"Nako, JM mababait ba yang mga Tropa mo?" Tanong naman ni Nicole.
"Syempre,Pero maloloko sila. " sagot ni JM.
Nag-kwentuhan lang kami ng mga bagay na kung ano-ano, lalo na yung mga bagay na gagawin namin pagdating sa Batangas.
Matapos namin kumain nang sabay-sabay, nagpahinga muna kami panandalian.
Lumabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin, sa totoo nga lang di naman sariwa dahil sa polusyon.
Binuksan ko muna yung cellphone ko para makinig ng music.
[1 Unread Message]
Binuksan ko ito.
Galing kay Carlo. Ex ko, binasa ko yung laman ng message.
[Hi? Mag- iingat kayo sa biyahe niyo ah? Kahit kakaalis niyo palang Namimiss na agad kita]
Iiihhh. Bwisit! Nagpaparamdam parin sa akin!? Kapal ng mukha! At tsaka pano niya nalaman na umalis kami!?
Di ko sya nireplyan,
Bahala siya sa buhay niya! Sabi ng Isang bahagi ng isip ko.
"Nelle!?" Tawag sakin ni Alvin.
"Bakit?" Tanong ko rito.
"Aalis na tayo. Tara!" Aya sakin ni Alvin. Sumunod naman ako at sumakay sa sasakyan.
"Be? Anong nangyari sayo?" Tanong sakin ni Sam.
"Wala..." yun lang sinagot ko, "Si Carlo nanaman ba?" Tanong niya sakin.
"No! Bakit naman ako malulungkot sakanya?.. Tss." Denying it to her .Kundi makakatikim nanaman si Carlo ng mga sermon galing kay Sam.
But I can't blame her, nakita niya lahat ng pinagdaanan ko kasama si Carlo.
Three years and a half yung naging relasyon namin ni Carlo: It started with, us being unofficial for 1 year, then we started going out and we told our friends that we are official, we planned our future and our dreams together. Then our relationship hit rock bottom, the only thing that is left is regret.
Kapag naalala ko yung mga memories ko kay Carlo, lalo na yung mga panahon na minumura niya ako, di ko mapigilang hindi maluha.
Habang nagi-scroll ako sa phone ko para humanap ng kantang babagay sa pagda-drama ko, bigla nalang tumulo yung luha ko.
Masyadong sensitive ang phone ko, kaya nung bumagsak ang luha ko sa screen ng phone ko, it played All of the Stars by Ed Sheeran.
"Ano ba yan be, oara kang tanga! Iiwan mo tapos iiyak ka? " Inis na mukha na sabi ni Sam sakin.
Bigla namang Lumingon si KC sa direksyon ko, "Oh be? Ba't ka umiiyak?" Tanong sakin ni KC.
"Wala, Hahahah. Tinetest ko lang yung sensitivity ng cellphone ko. Kahit pala luha kayang magtouch nito! " tapos inalog-alog ko yung cellphone para di na lumaki ang usapan.
"Sa laki ng noo ni KC, nasagap pa yung pinaguusapan natin, parang cable." Bulong ni Sam. Natawa naman ako, "Nako, Baliw ka na be, Iiyak tapos tatawa." Umiling nalang ito tapos umayos ng upo.
Tiningnan ko si Sam, umiling-iling lang ito, tapos tumingin nalang ako sa bintana habang nagpe-play yung kanta, naalala ko nanaman kung pano kami naghiwalay. Nakakainis!
-----
BINABASA MO ANG
MUTUAL UNDERSTANDING(Short Story)
Novela Juvenil"Wala akong karapatan" Oo, kapag sinasabi ng utak ko yan di ko mapigilang malungkot kasi wala akong karapatang magselos, magalit at pagbawalan siya sa mga ginagawa niya na nagdudulot sa akin ng sakit. I'm just a tiny piece for his happiness, like...