sorry

PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon