Chapter 32: Graduation Celebration
"This year's HUMSS department class valedictorian, Mr. Yohann Villamarqueza, for his valedictory speech." Agad na nagpalakpakan ang mga classmates at audiences nang banggitin ng MC ang pangalan ni Yohann.
Hindi naman mawala-wala ang ngiti ni Zacheous habang nakatingin kay Yohann nang tumayo ito at naglakad paakyat sa stage. Buong graduation ceremony ay na kay Yohann na ang atensyon niya. Kailanman ay hindi hinayaang mawala ito sa paningin niya. Kung pwedi lang sumigaw ay ginawa na niya pero ayaw niyang madistract si Yohann kaya nakontento siya sa pagpalakpak at pagngiti.
Tipid na ngumiti si Yohann nang tawagin ang pangalan niya. Tiningnan niya ang katabi niya nang sikuhin siya nito. Malawak ang ngiti ni Xian habang nakatingin sa kaniya.
"Akyat ka na." Sabi ni Xian. Ngumiti naman si Yohann at tumayo. Dahan-dahan siyang naglakad paakyat ng stage habang pinigilan ang kaba niya. Nang makatungtong na siya sa stage ay nakita niya kung gaano karami ang nasa gym.
"Go Yohann! Kaibigan ko 'yan!" Sigaw ni Brix habang pumapalakpak. Agad din namang hinila ito paupo ng katabi.
Huminga nang malalim si Yohann saka ngumiti at sinimulan ang speech niya.
Tahimik namang nakatingin si Zacheous kay Yohann habang pinapakinggan ang speech nito. Hindi niya mapigilan ang tuwa at pagkaproud na nararamdaman niya kay Yohann lalo na habang tinitingnan niya ang mga medal at ribbon sa toga nito. Nakita niya kung paano nito nalagpasan ang problema nilang dalawa. Dalawang linggo na ang lumipas simula nu'ng nangyari at sa loob ng mga araw na 'yun, nakita niyang naging seryoso si Yohann sa paghahanda para sa graduation.
Hindi niya ito nakitaan ng pagkalungkot sa nangyari. Alam ni Zacheous na magaling magtago si Yohann ng mga problema. Kailanman ay hindi niya na ito sinubukang lapitan at nakontento nalang sa pagtingin kay Yohann mula sa malayo kagaya nu'ng sinusundan palang niya si Yohanne.
Hindi rin magawang tawagan ni Zacheous si Yohann dahil nagbago na raw ito ng number simula nu'ng nasira ang cellphone nito. Pinipigilan niya ang sarili niya na hingin ang number nito mula kay Yohanne, kay Xian at sa mga kaibigan ni Yohann.
Parang naputulan ng hininga si Zacheous nang biglang mapatingin si Yohann sa kaniya habang nagsasalita. Hindi niya inaasahan na makikita siya ni Yohann sa rami ng tao sa gym.
"I also wanna express my gratitude to the people who let me experience pain, for it became my strength." Sinabi 'yun ni Yohann habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Zacheous.
Naibuga ni Zacheous ang hangin na pinigilan niya nang umiwas na ng tingin si Yohann sa kaniya.
"The pain made me realize that I am strong enough to overcome it. I can say that being in your lowest point, there are still people who will lend their ears and times for you. It can be your family, your friends, classmates, teachers and the people you didn't know that eventually still cares for you."
Nasaktan si Zacheous sa mga sinasabi ni Yohann dahil pakiramdam niya ay siya ang pinapatamaan nito pero mas nasaktan siya nang makitang si Xian ang tiningnan ni Yohann sa mga huling sinabi nito. Nakita niya kung paano nginitian ni Yohann si Xian.
"I only have few friends because of my introverted personality but it doesn't make me stop meeting new people. I unexpectedly participated in a play even I don't have the perfect ability but thank you for the people who trusted me. Thank you for the teachers who guided me. Thank you for those schoolmates who understand me and thank you classmates for the years we spent together even if we rarely talked to each other. Thank you for being part of my success and for striving hard so we can all graduate completely. Fighting my dear classmates and see you in the future. Thank you and God bless us all."
YOU ARE READING
To Yohann (BxB) - Edited
Teen FictionLove confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes. Pero ang katorpehan ni Zacheous ang malaking hadlang sa gagawin niyang love confession. A girl caught her attention but he's coward enough...