-
"Tangina naman Janelle! Sumagot ka naman kapag kinakausap kita!" Galit na tono ni Carlo.
"Bakit ba!? Pag ikaw ba kinakausap ko sumasagot ka? Ni hindi nga kita makausap ng maayos eh! " pabalik na sigaw ko sakanya.
"Janelle, ayusin na kase natin to'" biglang naging malambot yung boses niya at parang nagmamakaawa.
"Ayusin? Ganun lang naman talaga kadali sayo yun eh, pagkatapos mo kong ipahiya sa mga kaibigan mo? " sabi ko na halos maiyak iyak na.
"Biro lang naman yun eh" sabi niya tapos hinawakan niya ko sa Balikat pero inalis ko rin to' "Kahit na biro pa yun o hindi? Pinahiya mo ko! Uutus-utusan mo lang ako na parang katulong mo!? Ikukuha kita ng pagkain tapos ano pang sasabihin mo? Oy! Bilisan mo nga!" I mimicked his Voice.
"Ano nalang sasabihin ng mga taong hindi alam na may relasyon tayo? Ano akala nila sakin alipin mo? " sa sobrang inis ko nahampas ko yung center-table dahilan para tumagilid ang salamin nito at nabasag. Tiningnan lang ito ni Carlo.
"Kung hindi mo ko kayang galangin bilang Girlfriend mo, respetuhin mo naman ako bilang babae, Carlo! " Sigaw ko at halos mapatid na ang litid ko sa kakasigaw.
Lumapit siya sakin tapos hinawakan ang Right Hand ko. "Babe! Please, Sorry na. Hindi ko na uulitin yun. Promise!" Malambing na sabi niya, pero hindi ko siya tinitigan.
"Gusto ko munang magpahinga Carlo," finally!
"Anong ibig mong sabihin? " Walang ekspresyon yung mukha niya pagkasabi ko nun. Di ko muna siya sinagot.
Ikinulong niya ang mga pisngi ko sa palad niya. "Please, tell me!" Sabi niya, Nanginginig yung mga kamay niya at nanlalamig nagpapasma rin ito.
Humugot muna ako ng malalim na hininga. "May mga bagay na madaling simulan pero mahirap tapusin...." I pause for a second.
" At itong relasyon natin Carlo ang bagay na yun..." as i continue. Dahan-dahan niya inialis ang mga kamay niya sa mukha ko. "What do you mean by that?" Tanong niyang nanginginig ang boses.
Tinalikuran ko siya, "I dont understand our relationship, sometimes we're friends, sometimes we're more than friends, most of the time, Im just a stranger to you..."
"Janelle.."
Lalabas na sana ako, di ko na kayang tumagal dito sa lugar niya. Gusto ko munang magpahinga, nakakapagod ng magpakatanga.
Pero hindi pa ako nakakalapit sa pinto nang magsalita siya.
"Ano!? Iiwan mo na ako Janelle? You're breaking up with me!? Are you!?" Di ko siya sinagot. I know he knew that silence means yes.
Nagulat ako nung tumawa siya. "You know what? That's bullshit!" sabi niya and he chuckled.
"It's never too late-- never too late to start over and never too late to be happy, I wont leave you because i can't. I'm leaving you because i need to.. but it doesn't mean that i never loved you. I have always loved you...I just need some time for myself. " sabi ko na nagangatal yung boses
"Sa loob ng tatlong taong relasyon natin binigay ko lahat! May kulang pa ba Janelle? Ano ibibigay ko sayo!" sabi niya na nakapag patulo na ng luha ko. Ayoko na gusto ko ng umalis!
"Im not looking for someone who has everything. Im simply looking for someone who could sacrifice their time and spend it with me". Mahinahon na sabi ko.
" Time, Carlo. Yung kulang, effort and time, Hindi lahat madadaan mo sa kung anong gwapo at yaman na meron ka. " sabi ko, tiningnan ko siya sa mata,
Tangina! Ayokong titigan siya ng ganito, baka bawiin ko lahat ng sinabi ko at yakapin siya. He needs to learn from his mistake.
"I'm sorry for treating you like a nobody, you're my Girlfriend and I'm lucky to have you!" Napaluhod nalang siya sa harap ko habang may hikbi sa mga salita niya.
This time tinalikuran ko na siya, this is the right thing to do. Binuksan ko na ang pinto.
"If I treated you the way you treated me, you would hate me" and i left.
----
BINABASA MO ANG
MUTUAL UNDERSTANDING(Short Story)
Novela Juvenil"Wala akong karapatan" Oo, kapag sinasabi ng utak ko yan di ko mapigilang malungkot kasi wala akong karapatang magselos, magalit at pagbawalan siya sa mga ginagawa niya na nagdudulot sa akin ng sakit. I'm just a tiny piece for his happiness, like...