HIS JOKES

33 0 0
                                    


-

"Ba't ka nandito?" Tanong ko na may medyo pagkairita

"Di mo pa sinasagot yung tanong ko. " sabi niya. Habang naglalakad papalapit sakin. 

" Ano ba yon? " tanong ko na wlang kaganagana.

"Ano ang sinabi ng Isang kilay nung masalubong niya ang isa pang kilay? " Ulit nito. 

"Ano? " tanong ko without showing any interest. 

"Edi,  Eye-Brow!" sabi niya tapos itinaas taas ang kanyang kilay.

Instead na tumawa pumalakpak lang ako.

"Oh! Ngayon tanong ko naman sagutin mo." Sabi ko ng matapang na pananalita.

"Deal. Ano yun? Basta wag korni ah? " sabi niya na nakatayo sa gilid ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Why? Wait! Ikaw na ba ang may ari ng Resort na 'to? " sabi niya na umarte pa na kunyaring Nagulat.

"HA HA HA ! FUNNY! " Tumawa ako ng may halong kaplastikan. Mambubwisit ba to.

Umupo siya sa bench. Nag-iwan ng isang vacant seat sa pagitan namin, napataas naman ang kilay ko.

"Why? Assuming much? " Tanong nya sabay ngumisi. "

What!?" Tanong ko.

"Nag-assume ka ba na sa tabi mo ako uupo? " Linaw niya.

"Ofcourse not! I should be thankful" Sabi ko. Tapos tumawa siya. Yung tawang makulit na nakakahawa pero pinigilan ko sarili ko..

Tumigil siya sa pagtawa tapos naging Seryoso ang itsura niya. 

"Masakit parin? Hayaan mo mawawala din yan" Malungkot niyang tanong. Halos hindi ko maigalaw yung katawan ko nung itanong niya yun.

"Ha? Eh,Wala eh. Nasaktan na ko nang sobra, habang tumatagal nga nagiging immune na ko. Lalo na kapag nag-aaway kami? Grabe. Dati lagi ako humahagulhol, Pero ngayon? Natatawanan ko pa. Nanlamig na din kasi ako eh. Pero oo, sobrang sakit. Halos 4 Years ko siyang sinamba. Pangit pakinggan noh'? Parang inahabol habol ko siya?" Habang umiiyak ako, di ko mapigilan ang tumawa lalo na nung banggitin ko ang huling linya.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Nagulat ako nung bigla nalang din siya tumawa, Yung tawang halos mamatay na siya? Sana nga,Atleast wala akong kinalaman.

Naisip ko siya batuhin ng Marshmallow. 

Tapos huminto siya. "Ang sadista mo noh'? " sabi niya. Tapos kinain niya yung Marshmallow na nahulog sa gilid ng T-shirt niya. Aba okay!?

Nilapag ko yung plastic ng Marshmallow sa empty seat sa pagitan namin para makakuha pa siya kung gusto niya pa.

"Ba't ka ba kase tumawa?' Tanong ko na medyo inis. "Pano ba naman kase..." sabi niya tapos tumawa ulit. "Tinatanong ko kung masakit pa ba ang tiyan mo, hindi yung puso mo" tumawa siya ng tumawa.

"Walang nakakatawa. " sabi ko tapos magsimangot. 

"Okay" Sabi niya panandalian kaming natahimik.

"Alam mo ,Janelle? Right?..." nanigurado pa siya sa Pangalan ko. Tapos tumango lang ako. "Janelle,  ang ganda mo..." Napasinghap ako sa sinabi niya.

 Akala ko pa naman advice na. "Thank you" I mouthed. 

Tapos napataas naman isa niya kilay. Why? "Im not done yet" Sabi niya. Nag-baling nalang ako ng tingin sa beach, ramdam ko ang pagtingin niya din sa Beach at ang pag-ngisi niya.

"Ang ganda mo parang Treasure Chest na puno ng kayaman ." napatingin naman ako sa kanya at napahagikhik. "Ihhhh! Bakit naman? "  Tanong ko.

"Kasi yung ganda mo kailangan pa nilang hanapin"  Ay? Akala ko naman Kase yung ganda ko walang katumbas. Napasimangot nalang ako. 

"Thank you ha?"  Sabi ko na padabog na sumandal sa upuan.

"Pero bakit ganon?..." Sabi niya tapos parag nagtatakang tumingin sa langit. Tinitigan ko lang siya, nangingislap yung mata niya tapos lumalabas yung dimples niya. "... Kailangan pa nilang hanapin, samantalang kitang-kita ko naman yung ganda mo." Tinitigan niya ako, Eh? Saktong nakatitig din ako sakanya. 

#Awkward. Kaya ibinaling ko nalang ang tingin ko sa iba.

Inayos ko yung Sarili ko kase baka mamaya nasisislipan napala ako ng gagong to? O kaya nakikitaan nako? Pero wala naman.

Kumuha nalang ako ng marshmallow pero kamay niya yung nahawakan ko kase nagkataong kukuha din sana siya ng marshmallow , Aalisin ko na sana yung kamay ko pero hinawakan niya 'to. Parang gago 'to!

 "Vruce... Anong trip mo...?" Fck!

 "Janelle? Naniniwala ka ba sa love at first sight? " Tinignan niya ko ng pinakaseryosong tingin niya siguro. 

"Hahahaha. Johnlloyd Cruz ikaw ba yan? " Idinaan ko nalang sa biro yung sinabi niya.  Geee! Yung tingin niya kase eh? Lalo na pag lumalabas yung dimples niya #NAKAKATANGA

Wait? Oy Jannelle? Wag mong sabihin na na fafall ka na jan? Wag ka ngang ano jan!? Nagpapadala ka masyado sa mga sinasabi niya! Magkakilala na ba talaga kayo? Diba kanina lang? Aba't Ang landi mo ah? Gumising ka nga!  Aba? 

Nasermonan pa ako ng Konsensya ko ah?

"Ano ka ba Vruce? Hahaha! Lakas ng tama mo ah? Nag-inuman ba kayo kanina? "  Tanong ko habang sinusubukn kong bawiin yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya, pero mas hinigpitan niya lang ang paghawak.

"Okay. Lets say I don't love you yet, but do you know the word crush? " Sabi niya, ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko, baka magpalpitate ako dito. Shet!  

Tumawa ako. "Ano ka ba? Ang Saltik mo! Hahaha! It doesn't exist "sabi ko habang tumatawa.

"Really? "  Sabi niya, natigil naman ako sa pagtawa nung Makita ko yung seryosong mukha niya, hawak hawak niya padin ang kamay ko .

Nagseryoso na rin ako. "Forever doesn't exist, nothing exists forever. Kaya yang crush na yan? Mawawala din yan. "  Kasabay nun yung pag bitaw niya sa kamay ko. Naramdaan niya sigurong seryoso ako.

Matawa-tawang tumayo siya sa kinauupuan niya, Lumapit siya saakin at yumuko sa Harap ko na ikinagulat ko naman . Kaya na pasandal ako sa Upuan. "You don't know me well, piso nga iniingatan ko? Crush ko pa kaya sayo? Atsaka— "

"Jannelle!? Tara dun tayo sa pool, Nakaset na yung Videoke— Oy!? Ikaw!" Napapitlag ako nung marinig ko yung boses ni Sam. Tapos nakangiting tumayo ng Marahan si Vruce at dumistansya sakin.

Madali akong tumayo "Sam!"  bati ko sakanya na parang wala lang.

"Anong ginagawa mo sa kaibigan ko? " Akala ko namana y ako yung lalpitan niya, pero dalidali niyang nilapitan si Vruce. Agad kong hinila si Sam 

"Wala be! Ang Paranoid? Tara na baba na tayo.

Itinaas naman ni Vruce ang dalawang kamay niya na nagpapahiwatig na wala naman siyang ginagawa. Totoo naman.

"Ah? Sige na, baba na kami. Sunod ka nalang." Sabi ko, ngumiti lang siya at kinindatan lang ako. Napangiti naman ako.

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MUTUAL UNDERSTANDING(Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon