Chapter 30: Important Matters
"Yohann, come here. Breakfast is ready." Tawag ni Markus kay Yohann nang makita niya itong naglakad papunta sa dining area. Napatigil naman si Yohann sa papunta sana sa dirty kitchen dahil sa papa niya.
Ngumiti si Markus at tinuro ang upuan na kaharap ni Yohanne. Saglit na tumigil si Yohanne sa pagkain at hinarap si Yohann. Nang makita niyang tumingin si Yohann sa kaniya, nginitian niya ito pero nanatili lang na seryoso ang mukha ni Yohann.
Naglakad na si Yohann sa upuan at nagsimulang kumain. Panay naman ang tingin ni Yohanne sa kaharap niya. Hindi niya alam pero biglang naging mailap si Yohann sa kaniya. Nagsimula 'yun nooong sagutin niya si Zacheous na isang buwan na rin ang nakalipas. Parang nagkaroon ng gap ang closeness nilang dalawa. Gusto niya itong tanungin pero laging umiiwas si Yohann.
Pati sa school ay hindi na sila masyadong nagpapansinan. Lalo na kapag kasama ni Yohanne si Zacheous at kapag nakita sila ni Yohann, si Yohann ang unang mag-iiwas ng tingin at maglalakad palayo. Alam naman niya na may blessing ang relasyon nilang dalawa ni Zacheous ni Yohann pero pakiramdam niya ay pati rin sina Yohann at Zacheous ay hindi na rin nagpapansinan.
"Did something happen to both you?" Tanong ng papa nila na kanina pa napapansin na sobrang tahimik ng mga anak niya. Hindi pinansin ni Yohann ang papa niya at nagpatuloy lang sa pagkain kaya si Yohanne na ang sumagot.
"Wala naman Pa." Sagot ni Yohanne at tinanguan ang papa niya. Tumango naman si Markus kahit hindi siya kumbinsedo sa sagot ni Yohanne.
"Oh, by the way Yohanne. Why don't you invite Zacheous to our house? Hindi pa siya nakapunta rito simula noong sagutin mo siya."
Naging mabagal ang pagnguya ni Yohann sa pagkain niya nang marinig ang sinabi ng papa niya. Nanatili lang siyang nakayuko para hindi makita ni Yohanne ang mukha niya.
"Sure Pa."
"Good, invite him for lunch today."
"Okay po. Tatawagan ko po siya mamaya."
"Tapos na po akong kumain." Nilapag ni Yohann ang mga kubyertos niya at uminom ng tubig.
"Teka, ang bilis mo yatang natapos." Sabi ni Markus at tumingin sa plato ni Yohann na kaunti palang ang nabawas.
"Salamat po sa pagkain." Sabi ni Yohann sa papa niya at sandaling tiningnan si Yohanne. Tumayo na siya at nagsimulang maglakad. Nadaanan niya ang kasambahay at kinausap ito.
"Manang, kung sakaling may maghanap sa akin, pakisabi nalang po na busy ako." Sabi niya.
"Okay po Sir Yohann."
"Salamat manang." Naglakad na si Yohann at umakyat sa 2nd floor. Dumiretso siya sa kwarto at naisipan niyang magkulong buong araw. Sinabi niya 'yun sa kasambahay dahil may hula siya na hahanapin siya ni Zacheous lalo na't papunta ito sa bahay nila.
Isang buwan na niyang pinipigilan ang sarili niya na lapitan o kontakin man lang si Zacheous at sa isang buwan ring 'yun, hindi rin naman siya kinokontak ni Zacheous. Iniiwasan din niyang maglapit silang dalawa lalo na't kalat na sa school nila na sinagot na ni Yohanne si Zacheous. Ayaw lang ni Yohann ng gulo.
Pero hindi niya maiwasang mapaisip kung sakali ngang sinabi niya kay Yohanne kung anong meron sa kanila ni Zacheous kahit pa na magalit si Yohanne sa kaniya. Siguro hindi siya gaanong malungkot kagaya ng nararanasan niya ngayon.
#
("Hi Z.")
"Yohanne, good morning."
("Pweding pumunta ka sa bahay ngayon?")
YOU ARE READING
To Yohann (BxB) - Edited
Teen FictionLove confession is the most romantic way a person can show his/her affection towards the person he/she likes. Pero ang katorpehan ni Zacheous ang malaking hadlang sa gagawin niyang love confession. A girl caught her attention but he's coward enough...