THEIR 'DEAR' FRIEND

57 1 0
                                    


This innocence is brilliant, I hope that it will stay (it's so beautiful, it's so beautiful)This moment is perfect, please don't go awayI need you now, it makes me wanna cry And I'll hold on to it, don't you let it pass you by...

"Hey, guys. Wake up!" Sabi ni Emerson. Gumising kami, mga tulog pala kaming lahat. Hays. Kawawang driver. Tumingin ako sa bintana. Chowking?

"Hoy! Natutulog eh! " reklamo ni Jorom. Nakabusangot at nakatopless. Yuck! Ang Taba! 

"Bakit Chowking?" Tanong ni Sam sabay kamot sa ulo. "Wala akong magagawa nandito na sila eh. " sabi ni Emerson. 

"Sino?" Tanong ni Sam. 

"Ayun oh!" Sabay turo ni Emerson sa Likod, Sasakyan ni Steven at Ni Junlloyd. Tapos tinignan namin yung Clear Window ng Chowking. Nakita ko si Steven, kumakain na sila. Habang nakangiting kumakaway samin si Steven, "Hala, di manlang naghintay, Kumakain na sila. " Reklamo ni KC .

Nagsipagbabaan kaming Lahat tapos pinuntahan namin sila. Aba!? 

Mga Tapos na kumain. "Hey! Wassup classmates!? " sabay bati samin ni Gab. Ang cute talaga kapag si Gab yung bumabati nun, Parang maangas na tambay sa kanto.

"Oy! Kain na kayo." Alok samin ni Berna. Nagsipag upo na kami at at hinayaan na namin na si Leonnox at Nicole na ang nag order. Tahimik lang kaming nakaupo.

"Uhm, Emerson? Malayo pa ba tayo?" Pagbubukas ko sa usapan. "Sabi sa navigation ng sasakyan kanina meron pa tayong halos dalawang oras na biyahedepende pa yun kung traffic." Sagot naman ni Emerson,Tumanhi nalang ako.

"Sam, diba may kakilala ka sa Batangas?" Tanong ni KC.

  "Oo,Kaso sa Bauan yung Lugar nila." Sagot naman ni Sam. 

"Okay yun, Sabihin mo sa kakilala na kapag nagpunta tayo sa Bauan igala tayo," suwestiyon naman ni Rannie .

"Oo. Di ko pa nga nasasabihan yun na pupunta tayo ngayon. " sabi ni Sam 

"Oh, edi itext mo na. " Singit naman ni Emerson. 

"Tama, tapos may kakilaka din ako sa Bauan, ichachat ko nalang siya mamaya. Ipapakilala ko sa inyo mga katropa ko na taga-Batangas" Sabi Ni JM.

"Huh? Pano ka naman nagkaroon ng kakilala dun?" Tanong kong nagtataka. "Ganoon talaga kapag online gamer, Janelle. Famous!" sabi sakin ni JM. Tapos winave niya pa sa akin yung kamay niya na parang nagyayabang.

Maya maya pa bumalik na sina Nicole at Leonnox, kasunod yung staff na may dala ng pagkain namin. Syempre yung akin Chao Fan with Siomai na may saw-sawan na maanghang ^______^

"Ano pinaguusapan niyo?" Tanong ni Nicole. "Ah. Kung may kakilala ba sila sa Batangas." Sagot ko. "Eh sino yung mga kakilala mo sa Batangas JM? "Tanong ulit ni Nicole. Nag-isip muna siya.

"Uhm, Si Mark, Christian, Camille, Pati si..."

"Sino si Camille? Ikaw ah! " Putol sa Sinabi ni JM sabay Tukso sa kanya ni Alfrancis. 

"Gago!" Sabi ni JM kay Alfrancis sabay kain ng Lauriat. 

"Sino na JM yung kakilala mo?" Sabi naman ni Sam habang humihigop ng Wanton Mami.

"Ah. Si Vruce.." papagpapatuloy niya sa Kuwento niya.

----

*Yung Lyrics above,Title nun Innocence by Avril Lavigne. :)

MUTUAL UNDERSTANDING(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon