NANG DAHIL SA GAMOT

29 0 0
                                    

-

"Be? Labas muna ako ah? Kunin ko lang phone ko sa room. Baka nag te-text na sa akin si babe" Paalam sakin ni Sam. "Sige be. " sabi. Tapos ramdam ko na lumabas na ng banyo si Sam.

Malamang nandito parin ako sa banyo, Grabe talaga? Siguro dahil to sa kinain ko kanina? Inaantok pa ako wala pa kong tulog dahil umalingawngaw ang boses ni Steven kanina. Napag-pasyahan ko na di muna ako mag su-swimming ngayon.

*prrrrttttt! *

Argh. Buti nalang ako lang tao dito sa banyo. Mas mabuti ng dito nalang ako.  Sunod sunod yung pag utot ko. Grabe ano ba to? Purorot? Puro hangin yung tiyan ko.

"Argh! Ano ba! Ayoko na! " sigaw ko sa Sarili ko, Nanghihina na ko.

"Miss?"

Nagulat ako nung biglang may boses ng lalaki ang nagsalita.

*tok* *tok* tok*

Nagulat ako. Puta, mag pag-katok pa

"Miss? Okay ka lang ba jan? "

Nako po! Ano ba yan? Nakakahiya! Teka bakit may lalaki dito? Lady's room to ah?

"Sino ka? Bakit ka pumasok dito?" Tanong ko na medyo nagtataka. "Ah? Galing akong kabilang banyo, narinig kase kita na sumisigaw eh. Akala ko kung napano ka." Sagot niya.

"Ha? Okay lang ako. Makakalabas ka--- "

*prrrrrrtttt* Omg! Nakakahiya.

"Sa tingin ko Miss hindi ka okay. " i heard him Chuckled. Aba? Makatawa ha? "Ha-eh? Sa tingin ko nga rin?" Sagot ko. Tumawa siya ule. Argh. Ayoko na talaga!  Pisti!

"Miss mukhang Kailangan mo ata ng gamot, teka Lang. Ikukuha kita. " sabi niya,Tapos narinig ko yung mga hakbang nigang papalayo. Napakagat nalang ako sa Daliri ko. "Uy! Ano!? Wag na! " sigaw ko. Pero mukhang hindi niya ako narinig.

Agad agad akong naglinis, sinigurado kong malinis ang toilet bowl. Tapos agad akong tumakbo papasok ng Kuwarto namin. Pero nasalubong ko si Sam paglabas ko ng Banyo.

"Okay ka na? " tanong nito sakin. Sinabi ko lang na Oo tapos agad na akong dumiretso sa kwarto.

Sam's Point of View

Aba? Inisnob lang ako nitong babaeng to ah? Anong nangyari dun? Susundan ko sana si Janelle nang may tumawag sakin.

"Miss!? Okay ka na?" Nagulat ako sa tanong ng lalakeng matangkad, matangos ang ilong, may dimples pero di ganun kaputian.

"Huh? " napanganga nalang ako. "Eto na oh, inumin mo" Inabutan niya ako ng gamot at tubig. Tapos nginitian ako, shit. Hindi siya ganun kagwapo pero may panama yung mga ngiti niya kase malalim yung dimples niya grabe.

 "Sige na, Miss! Inumin mo na." Sabi niya
"Ha? Ano..Hindi----"  awat ko sakanya

"Sige na. Awang awa na ko sayo eh. " sabi niya, tapos inabot niya yung kamay ko at sapilitang pinainim sakin yung gamot. Yuck! Teka! 

"Ayan! Nainom mo na. " sabi niya nung nainom ko yung gamot.

"A---" puta droga ata to!? Adik ata to.

"Mukhang nailabas mo na lahat ng kinain mo ah? Sobrang payat mo eh! " putol niya sa sasabihin ko. Tumawa siya. Aba!? Nakakaubos 'to ng pasensya ah. Una pinainom ako ng Gamot tapos ngayon Aasarin niya ko?

"Hoy! Sino ka ba!? At pinainom mo ko ng gamot!? Mamaya may lason yan eh di namatay pa ako? At tsaka hindi ako yung may kailangan ng gamot na yan, yung Bestfriend ko!" Mataray na sabi ko sakanya.

"Eh bat di mo sinabi na hindi pala ikaw yun?" Tanong niya Sabay napakamot sa ulo. 

"Pano ako magsasalita eh kung magsasalita ako tsaka ka naman magsasalita para putulin yung sasabihin ko?" Sabi ko tapos pinaglandas ko yung mga braso ko.

"Uhm. Sorry? Nasan ba yung kaibigan mo? Kukuhanan ko nalang siya ulit ng gamot. " sabi niya na nakangisi. 

"Wag na! Ako nalang. Kainis to! Pinainom pa ko ng Gamot! " sabi ko. Sabay kinuha ko yung baso na hawak niya tapos nag lakad na padiretso.

Pero nilingon ko muna siya."Teka? Ano nga ba pangalan mo? " Tanong ko.

"Vruce." Sagot niya.  

Parang pangalan ng aso, tumango nalang ako sabay naglakad papuntang kwarto.

---
Grabe yung tadhana no? Lage nalang siyang binibitin!  Wag kayo mag-alala.  Next Chapter, Magkakakilala na sila.  Siguro? HAHAHAHA.

Basta Abangan niyo nalang. <3
   -Loveyouuu!  <3

MUTUAL UNDERSTANDING(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon