LOGIC

19 0 0
                                    

-

Huh! Makabawi lang talaga ako sayo mamaya !? Leche 'tong Vruce na to. Feeling close? Mabulunan ka sana sa pagkain mo.

Yan ang sabi ng Isipan ko. Grabe, sa harap talaga ng hapagkainan? He didn't need to tell everyone that. Nakakakinis. Pagtitripan nanaman ako nito nila Nicole.

Tinignan ko si Vruce habang kumakain siya, tapos tinignan niya rin ako. Nginitian niya lang ako, nginitian ko din sya pabalik.

Ngingiti ngiti ka pa jan? Kung alam mo lang na kanina pa kita kinakatay sa isipan ko! 

Nilalabas talaga ni Vruce ang demonyong side ko, kala ko si Carlo lang ang may kaya.

Nagulat naman ako nung sikuhin ako ni Sam na nasa gilid ko, "Durog na yung baboy oh? Gigil na gigil ka jan" Pag puna ni Sam

Napatingin ako sa pork steak sa plato ko. Oo nga noh?

"Oh may Logic daw si Aljohn!" Sabi ni Steven.

"Ano yun?" Tanong ni Shobe. Napatingin naman kaming lahat kay Aljohn.

"Sige ang makasagot may 500"  sabay wagayway ng 500 galing sa bulsa niya "Eto. May ibon, puno, uuilding at airplane..." napatango naman kami. 

"Anong mas mataas sa apat?" Pagpapatuloy ni Aljohn. Natahimik naman kami at parang pinagiisipan ang Sagot.

"Eroplano" sagot ni Sam.

"Ibon?" Di siguradong sagot ni Shobe.

Umiling lang si Aljohn. 

"Kayo alam niyo? " tanong ni Aljohn sa Grupo nila Vruce. Tumango naman sila Neo ,Christian at Vruce tapos ngumiti lang si Migz.

 Huh? Alam ba nila sagot?

Wala pa ring sumasagot sa tanong. Sinipa ko yung paa ni Vruce , madali lang sakin yun kasi nasa harap ko siya. Napatingin naman siya sakin.

"Anong sagot? " tanong ko sakanya na halos pagbuka lang ng bibig ko. Ngumiti lang siya. Tapos tinuro yung pisngi niya. Yung parang nangangahulugang 'Kiss muna'

Nung nakuha ko ibig niyang sabihin sinipa ko ule yung paa niya. Pero this time, mas malakas "Fvck!" He murmured.

"Okay ka lang?" Tanong sa kanya ni Christian. Tumingin naman siya sakin, pero nginitian ko lang.

"Ano? Walang makakasagot?" Tanong ni Aljohn. "Lima." Sagot ni Vruce. Yung wala manlang kagana gana. "Yon! Meron pala eh. " sigaw ni Aljohn. Halo halong reaksyon ang nangibabaw sa Dinning Room. "Boriing mo! Boooooo!" Pang babash ni Jorom

"Oh meron pa... " sabi naman ni Jm. "Mary's Mother has 5 Daughter. Lala, Lele, Lili, Lolo. Sino yung isa? " pagpapatuloy ni Jm.

"Si Lulu?" Sagot ni Glyssa.

"Eh,Di' si Mary."

Sagot ko. Teka may kasabay ako?

"Yes naman. Magkasabay pa kayo ni Vruce. " sabi ni Ryan. "Pwede ba?" Tinarayan ko lang si Ryan. Tapos tinaas niya ang dalawang kamay niya.

Lumapit si JM kay Vruce tapos inakbayan niya to. "Pre, single na yan si Janelle,  at tsaka broken hearted yan, kaya irereto kita jan. Ligawan mo na. " kunyaring bulong ni JM, Pero rinig naman naming lahat.

"Ba't ako? Ako lang ba single dito? Ayan, Si Sam." Sabay turo ko kay Sam. 

"Uh! Ayoko. Wala akong balak, mag mamadre ako. Ayan, si KC?" Saby turo naman ni Sam Kay Kc. 

"Luh? Bat ako? Ayoko. " tanggi naman ni Kc.

"Awwww. Inaayawan ka nila, men." Tinapik siya ni Migz na nasa Gilid niya. Tapos umiling iling naman si Vruce na nilagay yung kamay niya sa dibdib niya na kunyaring nasasaktan. Arte!

Nagsipagtawanan naman silang lahat nung makita ang Medyo Cute na Ekspresyon na yun ni Vruce.

Bigla nalang nagVibrate ang Cellphone ko,Kinuha ko ito at May One Message. Galing kay.... Ugh. Carlo.

Binuksan ko ang message.


[Message from Carlo]

[Janelle, this is Carlo's brother, Jeff. I wanted to let you to know that Carlo has been drinking for the past days and I have no idea why. Kakagaling lang namin sa Presinto. Nakipag-suntukan siya sa bar, he kept on calling your name. Please come and meet him. I cant handle him anymore]

Naglalasing si Carlo? Eh di naman yun umiinom. I sighed heavily. 

I tried my best para magmukhang wala akong pakialam, pero deep inside sobrang nag-aalala ako. Parang anytime, gusto kong bumalik ng Manila at kamustahin si Carlo. But I have to be strong.

[Sorry, but I'm on vacation right now. I'll just meet him after this week] 

Sent!

Matapos ang isang maingay na kainan, nagpasya ako na umakyat muna sa rooftop. Kitang kita ko ang kintab ng tubig dagat at ang kabuuan ng resort. Kapayapaan ang nararamdaman ko sa puso, walang bagabag na nararamdaman. I needed this kind of peace. 

Naaawa ako kay Carlo pero mas naawa ako sa sarili ko kapag naaalala ko yung mga ginawa nya sa akin. 

Argh. Naiiyak nanaman ako!

"Alam mo ba kung ano yung sinabi ng isang kilay nung magsalubong sila ng isa pang kilay?"

Nagulat ako nung may magsalita mula sa likod ko. Kala ko si Carlo, kaya napalingon ako. Nakita ko ang nakangising si Vruce

--

MUTUAL UNDERSTANDING(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon