Episode 4: Support

88 6 2
                                    

Episode 4: Support

3rd Person's Point of View

"Tulungan mo akong ligawan si Cristy" sabi ni Kenneth. Nawala naman ang ngiti ni Sean at nanghina ito sa narinig. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig.

"Huh? Ahmmm..."hindi makasagot si Sean dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. Gusto niyang tumanggi dahil alam niyang masasaktan siya pero...

"Please" pouty lips na paki-usap ni Kenneth kay Sean. Hindi niya kayang tumanggi ni Sean sa pakiusap nang kanyang kaibigan. MAsakit man sa kanya pero kailangan niyang tanggapin ang paki-usap nito kaya tumango siya bilang tugon.
Lumawak ang ngiti ni Kenneth at niyakap si Sean, dahil sa tuwang nararamdaman.

"Thank you Sean **humiwalay siya ng yakap** dahil napasaya mo ako sa sagot, I'll treat you today" masayang siyang hinila ni Kenneth papunta sa Main Canteen ng Campus nila.

"Ang sakit mo naman makahila" reklamo nito kay Kenneth. Humarap sa kanya si Kenneth.

"Naku Sean huwag ka naman ganyan, sinisira mo mood ko" nag-inarte namang sumimangot si Kenneth. Binatukan naman agad ni Sean si Kenneth.

"Naku ako tigilan mo sa kaartehan mo, hindi ka na bata" sabi ni Sean kay Kenneth. Umakbay sa kanya si Kenneth.

"Oo na po, pumili ka na ng kakainin mo. Kahit ano sagot ko na yan" pagyayabang ni Kenneth kay Sean.

"Okay sabi mo eah" dahil sa hindi nag-almusal si Sean ay madami itong pinabili kay Kenneth. Matapos makuha ang food nila ay umupo na sila sa lamesa.

"Seriously kakainin mo lahat yan?" gulat na tanong ni Kenneth dito. Tumango lang siya bilang sa sagot. Napadami dami na din ang kain nilang ng mapadaan si Cristy sa pwesto nila. Si Sean ang unang nakapansin kaya tinuro niya ito kay Kenneth gamit ang nguso. Lumingon si Kenneth sa itinuturo ni Sean.

"CRISTY..." sigaw ni Kenneth. Agad namang lumingon si Cristy sa tawag ni Kenneth, lumapit si Cristy sa pwesto nilang dalawa.

"Andito din pala kayo" bungad na sabi ni Cristy ng makalapit ito.

"Join us" sabi ni Kenneth na nakatitig sa dalaga and then inayos niya ang uupuan nito.

"Sure" umupo na ito at ngumiti kay Sean, si Sean naman ay di mawari kung anong klaseng ngiti ang ibinigay sa dalaga. Bukod sa hindi niya ito kilala ay nagseselos ito. "Just continue eating, don't mind me" dugtong ni Cristy.

"Eh ikaw?" tanong ni Kenneth kay Cristy.

"I'm fine, kakatapos ko lang" at ngumiti si Cristy. Nagpatuloy naman sa pagkain ang dalawa at si Cristy naman ay nagsecellphone lang.

Habang kumakain ay hindi mapakali si Kenneth nais niya na kasing sabihin kay Cristy ang pagkakagusto niya dito. Nang matapos silang kumain ay nagsalita na si Kenneth.

"Ahm Cristy" pag-uumpisa ni Kenneth.

"Yes?" lumingon si Cristy kay Kenneth at ganun din si Sean.

"I have something to tell you" seryosong nakatingin si Kenneth sa dalaga.  Naghihintay naman si Sean sa sasabihin ng kanyang kaibigan.

"Ano yun?" curious na tanong ni Cristy.

"Can I date you?" nagulat si Cristy sa tanong ni Kenneth, at muntikan naman mabuga ni Sean ang kanyang iniinom dahil sa narinig.

"What did you say?" utal na tanong ni Cristy dahil na din sa pagkabigla.

"I said, Can I date you?" seryoso pa din si Kenneth. Tumayo si Cristy.

"Actually Kenneth last night was very fun but I don't want to give an answer right now" at naglakad na ito palayo.

"Cristy?" tawag ni Kenneth pero nagtuloy tuloy lang sa paglalakad ang dalaga. Tumingin si Sean sa kaibigan naawa ito sa ginawang pagwalk-out ni Cristy.

W8TING 4 UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon