EPISODE 26: His Nightmares
Lumipas ang ilang buwan at it’s semestral break!
Bumangon si Alexis na sobrang bigat ng pakiramdam. Simula ng mabalitaan niya ang naging pagkamatay ni Isaac ay hindi na siya makatulog ng maayos, parang gabi-gabi siyang dinadalaw ng mga ala-ala ni Isaac. Ang buong akala niya ay wala na siyang nararamdaman kay Isaac pero nagbago ito dahil sa naging pagkamatay nito. Wala na din siyang naging oras pa sa relasyon nil ani Ethan.
Nais makita ni Alexis ang burol ni Isaac pero pinipigilan siya ng mga magulang nito.
“Babe, kumain ka na?” tanong ni Ethan na kakarating lang sa apartment ni Alexis. Matagal kasi itong hindi nagpakita sa kanya, kaya siya na mismo ang bumisita.
“Oo kumain na ako” cold na pagkakasagot ni Alexis bago tumungo sa banyo. Napahinga na lang ng malalim si Ethan. Hindi na niya alam ang tumatakbo sa isipan ni Alexis. Kinakabahan na siya sa mga mangyayare.
Sa loob naman ng banyo ay tahimik na nakatitig si Alexis sa repleksyon niya sa salamin. Gulong-gulo pa din ang isip niya lalong-lalo na ang kanyang puso. Hindi niya alam kung mahal niya pa ba si Isaac o its just a pity. Naawa na din siya kay Ethan, dahil alam niyang nasasaktan ito dahil sa ginagawa niyang pag-ignore.
Matapos maligo ay lumabas siya ng banyo at nakita niyang natutulog si Ethan na nakayuko sa lamesa.
“Sorry Ethan” bulong niya dito at umalis na siya ng apartment.
Minulat ni Ethan ang kanyang mata at tinignan ang orasan. Late na siya sa klase.
“Oh, my gadh” agad siyang napabangon at hinanap si Alexis sa room pero wala siyang nakitang anino ni Alexis. He even checked yung mga gamit ni Alexis pero wala na din ito. Takot at kaba ang tanging naramdaman ni Ethan. Agad niyang idinial ang number ni Alexis ngunit nakapatay ang cellphone nito. Then he realized na iniwan na siya ni Alexis. Nanghina si Ethan at napaupo sa kama, doon niya ibinuhos ang luha at lungkot na nadarama.
Patuloy ang pagluha niya hanggang sa makatulog na ito.
“Ethan wake-up na,”
Unti-unting minulat ni Ethan ang kanyang mata.
“I…Ivan?”
“Yeah, alalang-alala ako sayo. Ano bang ginagawa mo dito?”
“Ivan… **tumulo na ang luha ni Ethan**”
“Bakit ka umiiyak?” pinahid ni Ivan ang luhang tumulo sa mga mapupungay na mat ani Ethan.
“Wala na… wala na si Alexis iniwan niya na ako” tuloy tuloy na ang pagbuhos ng luha ni Ethan. Niyakap siya ni Ivan. Masakit sa dibdib niya na makitang nasasaktan ang taong mahal niya. Aminado si Ivan na bagamat pinagpustahan nila si Ethan dati ay nafall na ito ng tuluyan sa binata. Kung hindi lang dahil sa magkarelasyon sina Alexis at Ethan, gagawin niya ang lahat to win it back. But he is too late for that pero ngayong alam niya nang iniwan ni Alexis si Ethan ay hindi na niya ito muling papakawalan pa.
Kumawala si Ivan sa yakapan nila. At tinitigan niya si Ethan mata sa mata.
“Ethan ayoko nang makita kang lumuluha pangako ko aalagaan kita at mamahalin” matapos sabihin ang litanyang ito ay hinalikan niya si Ethan sa labi.
And they kiss so tender.
Nakatayo sina Nigel at Sean sa puntod ni Isaac. Until now kasi ay hindi pa din siya makapaniwala sa kinahinatnan ng kanyang kaibigan. At tanging bakit lang ang isang salitang iniwan nito sa kanya.
“Isaac bakit?” bulong ni Sean sa sarili.
Umakbay si Nigel kay Sean. “Don’t cry, you know what. May surprise ako sayo.”
Napalingon na si Sean kay Nigel in a mesmerize face.
“Wag ka nang maraming tanong, let’s go” Nigel holds his hand and they walk together sa car ni Nigel.
Habnag bumabyahe sila ay nakatulog si Sean sa sasakyan, inalalayan ni Nigel ang ulo ni Sean gamit ang kanyang kanang kamay. Nakangiti siyang nagdadrive habang pasimpleng tumitingin tingin sa natutulog na binata.
“Ang cute” naibulaslas niya sa sarili.
Matapos ang ilang oras na byahe ay ginising na niya si Sean.
“Hey Sean wake up, andito na tayo”
Minulat ni Sean ang kanyang mata at narinig niya ang maiingay na tunog ng eroplano.
“Wait nasa airport ba tayo?” gulat na tanong ni Sean. Tumango naman si Nigel bilang tugon. “Pero saan ba tayo pupunta?”
“Sa parents mo”
Gulat na gulat si Sean sa sagot ni Nigel.
“Really? Seryoso ka? Oh, my gadh” hindi makapaniwala si Sean sa ginawang surprise ni Nigel sa kanya.
“Let’s go na baka malate pa tayo sa flight natin”
“Tara Let’s go” sigaw ni Sean dahil sa sobrang excitement na nadarama. Yumakap siya kay Nigel dahil sa tuwa. Labis labis ang kanyang pasasalamat sa kaibigan.
Naglalakad si Alexis sa dalampasigan at patuloy na inaalala ang mga happy memories nila ni Isaac. Habang patuloy ang paglubog ng araw sa kanluran ay siya namang pagbigat ng lungkot na kanyang nadarama.
“Hindi man lang kita naipagtanggol kay Leo”
Muli ay tumulo na naman ang kanyang mga luha.
“Patawarin mo ako Isaac, I’m really really sorry” naupo siya sa buhanginan at nahiga. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya at inabot na ng gabi.
Dahil sa madilim na sa dalampasigan ay hindi mo mapapansin na may nakahigang tao roon. Isang dalaga na nag-ngangalang Mia ang tumatakbong patungo sa kinalalagyan ni Alexis. Mabilis itong tumatakbo at nadapa ito dahil sa nakaharang ang katawan ni Alexis.
“Ouch!!!” sabi ng babaeng nasandad sa katawan ni Alexis. Dahil sa pagkasandad ni Mia ay siya namang pagkagising ni Alexis.
“Ang sakit, ano ba yun?” reklamo ni Alexis.
“Ano ba yan? Bakit kasi dito natutulog” inis na sabi ni Mia.
“Wow ah, bakit ka kasi tumatakbo na hindi man lang tinitignan ang dinadaanan” inis na sagot ni Alexis.
“Wow so ako pa ngayon ang may kasalanan, kung bakit kasi diyan ka natutulog” yamot na banat ni Mia. Nagtitigan ang dalawa na animo’y may kidlat na kumukunekta sa kanilang mga mata.
“Mia saan ka na?” sigaw ng lalaki. NApakamaot ng ulo si Mia dahil sa narinig niya ang kanyang Kuya.
“Hoy lalaki itago mo ako, kasalanan mo ito pag nakita ako” agad na humiga si Mia sa tabi ni Alexis at yumakap at itinago ang ulo.
“Mia asan ka na?” sigaw muli ng lalaki.
Nilingon ni Alexis ang sumisigaw sa pangalan ng lalaki at laking gulat niya ng malamang si Sean ang tumatawag dito.
“Sean/Alexis? Anong ginagawa mo dito?” sabay nilang tanong sa isa’t-isa.
TO BE CONTINUED
Sa pagkikita ni Sean at Alexis sa dalampasigan, maayos na kaya nila ang nasira nilang pagkakaibigan?
Sa ginawang pag-iwan ni Alexis kay Ethan ano na kayang magiging takbo ng relasyon nina Ivan at Ethan? Maging malapit na kaya sila sa isa’t-isa? Abangan sa susunod na Episode.
Thank you sa patuloy na sumusuporta sa aking story.
Comment down po. Like and React thank you :*
Advertisement: Guys tapos na po ang draft ng ENDLESS LOVE Season 2.
BINABASA MO ANG
W8TING FOR YOU
RomanceThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...
