"I'm glad we both exist at the same time"
Darry's POV
Halos ilang linggo nadin simula nung ini iwasan ako ni Tory. Like kapag nasa baba ako nasa kwarto siya tas kapag nasa taas ako nandito siya sa baba. Napa hinga nalang ako ng malalim. Dagdagan mo pa tong apo ni Lola dun sa ice cream shop na palaging binibisita si Tory halos araw-araw nandito siya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya nanghihinayang lang ako kasi hindi na kami masyadong nakaka pag usap ng personal ni Tory palaging nasa text nalang if s swertehin sasagutin niya yung mga tawag ko.
About samin naman ni Athena were taking things slow but were happy. Actually mga twice or three times a week lumalabas kami the rest of the days nandito siya sa bahay kapag tapos na yung shift niya sa ice cream shop. Pina kilala niya nadin ako sa mga parents niya though aaminin ko ang strict talaga nila sa kanya but good thing pinapayagan nila si Athena na pumunta dito sa bahay. Nag bi bihis ako ngayon since lalabas kami ni Athena si Tory naman is lumabas din kasama ni Bri hindi naman ako nababahala kasi alam ko naman na iuuwi siya ni Bri ng ligtas ang akin lang naman is nag aalala ako para sa sakit niya. Ayaw niya padin kasi sabihin sakin kung ano yung nagyayari sa kanya though alam ko na may alam si Bri sa tungkol sa nangyayari kay Tory.
"Darry?" Tawag sakin ni Athena galing sa baba. " Hindi kapa ba tapos?"
Tiningnan ko for the last time yung hitsura ko sa salamin bago lumabas sa kwarto at dumeretso na pababa. I planted a kiss on her head ng maka rating ako sa tabi niya.
"Oi why so sweet?"
Umiling lang ako habang naka ngiti sa kanya. "Nothing im just thankful na kasama kita ngayon"
Nginitian niya nalang din ako tsaka na kami lumabas ng bahay at pumunta sa mall. Gusto niya daw kasi bumili ng mga bagong gamit niya pang school and yes sa susunod na araw graduation na namin alam kong mabilis lang yung mga araw hindi ko nga alam kung ano na araw yun si Athena nag transfer eh.
As usual nag lakad lang kaming dalawa papunta sa sakayan. Nag jeep nalang kami papuntang mall since isang sakayan lang naman yung mula dun sa sakayan. One ride lang naman. Ako palagi yung nag babayad para sa pamasahe namin i dont mind naman eh as much as possible gusto ko siyang i spoil. Pag dating namin sa mall mag ba banyo daw muna siya kaya hinintay ko nalang siya sa isa sa mga bench malapit sa cr.
Habang nag s scroll ako sa Facebook may biglang tumapik bigla sa balikat ko pag tingin ko si Kent pala tsaka si Andrew. "Oy tol, san kayo galing?" Tiningnan naman nila ako na dalawa.
"Pare bakit hindi ikaw yung kasama ni Tory kanina sa Hospital?"
Ako naman ngayon yung naka tingin sa kanya ng may pagtataka. "Hospital? as in sa Hospital kung nasaan nag t trabaho mama mo?" Alam ko naman na may sakit talaga si Tory but gaano ba kalala--- Hindi na niya ako sinasabihan kung kamusta na yung sakit niya.
"Oo tol, nagtaka nga kami kung bakit hindi ikaw yung kasama niya. Sino nga ulit yung kasama niya kanina Kent?"
Tiningnan ko naman si Kent though alam ko naman na si Bri yun.
"Brian ata tol. Oo Brian sabi niya pa nga mag d date daw sila mamaya? Bat hindi mo naman nabanggit samin na hindi pala straight ni Tory tol"
Tapos sabay pa sila na tumawa ok lang yung malaman kong kasama niya si Bri but mag d date? Bakit parang ang pangit sa panlasa ko pakinggan yun?
"Hey Darry, tara na?"
Nabigla din ako nung biglang hinawakan ni Athena yung braso ko. Nginitian ko nadin siya nagpaalam na kami kina Kent tsaka Andrew. Kailangan ko na talaga makausap ng matino si Tory. Syempre bestfriend niya ako ng ilang taon tapos hindi ko manlang alam kung anong nangyayare sa kanya. Sa pag lalakad namin na dalawa napadpad kami sa fountain ng mall.
"Darry gaano kayo ka close ni Tory?"
Tumingin nalang din ako sa tubig sa fountain. "Parang kapatid na sa ka close. Halos lahat na ata ng nangyare sa buhay ko alam niya eh ganun din naman sa akin. Pero ngayon hindi ko na alam" tumingin ako sa kanya tsaka nginitian siya. "Masyado na ata siyang busy para makipag usap sakin"
Ngumiti din si Athena sakin. "Baka nga"
Naupo lang kami dun habang tinitingnan yung tubig sa fountain. Biglang nahagip ng mata ko si Tory tsaka si Bri. Naka hawak si Bri sa kamay ni Tory naglalakad sila habang naguusap. Hindi ko na sinabi kay Athena na nakita ko sila pumunta agad ako sa dereksyon nila.
"Tory! San kayo galing?" inakbayan ko siya at halatang nagulat din siya sakin. Hindi pako nakaka tanong biglang nag takip ng bibig si Tory.
"Tory? Ok kalang ba?" Hinarap ko siya sa akin bago ko paman siya ulit matanong hinatak na siya ni Bri.
"Tory? Masakit ba?" hinawakan niya yung kamay ni Tory.
Hahawakan ko pa sana ulit yung kamay niya hinatak lang siya ni Bri.
"Tol, kaibigan ko din si Tory" hinawakan ko yung braso ni Tory.
"Alam ko. Pero hindi ikaw ngayon yung kailangan niya" hatak niya naman ulit kay Tory.
Hindi ko din binitawan yung braso ni Tory so nasa gitna na namin siya ngayon. Nagulat ako kasi biglang nabitawan ni Tory ung bibig niya....and that's when I saw.
"Flowers?" Tsaka ko tingnan si Tory na ubo padin ng ubo habang si Bri naman tinatabunan siya para wala masyadong maka kita. Gusto ko pa sana siya samahan pero hindi na ako hinayaan ni Bri pa na maka lapit sa kanila.
Im still in shock habang nagmamadali namang pumunta si Bri tsaka si Tory sa malapit na Cr.
Flowers? Him? Coughing flowers? Isa lang naman yung alam ko na sakit na may ganyan....but I never thought it really exist... One sided love...sino naman kaya yung gusto niya na hindi siya kayang mahalin...
"Darry. S-si Tory...Hanahaki yun diba?"
Tiningnan ko naman si Athena tas napa isip din ako...nag simula lang naman maging ganun si Tory nung nag transfer si Athena...So si Athena ba yung taong gusto niya?
BINABASA MO ANG
Petals
Short StoryBest friends... Kapag ba nahulog ka na sa kanya kaya mong tiisin lahat?