EPISODE 48: SECRET PART 2

101 4 0
                                        

EPISODE 48: SECRET PART 2

Dahil sa sobrang titig ni Kenneth kay Sean ay naawkwardan si Sean at agad iniwas ang tingin kay Kenneth. "Wala, sige na matulog ka na. Goodnight" ang tanging nasabi ni Sean. Tatalikod na siya ng bigla siyang pigilan ni Kenneth at muling iniharap. Walang sabi sabi ay mabilis na dumampi ang malalambot na labi ni Kenneth sa kanya.

Patuloy lang sa paghalik si Kenneth ngunit natigil siya ng mapansing hindi gumaganti si Sean ng halik. He check Sean at doon niya napagtanto na nakatulog na pala ito. "Kahit kalian ka talaga Sean" nangingiti niyang sabi.

Kinabukasan ay nagising si Sean na masakit ang ulo. Pilit niyang inaalala kung ano ang nangyare biglang bumalik sa kanyang mga alaala ang masayang mukha ni Nigel na nakikipag-usap kay Ice.

Habang tulala si Sean ay bumukas ang pintuan at nilabas nito si Kenneth na may dalang pagkain.

"Hey Sean, breakfast in bed mahal na prinsipe" pagbibiro ni Kenneth. Napansin naman niyang seryoso ang mukha ng kanyang kaibigan. "O why naman sad yan?"

"Wala masakit lang ang ulo, hangover ata" pagdadahilan ni Sean pero ang nasa isip niya ay si Nigel at Ice.

"Laklak pa more, ayan nagluto si Mommy ng sabaw para mahimasmasan daw tayo" nilapag ni Kenneth ang pagkain sa table bed.

"Sabayan mo ako kumain" yaya ni Sean.

"Ah hindi ako pwede, sunduin ko pa si Cristy sa kanila." Pagtanggi ni Ice.

"Ah ganun ba sige sige okay lang"

"Sige Sean mauna na ako" agad na umalis si Kenneth.

Si Sean ay pinagpatuloy niya ang kanyang pagkain. Matapos kumain ay nagpaalam na siya sa Mom ni Kenneth na babalik na sa dorm dahil may klase pa siya. Pagdating niya sa dorm niya ay nakita niyang nakatayo si Nigel sa pinto ng kanyang room.

"Hey" awkward na bati niya kay Nigel. Kahit anong pilitin niyang gawin ay hindi pa din maalis sa isip niya ang nangyare kagabi.

"Bakit hindi ka nagpaalam sa akin kagabi?" agad na tanong ni Nigel ng makalapit si Sean sa kanya.

"Ahm, wala ewan bigla kong namiss ang bahay nina Kenneth" pagsisinungaling si Sean, pumunta na si Sean sa pinto niya para buksan ito.

"Namiss mo ang bahay nila Kenneth o ang alaga ni Kenneth" yamot na sabi ni Nigel. Kagabi pa siya gigil na gigil dahil parang iniwan siya ni Sean sa ire. Hindi niya alam kung anong nangyayare at kung anong meron. And out of madness nasabi niya ang mga salitang alam niyang kagagalitan ni Sean.

Nang marinig ni Sean ang mga salitang iyon ay hindi niya magalaw ang kanyang kamay dahil sa inis. Hinarap niya si Nigel. "Anong sabi mo?" tanong niya na may halong pagkainis na maririnig mo sa pagbikas niya sa tono ng bawat salita.

"Look Sean, I'm sorry" paghingi ni Nigel ng tawad.

"Umuwi ka muna, mamaya na lang tayo mag-usap kailangan ko din magpahinga" at tuluyan ng binuksan ni Sean ang pintuan at agad isinara.

"Fxck!!!" iyan na lang ang naisabi ni Nigel matapos ang mga tagpong iyon.

Si Sean naman ay nahiga sa kama niya at pinili na lang na wag pumasok ngayong umaga.

Si Nigel naman ay umalis sa dorm ni Sean at dumeretso na sa klase niya.

Lumipas ang buong umaga at lunch break na. Habang naglalakad si Nigel patungo sa canteen ay nakasalubong niya si Ice kasama sina May at Clara.

"Hi Nigel" pabungad na bati ni Ice.

Hindi alam ni Nigel kung babatiin niya pabalik si Ice medyo awkward pa din sa kanya na muling makioagkaibigan sa ex niya. Pero dahil na nanaig ang awa na nadarama sa dating kasintahan ay binati niya ito.

W8TING FOR YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon