Chapter 25: Secret Revealed
"Oyyy, hindi pala natin navideohan si Yohann nu'ng hinipan niya ang kandila." Sabi ni Brix habang pinupunasan ang pawis niya.
"Problema ba 'yun? Edi sindihan ulit natin." Sabi ni Liam at may kinuhang lighter saka sinindihan ulit ang 1 at 8 na mga kandila. Napabuntong-hininga naman si Yohann dahil sa mga kaibigan niya. Pahihipan na naman sa kaniya ang mga kandila. Labag sa loob siyang nagpahila kay Xian palapit sa dulo ng mesa kung saan nakalagay ang cake.
Kinuha ni Liam ang cellphone niya at tinapat ang camera sa pwesto ni Yohann na katabi sina Brix, Ryle at Xian.
"'Yung last lyrics lang ng kanta ang kantahin niyo." Sabi ni Liam at sinet up ang cellphone niya sa tripod.
"Ready na, rolling na ang camera. Nakavideo 'to." Sabi ni Liam at lumapit sa dulo ng mesa. Sa likod nila ay ang backdraft na denisign nila.
"Happy birthday to you." Kanta nilang lahat maliban kay Yohann. Yumuko si Yohann at muling hinipan ang mga kandila. Umayos siya ng tayo at naramdaman niyang may malagkit na bagay na dumampi sa pisngi niya. Hinawakan niya ang pisngi niya at nakita niya sa kamay niya ang icing.
"Xian - - -." Tawag niya kay Xian nang makitang may icing ang kamay nito pero bago pa niya ito mapagsabihan ay naramdaman ulit niyang may icing sa kabilang pisngi niya. Nilingon niya ang dalawang kaibigan pero tumakbo na ang dalawa papalayo sa kanila. Kita niya na puno ng icing ang mga palad ng kaibigan niya.
"Ahh, ganito pala ang gusto niyo." Kumuha rin siya ng icing at una niyang pinahiran ng icing ang mukha ni Xian. Hindi na umangal si Xian, sa halip ay tumawa lang siya at hinayaan si Yohann. Agad namang umalis si Ryle pero hindi siya nakatakas kina Liam at Brix, napuno rin ng icing ang mukha niya dahil sa ginawa ng dalawa pero hindi naman siya nagalit.
Patuloy lang silang lima sa paghahabulan sa loob ng room pero nag-iingat silang hindi masagi ang mesa. Hanggang sa napagod din sila katatakbo. Kinuha ni Xian ang tissue at binigyan ang mga kasama niya para may pamunas ito dahil sobrang lagkit ng mga kamay at mukha nila. Dinamihan niya ng kuha para sa sarili niya at para kay Yohann.
"Salamat." Sabi ni Yohann nang tanggapin niya ang tissue. Sinimulan niyang punasan ang mga kamay niya. Naunang natapos si Xian sa paglinis sa mga kamay at mga pisngi niya kaya sinimulan din niyang punasan ang icing sa mukha ni Yohann.
Ngumiti lang si Yohann sa ginawa ni Xian.
"Ahh, kailangan pala by pair ang pagpunas. Kaya pala tinatamad ako." Sabi ni Brix na ikinatawa ng iba.
"Baliw ka talaga. Pero mas iinggitin pa kita." Sabi ni Liam.
Natapos na si Yohann sa pagpupunas sa kamay niya at tapos na rin si Xian sa pagpupunas sa mukha ni Yohann. Kinuha niya ang ginamit nilang tissue at tinapon sa basurahan.
Nagulat naman si Yohann nang bigla siyang hilahin ni Liam pabalik sa cake.
"Ano na naman 'to?" Tanong ni Yohann sa dinami-dami ng pakulo ng mga kaibigan niya, hindi niya alam kung ano pang gagawin ng mga 'to.
"Hilahin mo 'yang HAPPY BIRTHDAY standee sa cake." Sabi ni Liam kay Yohann.
"Money cake?" Tanong ni Yohann.
"Basta, hilahin mo lang."
Narinig naman ni Xian ang sinabi ni Liam kaya agad siyang lumapit sa pwesto ng mga 'to.
"Teka, wala naman akong nirequest na gawing money cake ang order ko." Kunot-noong sabi ni Xian. Hindi naman talaga siya nag-order ng money cake. Ngumiti lang sina Brix at Liam. Kinuha ni Brix ang kamay ni Yohann at pinahawak sa standee. Hawak niya ang cellphone niya at kinunan ng video ang mangyayari.
YOU ARE READING
To Yohann (BxB) - Edited
Novela JuvenilLove confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes. Pero ang katorpehan ni Zacheous ang malaking hadlang sa gagawin niyang love confession. A girl caught her attention but he's coward enough...