Episode 7: Jealousy Part 1

168 9 1
                                        

Episode 7: Jealousy Part 1

3rd Person’s Point of View

“I’m Ice… Ice Domingo” ngumiti ito at inabot ang kamay kay Sean.

“Nice meeting you” nakangiting sabi ni Sean.

“By the way, I have to go na” pagpapaalam ni Ice kay Sean bago tuluyang umalis. Ngumiti na lang si Sean. Nang magkahiwalay sila ay dali-daling umuwi si Sean. Pagpasok niya ng dorm ay nakita niyang nakaupo Nigel sa kama at nakasandal ang likod nito sa headboard at nakapikit. Pumunta siya dito para gamutin ang sugat nito sa mukha.

“Hey Nigel, gumising ka muna at gagamutin natin iyang sugat mo.” Sabi ni Sean pero wala siyang narinig na sagott mula kay Nigel. Umupo si Sean sa kama at nilapit ang mukha niya sa mukha ni Nigel. “Once na hindi mo imulat ang mata mo hahalikan kita” pagbanta ni Sean.

Dahil nagtutulog-tulugan lang si Nigel ay idinilat niya ang mata ngunit nagulat si Nigel dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Sean. Itunulak ni Nigel si Sean at nahulog ito sa kama.

“Aray ko naman” sabi ni Sean habang tumatayo at kamot kamot ang pang-upo.

“Tss” tinignan lang ni Nigel ng masama si Sean. Umupo ulit si Sean sa kama ni Nigel.

“Lumapit ka sa akin, gagamutin natin iyang mukha mo” binuksan ni Sean ang dalang plastic bag at nilabas ang medical kit na binili niya.

“Gusto mo lang hawakan ang gwapo kong mukha eh” pang-aasar ni Nigel sa kanya.

“Kung ibuhos ko kaya itong alcohol sa pagmumuka mo” sabi ni Sean na may taas noo.

“Sige nga gawin mo as if naman na natatakot ako sayo.” Sabi ni Nigel at muling ipinikit ang kanyang mata. Dahil sa inis ni Sean ay binato niya ito ng unan. “What the—“

“Gagamutin ko lang yang sugat, dahil laki ng pasasalamat ko sayo kasi nilagtas mo ako. Pero kung ayaw mo bahala ka nga diyan” tumayo si Sean pero hinawakan ni Nigel ang kamay niya.

“Gamutin mo na” nahihiyang sabi ni Nigel. Napangiti si Sean sa kacutetan ni Nigel.

“Okay sabi mo eah” nakangiting umupo si Sean at binuhusan ng alcohol ang cotton. Ipapahid na niya ito sa sugat ni Nigel pero pinigilan ito ni Nigel.

“Wait lang” pagpipigil ni Nigel.

“Naku naman, bakit na naman ba?” inis na tanong ni Sean. Hindi naman sumagot si Nigel at umiwas ng tingin.

“Don’t tell me, natatakot ka?” at tumawa ng malakas si Sean.

“Hindi ahh, don’t jump to any conclusion” sabi ni Nigel at umiwas siya ng tingin. Lumapit lalo si Sean sa kanya at dinampi-dampian ang kanyang mukha.

“Diba hindi masakit?” malambing na pagkakasabi ni Sean. Nakatingin lang si Nigel sa ginagawa ni Sean. At napangiti siya, dahil sa ang cute ni Sean pagsobrang focus siya sa ginagawa niya.

“Sean” mahinang sabi ni Nigel.

“Hmmm” Sean’s response,

“You look cute today” diniinan ni Sean ang paglagay sa sugat ni Nigel.

“Araay, araaaay” sigaw ni Nigel.

“Dapat lang sayo yan, napaka bolero mo” sabi ni Sean pero may part sa kanya na kinikilig sa ginawa ni Nigel.

Nilapit ni Nigel ang kanyang labi sa tenga ni Sean at bumulong.

“Totoo ang sinasabi ko” tumayo ang mga balahibo ni Sean dahil sa kilig at excitement ng dumapo ang hininga ni Nigel sa kanyang tenga.

W8TING FOR YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon