Chapter 15: His Explanations
"Sa lahat ng manonood ng bidyong ito, ito ay purong karanasan ko bilang isang manunulat sa larangan ng entertainment industry. Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aking mga natutunan bilang manunulat na ngayon ay sinubukan na ring pumasok sa larangan ng pagdidirek ng mga short films. Simulan natin sa - - -."
"Excuse me, ikaw si Xian 'di ba?" Agad na isinara ni Xian ang ang laptop niya nang biglang may kumausap sa kaniya. Inangat niya ang ulo niya at nakita niya ang isang kapwa HUMSS student sa harap niya na dala ang isang pamilyar na notebook. Biglang nanlaki ang mga mata niya nang mapagtantong sa kaniya ang notebook na 'yun.
Dali-dali siyang tumayo at hinablot ang notebook mula sa kamay ng lalaking kaharap niya at itinago sa likod niya.
"Ba't nasa 'yo ang notebook ko?" Tanong ni Xian sa kaniya. Umupo naman ang lalaki sa harap niya.
"Nakita kong nahulog 'yan sa may hagdanan. May pangalan mo naman kaya hinahap agad kita."
"Okay, salamat. Pwedi ka ng umalis. May gagawin pa ako." Bastos man 'yun para sa kausap niya, wala namang pakialam si Xian. Gusto niyang mapag-isa.
"Hindi ko sinasadyang mabasa ang nakasulat sa notebook mo."
"Anong sabi mo?"
"Ibig kong sabihin, nakabuklat kasi 'yan kaya nabasa ko ang sinulat mo."
Pakiramdam ni Xian ay nag-iinit ang katawan niya dahil sa hiya. Ni minsan ay hindi niya naimagine na may makakabasa sa mga sinusulat niya. Ang tanga rin naman kasi niya at nahulog niya ang notebook niya at napulot pa ng schoolmate niya.
"Kaunti lang ang nabasa ko pero masasabi ko kaagad na maganda ang takbo ng sinusulat mong kwento."
"Huh?"
Sa gulat ni Xian ay napaharap siya sa lalaking kausap niya. Hindi niya maitago ang ngiti sa mukha niya dahil sa sinabi ng lalaki. Naglaho ang hiyang naramdaman niya. Hindi niya mapigilang matuwa dahil sa kauna-unang pagkakataon ay may pumuri sa sinulat niyang kwento. Ikwenento niya sa mga kaibigan niya na nagsusulat siya ng mga kwento pero tinawanan lang siya. Kaya natuwa siya nang may pumuri sa gawa niya.
"Seryoso ka?"
"Oo naman. Mukha ba akong nagbibiro?" Tanong pa ng kausap niya.
"Hindi naman. Naninibago lang ako na may pumuri sa akin. Salamat."
"Gusto mo, ako maging critique mo? Let me be your fan."
"Huh?"
"Puro nalang ba 'Huh?' ang sasabihin mo?" Natatawang tanong ng lalaki kaya napakamot si Xian sa ulo niya dahil nahiya siya. Hanggang sa narinig nila ang tunog ng bell na hudyat na tapos na ang lunch break.
"Balik na ako sa room ko." Tumayo na ang lalaki saka tinalikuran si Xian. Agad namang nilagay ni Xian ang laptop at notebook niya sa bag niya at sinundan ang lalaki.
"What's your name?" Tanong ni Xian sa lalaki. Lumingon naman ang lalaki kay Yohann saka ngumiti.
"Yohann na double 'n', HUMSS 11-A." Inextend ng lalaking kausap niya, na nagngangalang Yohann, ang kamay nito.
"Xian, HUMSS 11-B." Tinanggap ni Xian ang kamay ni Yohann saka nakipaghandshake.
At du'n nagsimula ang malalim na ugnayan nina Yohann at Xian sa isa't isa.
#
"Sa banda rito, pwedi mo namang gawing bagong talata 'to dahil mahaba na, saka iba naman ang topic kaya pwedi na 'tong ibaba." Tinuro ni Yohann ang screen ng laptop ni Xian ang parte ng sinusulat nito. Walang gana namang tumango si Xian saka naghikab kaya binato siya ni Yohann ng nakalakumos na papel.
YOU ARE READING
To Yohann (BxB) - Edited
Teen FictionLove confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes. Pero ang katorpehan ni Zacheous ang malaking hadlang sa gagawin niyang love confession. A girl caught her attention but he's coward enough...