Pang pito

3 0 0
                                    

"The only other cure is physical removal. However, memories of that person are also lost"

Athena's POV

Kumaway kaway pa ako sa harap niya pero naka tingin lang siya sa akin. 

"Darry? Darry?"

This time hiwakan ko yung magkabilang balikat niya. "Darry hoy" Tsaka niya lang ako kinibo ulit.

"Ha?"

"Ok kalang ba ha? Namumutla ka eh" Totoo naman kasi namumutla talaga siya like naka kita ng multo or what. Hinawakan ko ulit yung magkabilang balikat niya. Of course concern ako sa kanya. 

"O-ok lang ako. Uhm Athena pwede ba bukas nalang tayo lumabas ulit?"

Tiningnan ko naman siya ulit. Siguro nga kailangan niya lang ng pahinga busy din siya sa practice ng play nila eh... baka pagod niya lang to. Ngumiti naman ako sa kanya. "Ano kaba Darry ok lang. Alam ko namang pagod ka sa practice niyo eh, bukas nalang tayo lumabas ulit"

Nagpaalam na naman siya sa akin at umalis na. Tsaka ko lang ulit naisip yung nakita ko kanina. Im sure merong Hanahaki si Tory may nakita na akong mga taong nag kakaganyan pero sino naman kaya yung taong hindi siya kaya mahalin? Imposible namang si Darry kasi magkaibigan sila and also pareho silang lalake hindi yun mag w work...so sino? 

Nakita ko sila ulit nung kasama niya na palabas na ng mall kaya sinundan ko silang dalawa ang thankfully hindi sila sumakay at nag lakad lakad lang hanggang  sa maka rating kami sa isang maliit na playground pang bata hindi nila ako napapansin though nagtatago padin ako. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko lang talaga malaman kung sino, si Tory kasi yung unang kumausap sakin ng maayos sa school kaya gusto ko man lang maka tulong sa kanya kahit sa maliit lang na paraan. 

Umupo sila sa iisa sa mga bench dun at ako naman is nandito sa likod nila nasa may mga halaman buti nalang at hindi ganun ka dami yung mga naglalaro na bata baka  magulat nalang ako mag biglang mag tanong na bata sakin kung bat ako nagtatago.

"Tory, hanggang kailan mo paba titiisin yang sakit mo?" sabi nung kasama niya. Nilapit ko naman yung tenga ko para mas marinig ko pa sila. Alam ko mukha akong chismosa pero kailangan ko talaga malaman kung sino.

"Hanggat kaya ko" rinig ko yung pagod sa boses ni Tory. 

Nako naman Tory bat kailangan mo pa umabot sa ganyan...

"Alam mong mas lumalala lang yung sitwasyon mo habang nagtatagal diba? Tory uubusin na ng mga bulaklak yung baga mo kapag hindi kapa nagpa opera ngayon"

Tsaka ko lang nakita na si Bri pala yung kasama niya kaya pala ang familiar niya kanina.

"Mahal ko siya Bri eh...Minahal ko siya, hindi ko na mababago yun Bri" narinig ko yung hikbi niya habang nagsasalita. "Ang tanga ko lang sa part na pinush ko padin kahit alam kong hindi kami pwede"

Nakita ko namang niyakap ni Bri si Tory...to be honest gusto ko talaga siya yakapin ngayon tsaka sabihan na kung sino man yung babae nayun sinayang niya lang yung nararamdaman ng isang History Revera. Nalaman ko lang yung full name niya nung nag absent siya one time sa shared subject namin.

Pinakinggan ko silang dalawa ulit. Come on Tory sabihin mo na... ng matulungan na kita.

"Ang sakit kasi Bri ang sakit pero ayaw ko tigilan na mahalin siya. Ayoko Bri...ayoko" sabi niya habang umiiyak na siya habang hawak padin siya ni Bri. "Minahal ko kasi ng sobra si Darry...bat siya pa. Bakit kailangan sya pa Bri"



What? Tama ba pagkaka rinig ko? D-Darry? A-as in si Darius?!

Tory's POV

Bakit kasi sa dinami daming taong sa mundo ikaw pa pinili ng puso ko Darius.

"Mahal mo si Darius?"

Nagulat ako sa nag salita..."Athena?" Napatiigil ako ng iyak at bumitaw sa pagkaka ayakap kay Bri.

"Sagutin moko Tory...Mahal mo si Darry?" 

Kitang kita ko sa mga mata niya yung galit at pagsisisi.

"A-Athena please. W-wag mong sasabihin kay Darry yung narinig mo" tumayo ako at akmang hahawakan na yung kamay niya. 

"Nakakadiri ka" sabay layo niya sa akin. "Kaya pala ganun kayo ka close ni Darry? Kasi mahal mo siya? At nagkaroon ka ngayon ng sakit kasi hindi kaya ni Darry ibalik yang pagmamahal na nararamdaman mo para sa kanya. Hindi kaba nahihiya para kay Darry ha?"

Napaiyak nalang ako sa harap niya but that doesn't mean na hahayaan ko lang siya na ganunin ako.

"Hirap kasi sa inyo ang kikitid ng mga utak niyo" sabay turo ko sa kanya "Eh ano ngayon kung bisexual ako? Ginusto ko ba na maging ganito ako ha? Sinasadya ko ba na si Darry yung minahal ko? Alam mo ba gaano ka hirap yung sitwasyon ko ngayon? Hindi mo alam kasi ikaw...ikaw yung mahal niya hindi ako, ikaw yung gusto niya maka sama habang buhay hindi ako. Hindi mo alam yung feeling na kapatid lang turing niya sayo" Tumayo ako ng maayos at tsaka inayos yung muka ko at humarap ulit sa kanya. "and for your information im not gay, im a Bi, but kahit straight pa ako hindi ikaw yung papangarapin ko"

Hinila ko si Bri paalis dun sa playground hinayaan ko si Athena dun na naka tayo. Hindi ko alam saan kami papunta ni Bri basta naglakad lang kami ng nag lakad....hanggang sa maka rating na kami sa beach...hindi kalakihan but pwede na tambayan kapag may problema ka sa buhay tulad ko.

"Tory"

"Hmm" pinikit ko yung mga mata ko at dinama yung malig ng hangin ng dagat.

"You did great"

Tsaka naman ako napa lingon sa kanya. "Ha? Saan?"

"Dun sa playground kanina. Hindi ko ini expect na sasagutin mo siya, and for that you did a great job"

Napatawa naman ako sa sinabi niya "Hayaan mo na si Athena"

"Pano pala kung sabihin niya kay Darry?"

Hinirap ko ulit yung dagat at pinikit ulit yung mga mata ko. "Edi malaman na kung malaman niya" sabay langhap ko sa hangin "its not like magtatagal pako"

Hindi ko naman siya narinig na umangal. Napagod na siguro kaka sermon sakin na hindi pa ako mamamatay. To be honest kung pagmamahal ko lang naman yung papatay sakin tatanggapin ko nalang. Sumumpa na ako na wala akong ibang mamahalin kundi si Darry lang...

"Bukas pala graduation na namin"

"Talaga? Ini- invite moko manood?"

Naglakad ako palayo sa kanya though teasing him "Kung mahahabol moko" tsaka ako tumakbo sa mabuhangin na part kasi nasa sidewalk lang kami kanina. Nakita ko naman na hinahabol niya na ako kaya tumakbo ako agad palayo sa kanya.

Pasensya na Bri...alam kong naging mabuting kaibigan ka pero mas gusto kong mamatay keysa magpa opera...

PetalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon