"Hidden feelings, Hidden pain"
Darry's POV
Nag aalala ako para sa kanya hindi naman kasi siya nag kaka sakit agad. Hindi nga sya athletic pero hindi naman mahina katawan niya eh...
"Ano daw sabi? Ok lang ba daw siya?"
Nakalimutan ko may kasama pala ako dito. Tinago ko na yung cellphone ko after niya mag reply sakin tsaka ko na hinarap si Athena.
"Oo daw. Uuwi nalang daw siya" tsaka ko nalang din kinuha yung bag niya at tinabi sa bag ko. Idadaan ko nalang sa locker ko mamaya kapag babalik na kami sa classroom.
"Sorry ha? Hindi mo na ako kailangan samahan if hindi ka comfortable na may kasamang babae"
Tiningnan ko naman siya tsaka ako natawa ng konti. "Hindi ka naman abala dont worry, plus ok lang naman may mga kaibigan naman ako na mga babae mga co-actors ko sa play"
"Play? As parang musical?" Sabi niya ang cute nung expression niya to be honest. Those stars on her eyes are so damn pretty.
Just stating the facts its not like may gusto ako sa kanya or what...
"Hmm. Every graduation kasi may pa play yung school"
"Uwahhh tagal ko na hindi naka sali sa play. Masyado kasing busy sina mama at papa hindi nako makapag enroll sa mga classes..."
May pagka sad yung boses niya habang sinasabi niya yun...well its not like my life is better that her's... Nginitian ko siya
"Edi may chance kana maka panood ngayon~"
"Hindi ko sure eh...hindi kasi ako ganun ka pinapayagan nina mama na mag attend ng mga parties or what..." tsaka niya pinag laruan yung pagkain niya.
Bigla kong inagaw yung tinidor niya kaya siya napa tingin sakin.
"Wag mo na munang isipin yan. Tara na ihahatid na kita pabalik sa classroom niyo though kailangan ko muna iwan tong bag ni Tory sa locker ko.
Tiningnan niya ako na parang nag tataka. "Iisa lang kayo ng bahay na tinitirahan?"
Tumango naman ako sa kanya habang siya naka nganga kaya ako natawa ng mahina. "Kung ano man yang nasa isip mo hindi kami ganun ni Tory. Sadyang mabait lang siya na tao kaya ako naka tira sa bahay niya."
Tumayo na naman siya para ayusin yung bag niya. "Wala kabang bahay? Parents?"
Nginitian ko lang siya as much as mabait akong tao hindi ganun ka dali para sakin na i share yung family problems ko si Tory lang yung nakaka alam ng sitwasyon ko tsaka yung mga parents niya. "Tara na" Tsaka na kami nag simulang mag lakad papunta muna sa locker ko.
"Darry ako nalang yung babalik sa classroom ko kabisado ko naman kung nasan na eh"
Nilingon ko naman siya "Sure kaba? Baka naman maligaw ka ha"
Umiling lang siya saken habang naka ngiti "Promise hindi ako maliligaw"
Tinanguan ko nadin naman siya. Tsaka na siya nag paalam saken at nag lakad palayo. Kamusta na kaya si Tory?
Tinry ko siya tawagan pero hindi siya sumasagot. Naka tulog kaya siya? Sana naman nag papahinga nayun. Hindi sa OA ako ha sadyang parang kapatid na turing ko sa kanya kaya hindi ko maiwasang mag alala. Hindi niya talaga sinasagot kaya pinatay ko nalang yung cellphone ko at dumeretso na sa classroom ko since nasa kabilang building pa naman yun but luckily nasa second floor lang hindi tulad nung kina Tory tsaka Athena na nasa fourth floor. Sana naman hindi talaga yun naligaw lagot ako kay Tory kapag napano yun eh.
Sakto naman pag pasok ko sa classroom wala daw yung mga teachers kasi nagka meeting about sa graduation ceremony so lumabas nalang din ako tsaka dumeretso sa auditorium ng school namin since dito din naman kami mag p practice mamaya. Nilagay ko sa isa sa mga upuan yung bag ko tsaka umakyat sa stage tumayo ako dun habang na alala ko yung tanong ni Athena kanina...
Ayaw kasi ni papa kay Tory kasi masama daw na implowensya si Tory mas lalong ayaw niya kay Tory kasi Bisexual siya...alam ko naman na Bi si Tory open niya naman na sinabi sakin which is tinanggap ko din naman ng buong buo. Wala akong pakialam kung ano man yung Gender ni Tory siya lang at ang parents niya yung nagparamdam sakin kung gaano ka saya magka pamilya...Ok naman kami ni mama though hiwalay na sila ni papa kaso ayaw ako ibigay ni papa kay mama kaya wala akong magagawa. Umalis ako sa bahay kasi hindi naman ako pinapansin ni papa puro mga maids yung nag aasikaso sakin ayaw ko naman maging pabigat kina manang alam ko din naman kasi na kulang yung natatanggap nila na sahod mula kay papa. Malaki nga yung pasasalamat ko sa Family ni Tory eh kung wala sila hindi ko alam kung makaka abot paba ako sa graduation.
Medjo nangangalay na yung paa ko kaka tayo dito sa stage kaya binalikan ko na yung bag ko tsaka umalis sa loob ng auditorium hindi ko alam saan pupunta kasi nasanay ako na kahit saan lang basta magka sama kami ni Tory. Napag desisyunan ko nalang na pumunta sa rooftop.
Pag dating ko dito sa rooftop nakakapag taka kasi may nauna na sakin. "Athena?"
Lumingon naman siya sakin kaya nakita ko yung mga mata niyang puno ng luha. Agad ko naman siyang nilapitan at bigla niya naman akong niyakap. "Anong nangyare?" habay hagod ko sa likod niya hoping na kahit papa-ano naka bigay yun ng comfort sa kanya.
Though hindi niya ako sinagot hinayaan ko nalang siya na umiyak baka ayaw niya i share at nangangailangan lang siya ng kayakap ngayon. Mga ilang minutes din naman tinagal ng iyak niya hanggang siya napagod na siya siguro bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap niya sakin tsaka umupo sa sahig. Umupo din naman ako sa tabi niya. Hindi kami nag uusap pero hindi din naman kami awkward sa isat isa. Who really are you Athena? Bakit curius akong malaman yung buhay mo?...
Tiningnan ko siya, ang lungkot ng mga mata niya habang naka tingin sa kawalan, gusto ko man siya tanungin alam kong mas gusto niya muna manahimik...bakit kaba talaga napunta dito Athena...ano ba talaga yung dahilan? Bakit kahit masaya ka naman eh ang lungkot naman ng mga mata mo... bakit ngaba.
BINABASA MO ANG
Petals
Short StoryBest friends... Kapag ba nahulog ka na sa kanya kaya mong tiisin lahat?