EPISODE 40: BYE BYE ETHAN

74 6 1
                                        

EPISODE 40: BYE BYE ETHAN

“Hey Ethan” kalabit niya sa kaibigang busy sa pagcecellphone.

“Ano ba yun?” irritableng tanong ni Ethan.

“Si Alexis ba yun?” sabay turo ni Ice sa kinaroroonan ni Alexis.

Agad naman itong tinignan ni Ethan at kitang-kita niya na may kayakapan ang kasintahan na dumurog ng kanyang puso. Sumandal si Ethan sa upuan at tumingin sa harapan.

“Ethan anong ginagawa mo, hindi ba natin sila pupuntahan” taking-taka si Ice ng makitang walang ginagawa si Ethan.

“Hayaan mo siya alam kong may valid reason ito” sabi ni Ethan habang patuloy pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.

“Are you serious?” frustrated reaction of Ice. “My gadh. Magpapakamartir ka para sa manlolokong yun” dagdag  ni Ice ngunit wala siyang narinig na sagot mula kay Ethan na nagpadagdag ng init ng ulo ni Ice. “Your such a weak, hindi ka lalabang kahit niloloko ka na”

Nainis naman bigla si Etham sa mga narinig niya galing kay Ice. “Alam mo Ice kung bakit ka iniwan ni Nigel dahil napaka seloso mo, at please mind your own business” at tumayo na si Ethan sakto naman na nasa bus stop na ang sinasakyan nilang bus.

That sentence na sinabi ni Ethan make Ice speechless, ikinuyom niya ang mga kamao dahil sa panggagalaiti kay Ethan.

Malungkot na bumaba si Ethan sa bus, gulong-gulo siya hindi niya alam kung kailangan niya bang bumalik doon sa hospital o hintayin na lang si Alexis sa condo niya. Sa huli ay napagdesisyunan pa din niyang bumalik sa hospital pero pagdating niya doon ay wala na si Alexis dito. Napaupo na lang si Ethan sa isang tabi lumipas ang kalahating oras ay nandoon pa din siya, masyado siyang maraming iniisip at hindi niya alam ang gagawin ng may dumamping malamig na bagay sa kanyang pisngi. Tinignan niya ito, isang malamig na bottled water at tumingala siya upang makita ang may hawak nito. Si Ivan suot ang mala-anghel nitong ngiti.

“Are you okay? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Ivan.

“I’m fine. Ahm may binisita lang akong old friend. Ikaw anong ginagawa mo dito?”

“Well let say andito ako kasi nandito ka”

Napangiti naman si Ethan sa sinabi ni Ivan. “Kahit kailan talaga napakabolero mo”

“Samahan mo ako. Malling, strolling anything” alok ni Ivan kay Ethan. Dahil sa gusto din ni Ethan na gumaan gaan ang kanyang pakiramdam ay sumama siya sa kagustuhan ng kaibigan.

“Okay sige ba no problem” pag-sang ayon ni Ethan.

Agad naman silang sumakay sa kotseng gamit ni Ivan. Nagtungo sila sa pinakamalapit na mall sa area. Halos ikutin nila ang buong mall at wala silang kapaguran.

“Wanna eat something?” tanong ni Ivan nang maramdaman niya ang pagod.

“Yeah Sure” agad na turan ni Ethan.

Dumeretso sila sa isang eleganteng restaurant at doon kumain. Matapos nilang kumain napagdesisyunan nilang magkaraoke bar bago umuwi.

“Hey Ivan its your turn na to sing” sabay bigay ni Ethan ng microphone sa kasama. Medyo tipsy na si Ethan samantalang si Ivan naman ay hindi masyadong nag-iinom dahil sa may pinapangalagaan siyang kalusugan.

“Okay it’s my turn na” kinanta ni Ivan ang kantang pinamagatang “Farewell to you my friend”. Bawat bato ni Ivan ng linya ay tumitingin tingin siya kay Ethan. Sa sobrang pagmamahal niya kay Ethan ay handa na siyang pakawalan ang binata. Magalit man si May sa kanya dahil sa hindi niya pagsunod sa kanilang kasunduan ay wala siyang pakialam. Dahil para sa kanya mas nananaig ang tunay na pagmamahal, dahil kung mahal mo ang isang tao hahayaan mo siya sa gusto niya at kung saan siya sasaya.

W8TING FOR YOUMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon