Chapter 22: Calls

47 4 0
                                    

Chapter 22: Calls

"Heeeep!" Agad na napatigil sa paglalakad si Xian nang biglang humarang sa dinadaanan niya sina Brix at Liam. Malawak ang ngiti ng dalawa habang nakataas pa ang mga braso nito sa mga gilid nila.

"Bakit?" Tanong niya sa dalawa. Nilagay naman ni Brix ang mga kamay niya sa bulsa ng slacks habang si Liam ay lumapit kay Xian at hinawakan ang balikat nito.

"Alam mo naman kung anong ganap 12 days mula ngayon 'di ba?" Nakangiting tanong ni Liam. Kumunot naman ang noo ni Xian at nag-isip kung anong date ba ang tinutukoy ni Liam. Nang nalaman niya kung anong meron sa araw na 'yun, agad siyang ngumiti at tumango.

"Oo naman, bakit? May plano ba kayo?" Tanong niya sa dalawa.

"Bakit kami ang tinatanong mo? Ikaw dapat ang tatanungin namin. May plano ka ba?" Makahulugang tanong ni Brix. Agad namang napangiti si Xian sa tanong ni Brix.

"Let's see what I can do. Basta may gagawin ako, dapat kayo rin. Sabihin niyo nalang sa akin kung anong final para mainsert ko 'yung sa akin."

"Nice nice. Sige, mauna na kami sa 'yo." Tinanguan lang ni Xian nang magpaalam ang dalawa. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa umiba ito ng daan at hindi na niya nakita. Nagsimula na rin siyang maglakad habang nag-iisip ng plano para sa pinag-uusapan nila nina Brix at Liam.

"Oyy, parang ang lalim ng iniisip mo hah." Nilingon ni Xian ang katabi niyang si Yohanne nang bigla itong nagsalita. Hindi niya alam na kasabay na pala niya itong naglakad papunta sa room nila. Awkward naman na ngumiti si Xian at nagdadalawang-isip kung sasabihin ba niya kay Yohanne kung anong nasa isip niya.

"Medyo may iniisip lang ako."

"Care to share?" Pangungulit pa ni Yohanne. Napabuntong-hininga naman si Xian at hinarap si Yohanne. Tumigil silang dalawa sa paglalakad. Naisip ni Xian na tamang desisyon na sabihin niya kay Yohanne kung anong nasa isip niya dahil baka matulungan siya nito.

"Yohanne, anong magandang iregalo?" Diretsong tanong Xian kay Yohanne. Hindi naman maitago ni Yohanne ang gulat niya sa tanong ni Xian pero agad din 'yung napalitan ng isang ngiti.

"You did a great job asking that question to me. You asked the right person. Ano bang klaseng regalo? Apology gift? Anniversary gift? Birthday gift?"

Agad ding napangiti si Xian sa reaksyon ni Yohanne. Tama nga ang naging desisyon niya.

#

"Ayusin niyo muna ang gown ni Yohanne. Nakataas ang left side ng gown. Pakiayos din ang ribbon sa harap." Agad na lumapit ang ilang stylists sa pwesto ni Yohanne. Nakatayo siya sa harap ng isang violet and yellow backdraft design na pinapalibutan ng mga balloons. Kinukunan siya ng pictures para sa nalalapit na 18th birthday niya.

Nasa garden lang ng bahay ang set up ng photoshoot. Tahimik naman na nakaupo si Yohann sa coffee table habang nakaharap sa laptop niya. Ginagawa niya ang design para sa debut invitation ni Yohanne. Mas pinili niyang du'n gumawa para madaling matanong kay Yohanne kung may gusto itong changes. Siya na rin mismo ang gagawa sa flow ng program. Ang kailangan lang niya ay ang listahan ni Yohanne sa mga 18 stuffs niya.

Habang nag-eedit siya ng mga pictures, biglang lumapit si Yohanne sa kaniya. Kasama nito ang isang stylist na pinapayungan siya dahil medyo maaraw sa mga oras na 'yun.

"Salamat ate."

"Walang anuman Miss Yohanne." Sabi ng stylist at muling bumalik sa set up. Umupo naman si Yohanne sa tabi ni Yohann.

"Nakakapagod ngumiti." Parang nanlalata si Yohanne nang isandal niya ang likod niya. Binigyan muna siya ng break ng photographer. Asar naman na ngumiti si Yohann sa kaniya.

To Yohann (BxB) - EditedWhere stories live. Discover now