EPISODE 27: VACATION MODE ON

120 6 0
                                        

EPISODE 27: VACATION MODE ON

Hindi inakala ni Sean na sasagutin ni Nigel ang expenses niya pauwi sa kanilang bayan. Pagkarating na pagkarating pa lang sa lugar nila ay agad siyang niyakap ng kanyang mga magulang.

“Anak buti naman napadalaw ka, miss na miss ka na namin” naluluha-luhang bati ng kanyang ina.

“Ako din Nay, Tay miss na miss ko na kayo” at yumakap siyang muli dito.

Nakatingin mula sa kanyang silid si Mia, ang nakababatang kapatid ni Sean. Nang mapansin ito ni Sean ay agad niyang tinawag ang kapatid.

“Mia” nakangiting bati niya dito. Hindi ito pinansin ni Mia at nagsarado pa ng kanyang silid.

Close na close si Sean at Mia, noong mga panahong hindi pa lumuluwas ng Maynila si Sean. Ngunit nang umalis si Sean ay nagtanim ng sama ng loob si Mia sa kapatid.

“Anak hayaan mo na lang muna ang kapatid mo” pagpapagaan ng loob ng nanay ni Sean, dahil napansin niyang biglang lumungkot ang mukha ng kanyang anak.

Dinala ni Sean sa kanyang kwarto ang mga gamit nila ni Nigel.

“Sean are you okay?” tanong ni Nigel ng marating nila ang silid.

Bumuntong hininga si Sean. “Hindi ko alam, siguro” malungkot na ngumiti ang binata sa kausap.

Nigel wants comfort Sean kaya niyakap niya ito ng mahigpit. “Don’t be sad na, were here to enjoy. Malay mo dahil nandito tayo baka bumalik na ang closeness niyong magkapatid.”

Humiwalay si Sean sa kanilang yakapan “Sana nga”

Ngumiti si Nigel at hinalikan ang noo ni Sean.

***Dugdug-Dugdug***

Kumalabog ng malakas ang puso ni Sean, he didn’t know kung anong nangyare pero. Iba ang kanyang nadarama. Dahil sa naging mabilis na pagtibok ng puso ni Sean ay naitulak niya ang kaibigan.

“I’m sorry Sean” maging si Nigel ay nabigla din sa kanyang ginawa.

“It’s okay” sagot na lang ni Sean at nang mapalingon siya sa pintuan ay nakita niyang nakasilip si Mia. “Mia?”

Nang mapansin ni Mia na nakatingin sa kanya si Sean ay agad itong kumaripas ng takbo agad din naman siyang hinabol ni Sean at Nigel.

“Mia” sigaw ni Sean.

Tumakbo ang dalaga sa madilim na dalampasigan. SIgaw pa din ng sigaw si Sean dahil sa hindi niya maaninagan si Mia.

Sa ilang oras na habulan nila ay nakita niyang nakasalampak si Mia sa buhanginan kasama ang isang pamilyar na lalaki.

“Sean?/Alexis? Anong ginagawa mo dito?” sabay nilang sabi.

Napatayo si Alexis dahil sa nakita niya ang dating kaibigan at nakita niya din si Nigel na kanyang ipinagtaka ng Malala.

“Nigel anong ginagawa mo dito?” tanong ni Alexis na nagulat dahil magkasama silang dalawa ni Sean.

“Ikaw ang dapat naming tanungin? Hindi mo ito lugar, kaya bakit ka naririto?” tanong ni Sean at halata mong yamot pa rin ito kay Alexis.

Nang mapansin ni Nigel na hindi makasagot si Alexis ay siya na ang sumagot kahit hindi niya alam ang pakay ni Alexis.

“Baka naman nagbabakasyon lang si Alexis, and just like me” sagot ni Nigel, na binigyan ng awkward na ngiti si Sean.

“Shut up hindi ikaw ang tinatanong ko” masungit na reply ni Sean. “Mia umuwi na tayo, tama na yang pag-iinarte mo” matapos sabihin ni Sean ang mga katagang ito ay nagmadali na siyang lumayo sa tatlo.

W8TING FOR YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon