Episode 2: First Kiss

253 9 0
                                        

Episode 2: First Kiss

3rd Person’s Point of View

“How dare you? Humanda ka sa akin dahil I will ruin your stay here” magkatinginan lang silang dalawa.

“As if naman na magpapatalo ako sayo” matapang na sagot ni Ethan kay Ivan. Tinaasan niya pa ito ng kilay, ilang Segundo silang magkatitigan dahil both of them don’t want to lose. Dahil sa nabagot na si Kenneth sa pinaggagawa nila ay pinaghiwalay niya ito at umakbay kay Sean.

“You know what mga pare, itigil niyo nay an. Para kayong mga bata” sabi ni Kenneth. Nagulat naman si Ivan at Ethan sa pag-akbay ni Kenneth kay Sean. Samantalang si Nigel naman ay tahimik lang.

“Aba-aba pare bakit may pag-akbay?” tanong ni Ivan sa kaibigan. Hinila naman ni Ethan si Sean paalis sa pagkakaakbay nito.

“Bago niyo mabully si Sean dadaan muna kayo sa akin” taas noong banta ni Ethan kay Kenneth. Napangiti naman si Sean sa ginawa nito.

Tumawa lang si Kenneth, ikinagulat ulit ito nina Ivan at Ethan. Hinila ni Kenneth pabalik sa kanya si Sean.

“Tumigil nga kayo, sino ba nagsabing ibubully ko itong **pinisil niya ang pisngi ni Sean** napakacuteeeee kong bestfriend.” Gigil na gigil na sabi ni Kenneth dahil sa kacutetan ni Sean. Inalis naman ni Sean ang pagkakapisil sa kanyang pisngi.

“Kenneth, tigilan mo nga yang kakapisil na yan” at lumayo si Sean dito.

“Magkakilala kayo?” sabay na reaction na sabi ni Ethan at Ivan.

“Tsss” reaction naman ni Nigel.

“Ang slow mo talaga kahit kailan Ivan **umakbay ulit si Kenneth kay Sean** siya yung kinukwento ko sa inyo na bestfriend ko from Cebu” masayang pagpapakilala niya sa kaibigan na may kasamang pagtaas-taas pa ng kilay.

“Hi Guys, I’m Sean Cruz” ngumiti siya kay Ivan at nakipagkamay. Ngumiti din si Ivan dito.

“Nice meeting you ulit, mukang madadagdagan ang tropa ah. By the way highway I’m Ivan Timber ang pinakacool at gwapo sa basketball team ng school” mayabang na pagkakasabi ni Ivan.

“Talaga lang Pare ah” pagkontra naman ni Kenneth sa mga sinabi ng kaibigan. Lumipat ng tingin si Sean at tinignan ang isa pang pamilyar na tao si Nigel. Tumango lang si Nigel na nagsinasabi na **yeah I know you** at hindi pinansin ang kamay ni Sean na nakalahad. Ngumiti na lang si Sean at ibinaba ito.

“Pare easy ka lang naman sa bestfriend ko” sabi na lang ni Kenneth ng makita ang ginawa ni Nigel.

“Okay lang Kenneth, magkakasundo din yang dalawa roommates yan eah” sabi ni Ivan. Nagulat naman si Kenneth sa nalaman.

“Really, you know what Ivan magpalit kayo ni Sean. Baka kung ano pa ang gawin ni Nigel sa kanya” hindi mo alam kung nang-aasar ba si Kenneth o hindi sa tono nito.

“Hayaan mo na pare para makamove on na itong lover boy natin” at umakbay si Ivan kay Nigel, agad namang tinanggal ito ni Nigel.

“Tssss” at sabay naglakad papasok sa canteen. Nagkatinginan naman si Kenneth at Ivan and nagtawanan.

“By the way this is my classmate. Ethan” pakilala ni Sean sa kaibigan.

“Sorry to offend you Sean ah, pero wala akong pakealam sa kanya eah” rude na pagkakasabi ni Ivan. Natawa naman ng mahina si Kenneth sa inasal ng kaibigan.

“What did you say?” nainis si Ethan sa sinabi ni Ivan.

“I’m just stating the fact, I don’t like your aura” nilapit ni Ivan ang mukha niya sa mukha ni Ethan. Nagulat naman si Ethan sa ginawang ito ni Ivan.

W8TING FOR YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon