EPISODE 36: ANTAGONIST
Pinagtitinginan na si Nigel ng mga tao habang naglalakad patungo kay Sean wala siyang pakialam kung anong sasabihin ng iba basta ang gusto niya lang ay walang labi na dadampi sa labi ni Sean. Ngunit bago pa man siya makarating ay naunang dumating si Marco kay Sean at sabay akbay niya dito.
“I think Cedrick need mo ng iuwi ang kaibigan mo” sabi ni Marco kay Cedrick.
Kitang-kita naman ni Cedrick na lasing na lasing na si Sean. Kaya walang nagawa si Cedrick kundi ang alalayan si Sean palabas ng hotel and nakaabang na ang kotse ni Marco doon.
***Beep***Beep***
Busina ni Marco. Lumapit naman si Cedrick akay si Sean doon.
“Sumakay na kayo, ihahahatid ko na kayo” alok ni Marco.
“Pero sir—”
“No but, I know na lasing ka na din kaya need ako na ang magdadrive para sa inyo”
“Salamat po” tugon ni Cedrick.
Naging mabilis lang ang byahe nila. At nakarating sila sa bahay nina Sean.
“Sean wake up andito na tayo” ngunit ayaw pa din niyang gumising. Ilang minuto ang lumipas ng gisingin niya ito pero hindi pa din ito magising.
“Labas ka na Cedrick ako na ang gigising sa kanya” utos ni Marco. Agad naman siyang lumapit kay Sean.
“Hey Sean wake up” gising niya sa binata.
Unti-unting dinilat ni Sean ang kanyang mata. “Sir, ikaw pala yan—” may sasabihin pa sana siya pero hindi niya masabi at bigla na lang siyang nasuka sa longsleeve ni Marco. “Sir, I’m so sorry” lasing na lasing talaga si Sean maging si Cedrick ay nagulat sa ginawang pagsuka ni Sean.
Matapos maihatid ay bumalik na si Marco sa kanilang hotel. Habang bumabyahe sya ay hindi niya maiwasan na mapangiti. Hindi siya inlove or anything kay Sean sadyang natutuwa lang siya sa ugali nito.
Pagdating sa hotel ay agad siyang umakyat sa penthouse at dumeretso sa kitchen para labhan ang damit niyang sinukahan ni Sean.
“Bakit nangingiti ka?” tanong ni Nigel na nakasandal sa pader.
“It’s nothing” nagpatuloy lang si Marco sa ginagawa niya.
“Masarap ba siya? Magaling ba siya? Masikip ba siya? Magkano ang binabayad mo sa putang katulad niya?” pang-aasar ni Nigel
“Don’t provoke me” nagpipigil si Marco.
“Bakit Malaki ba ang binayad mo?”
Sa gigil ni Marco ay sinuntok niya ulit si Nigel at kinuwleyuhan ito
“When I Say enough enough” hingal na hingal Marco gusto niya pang bugbugin si Nigel ngunit nagtitimpi lang siya dahil kapatid niya pa din ito. “Stop acting like a child” dugtong nito at itinulak si Nigel at naglakad na paalis sa kitchen.
Pinunasan naman ni Nigel ang dugo sa kanyang labi. “Fxcked” at napasabunot siya sa kanyang buhok. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit siya nagkakaganito. Bakit siya nagseselos kung alam niyang galit kay Sean ang namumutawi sa kanyang puso.
“I hate you, Sean. I HATE YOU” at pinagsusuntok niya ang pader. “PUT@NG INA” at nilagok niya ang isang bote ng wine at ibinato ito ng maubos. “Pakiusap lumayo ka na sa isipan ko” at mabilisang tumulo ang kanyang mga luha.
Tanghali na ng magising si Sean. Sa pag-aakalang late na siya ay agad siyang bumangon.
“Anak bat ka nagmamadali, akala ko ba night shift ka ngayon?” tanong ng kanyang ina. At doon na nakahinga ng maluwag si Sean. Nang mapahilamos siya ay biglang nagflashback ang mga nangyare kagabi at maging ang pagsuka niya sa damit ng kanyang boss.
BINABASA MO ANG
W8TING FOR YOU
RomansaThe story revolves to eight students na may iba't ibang pag-uugali at may ibat ibang level sa lipunan. Sean (Main Character) got a scholarship sa isang prestigious school sa maynila. Dito niya makikilala ang kanyang mga magiging kaibigan at iibigin...
