"I feel them the thorns and branches growing inside me I cannot breathe not because you won't love me but because I can't love you"
{Mention of Blood}
Tory's POV
Second day of suffering. Ayaw ko naman siya paalisin dito sa bahay though ginagawa ko talaga lahat para lang maiwasan siya. Kada makikita ko kasi siya hindi ko mapigilan na iubo yung nasa loob ng baga ko. Which is palala na ng palala hanggat palalim ng palalim yung nararamdaman ko para sa kanya alam ko naman na hindi talaga kami pwede pero baka lang naman kasi... Alam ko din na kung gusto ko talaga na hindi masayang yung pagkakaibigan namin kailangan ko kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Ang hirap naman kasing hindi ma fall sa kanya.
Sabado naman ngayon kaya makaka dahilan ako sa kanya na masakit padin yung ulo ko kaya hindi ako pwedeng lumabas. Though hindi din pala pwede kasi yung mga gamit niya is nandito sa loob ng kwarto ko.
"Tory sigurado kabang ok kalang? Akala ko ba hindi naman malala yung ubo mo kahapon?" Sabay tabi niya sakin habang binigyan nyako ng isang basong tubig. Magsasalita na sana ako but as soon as I saw his face nagsimula nanamang mangati yung lalamunan ko kaya agad akong tumakbo papuntang cr tsaka dun ko inubo yung mga rose petals sinigurado ko din na naka lock yung pinto bago ako umubo sa harap ng inidoro---
"Tory?Tory?! Ano bayan? Bakit ayaw mo ako papasukin? Hoy Tory naman"
Rinig ko yung mga malalakas na katok niya sa pinto ng cr pero ayokong malaman niya kung anong nangyayari sakin ayoko din naman kasi na malaman niya, mahirap na. Mas mahirap para sakin kapag nalaman niya, yung konsensya ko hindi ko kayang masaktan siya.
"Tory kasi..."
Biglang tumigil yung pag katok niya pero nakita ko naman na umupo lang siya sa harap ng pinto ng cr. "Tory hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sakin kung anong nagyayare sayo"
Umupo din ako sa opposite side nung pinto. Pinakinggan ko lang siya na huminga ng malalim. "Madalang ka naman magkasakit ah. Ano bayan? Ganun ba talaga kalala yang ubo mo?May TB kaba?"
Ayoko siya sagutin kasi feel ko kung ibubuka ko yung bibig ko uubo nanaman ako ulit. Kinatok ko lang ng isang beses yung pinto indicating na hindi naman ganun ka lala yung sitwayon ko.
Sige pa Tory lokohin mo pa yang sarili mo.
"Akala ko ba wala tayong taguan ng mga sekreto?"
Oo nga naman...nag promise pala kami sa isat isa na sa kahit ano tutulungan namin yung isat-isa..
"Hindi mo naba ako pinagkakatiwalaan Tory?"
Kung alam mo lang Darry...Kung alam mo lang...
Kinatok ko ulit ng isang beses yung pinto saying na hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan. Tiningnan ko nalang ulit yung mga natapon na flower petals sa sahig ng cr.
Ang ganda niyo sana tingnan...ikakamatay ko ngalang ng maaga kapag tumagal pa kayo sa loob ko...Narinig ko na tumayo na siya "Tory alam mo namang nandito lang ako diba? Kami ng parents mo...Sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong"
Tsaka ko siya narinig na naglalakad palayo sa pinto ng cr hanggang sa marinig kong bumukan yung pinto ng kwarto ko saka siya naglakad palabas ng kwarto at sinarado yung pinto. Once again nananakit nanaman yung lalamunan ko kaya wala akong choice kundi i ubo yung mula ko pa kanina pinipigilan na mga flower petals na gusto lumabas. Masakit oo, but gusto ko muna siyang tiisin hanggat kaya ko pa. Nag papaka hangal nalang ako thinking na mawawala patong nararamdaman ko para kay Darry.
After like a decade char--- Nag mumug nako tsaka lumabas ng cr. Alam ko namang hindi siya papasok ng hindi mangangatok lalo na kapag ayaw ko siya kausapin alam naman ni Darry kung hanggang saan lang yung dapat siya mag biro. Napaka boyfriend material promise-- Sayang ngalang at hindi niya ako nakikita the same way ng pagtingin ko sa kanya. Kumuha ako ng bagong damit tsaka pinalitan yung T-shirt ko na puno na ng laway kanina yuck--- After ko mag bihis biglang nag notify yung messeges ko sa phone.
BINABASA MO ANG
Petals
Short StoryBest friends... Kapag ba nahulog ka na sa kanya kaya mong tiisin lahat?