-
Janelle's Point of View
Habang nakabaluktot ako dito sa kama nagulat ako nung biglang pumasok si Sam ng nagdadabog. "Kyaaaah!-- Buwisit talaga! Nakakainis! " parang baliw siya na inaalog yung ulo niya tapos naupo sa Kama niya.
"Anong nangyari sayo?" Tanong ko.
Lumapit siya sakin tapos nag-abot ng Gamot at Tubig kaya naman umayos ako ng Upo.
"Eh pano ba naman kase. Si Vruce ba yun? pinainom ako ng gamot! " Sabi niyang nagdadabog
"Vruce? Sino naman yun?" Tanong ko, tapos humiga na ko ulit, pagkatapos kong inumin yung Gamot. Medyo okay na yung pakiramdam ko. Tulog nalang ang kulang.
Umupo sa tabi ko si Sam. "Basta? Di ko kilala. Basta sabi niya lang "Miss okay ka na ba?' Eto na yung gamot oh" pangagaya niya sa boses s ata nung Vruce.
"... kaya ayun! Di manlang ako nakapalag, nainom ko yung gamot na para sayo. " Dagdag niya. Sabay naalala ko yung Lalaki kanina sa banyo.
So, Vruce pala ang pangalan niya..
"Nakangiti ka jan? " tanong niya sakin. Napahawag ako sa bibig ko. Oo nga noh? Nakangiti nga ako. "Hahaha. Wala, siya pala yung lalaking pumasok kanina sa banyo na----"
"Ano!? Pumasok siya sa banyo!? Abat! Shet yun ah? Anong ginawa sayo!?" Exaggerated na tanong sakin ni Sam.
"Wait lang!? Di muna kase ako pinatapos! " sabi ko. "Sorry ha? Nag-aaalala lang naman" Sabi niya na may halong pangongonsesya sa Boses niya.
"Baliw ka kase, nag-alala lang din siya sakin kaya pumasok siya sa Banyo, pero hindi siya pumasok sa cubicle kung nasan ako" Sabi ko tapos tumango lang siya.
"Hay nako? Tumabi ka nga at matutulog muna ako. " sabi ko. Tapos nag ayos na ko ng higa.
"Anong ginagawa nila sa baba?" Tanong ko.
"Andun, Nags-swimming sila, mga atat sa tubig amp*ta " sabi ni Sam, tapos tumabi sakin.
"Sige na, matulog ka na muna. Sabihin ko nalang na wag ka muna nila gisingin." Malumanay na sabi ni Sam, tapos ipinikit ko na yung mata ko at natulog.
-----
NAGISING ako sa kalampag na naririnig ko sa kuwarto, dahan-dahan ko minulat ang mata ko. Naaninag ko ang dalawang taong may kinakalkal. Teka? Baka magnanakaw 'to! Nakatalikod silang dalawa at balot ng mga asul na kumot ang katawan. Akala ko nga mga multo.
"WAAAAAAHHHHH!"
Bigla silang napaharap sakin nung sumigaw ako at nagsipag tilian din sila.
"AAAAAHHHH!"
Ugh? Sila Steven at Si Rhoina lang pala.
"Anong ginagawa niyo!?" Sigaw ko sabay bato ko sakanila ng unan.
"Hinahanap lang namin yung bag ni Glyssa" Sabi naman ni Rhoina.
"Pagtitripan lang namin." Sabi naman ni Steven.
"JANELLE! "
Bigla naman pumasok sila Sam, JM , Aljohn, Leonnox, Jorom na may kagat na liempo, C.A at marami pa. Tapos may mga Kasam din silang di ko kilala.
"Wow! Ano yan? Justice League? Marvel? " sabi ni Steven. Tumawa naman si Rhoina.
"Anong nangyari?" Tanong ni Leonnox. "Wala, nagulat lang ako kila Steven. May kalokohan nanaman kasing gagawin eh" Sabi ko habang nakaupo parin sa kama at balot ng kumot.
"Akala kase namin walang tao, akala ko unan lang si Janelle eh, balot ng kumot." Paliwanag naman ni Rhoina.
"Ano ba yan? Halina kayo? Kain na tayo. Janelle 'nak kumain ka na." Aya sakin ni Nicole,Yung nanaynanayan ko. "Sige Nay! Sunod na ko, papalit lang ako ng damit. "
Tumango lang siya tapos umalis na din. Sumunod na din sila Steven..
Paglabas ko sa May Dinning Area halos nandun na ang Lahat nakaupo at kumakain.
"Oh Janelle! Kain ka na" Aya sakin ni Berna. Umupo na ko sa Pagitan ni Sam at Ni KC. Kaharap ko yung apat na lalaking tropa ni JM.
"Oh be ah? Wag na kakain ng kain pang Construction Worker, mamaya sumama nanaman ang tiyan mo niyan. Nakooo! " sabi sakin ni Sam. Nginitian ko lang siya. Tapos tumawa lang naman si KC.
"Oo nga pala! Janelle, Hindi mo pa sila kilala..." biglang tawag sakin ni Jm. Tapos nguso niya sa Apat na lalaking kaharap ko.
"Ipapakilala kita..Eto nga pala si Neo..." Sabi ni Jm. Tapos inabot ni Neo yung Kamay ko. Nakapag kamay din naman ako. Cute si Neo, Malaman nga lang."Si Christian... " Ganun din. Nakipag kamay lang din ako tapos nginitian. Payat si Christian at mukhang tahimik.
"Si Migz..." Ganun din. Si Migz naman mukhang basketball player. Matangkad siya at mukhang palabiro.
"At!..." inakbayan ni Jm ang huling lalaki. "...Ang aking Tropa, si Vruce." Ahhh!? Siya pala yun. Okay din ah. Payat pero malaman na di kaputian, moreno siya maitatawag. Matangos ang ilong at may dimples pa. Nakita ko yung dalawang malalim na dimples niya nung ngitian niya ko.
Inabot niya yung kamay ko ,tapos nakipag kamay. "Yan. Guys, Janelle nga pala. Classmate ko at Miss United Nation namin at siya din yung Campaign Manager ng Student Council. " Sabi ni JM. Grabe naman. Di naman niya kelangan sabihin yun. Nginitian ko nalang sila. Tapos bumalik na ule sa pagkain.
"Ikaw pala yung Nagpapasabog dun kanina sa Banyo ah? " nagulat ako nung nagsalita yung Vruce.
Tapos nagsipagtawanan yung mga kasamahan ko. Tunawa ako ng peke pero sa totoo lang gusto ko siyang hamapasin plato at ihawin.
Hiyang hiya na ko sayo kanina pa ah? Yari ka talaga sakin!
---
#MUBegins.
Ayan! Magkakilala na sila! #Harthart na kaya? Yiiii.
Abangan....
BINABASA MO ANG
MUTUAL UNDERSTANDING(Short Story)
Teen Fiction"Wala akong karapatan" Oo, kapag sinasabi ng utak ko yan di ko mapigilang malungkot kasi wala akong karapatang magselos, magalit at pagbawalan siya sa mga ginagawa niya na nagdudulot sa akin ng sakit. I'm just a tiny piece for his happiness, like...