Chapter 22

493 18 3
                                    

Next na agad HAHAHA.

Enjoy Reading<33

KINAKABAHAN si Sweetness dahil hindi man lang umuwi si Josh. Hindi niya rin ma-contact ang binata. Alam niyang galit ito sa kanya. Ngayon ay hindi niya alam kung ano'ng mangyayari matapos ang nakita ni Josh sa kanila ni Kaito.

Alam niyang may mali siya sa parte na 'yon.

Pinagbigyan man niya si Kaito ay alam niyang magiging malaking gulo talaga lalo't nakita ni Josh.

Iba ang pumasok sa isip nito nang makita sila ni Kaito na naghahalikan, kahit sino naman siguro. Gusto naman talaga niyang itulak si Kaito. Sakto lang talagang nauna pang nakita ni Josh na naghahalikan sila.

Masyado niyang nasaktan si Kaito kaya ang huling hiling nito ay sinunod niya. Nangako naman itong hindi na ipipilit ang sarili sa kanya.



Nagmamadali siyang tumayo nang bumukas ang pinto ng condo niya at gano'n na lang ang kabang naramdaman niya nang makita ang Tito Simon niya habang nakatingin sa kanya ng seryoso.

Tila may ideya na siya kung bakit nandito ang tito niya.

"G-good evening, Tito Simon," kinakabahang bati niya dito.

"Nag-usap na tayo Sweetness. Ano'ng ginagawa mo?" malamig na tanong nito sa kanya, kaya alam na niya agad ang pinunta ng Tito Simon niya dito sa condo niya.

Cassie had already told her uncle about her relationship with Josh.


Alam niyang mas kakampahan ito ng Tito Simon niya lalo't ito ang totoong anak sa kanilang dalawa. Walang Ama na hahayaan na masaktan ang anak kung may magagawa naman ito para pigilan 'yon.


"Tell me you have no relationship with Josh and Kaito is really your boyfriend."

Napapikit naman siya. Napapagod na siyang hindi pagbigyan ang sarili. Palagi na lang may kulang sa kanya at 'yon ang kinakatampo niya.


"Nililigawan po ako ni Josh." Nakita niyang napapikit ang tito niya dahil sa sinabi niya kaya nagpatuloy siya, "at may balak po akong sagutin siya."

Nakita niya ang gulat sa mga mata ng Tito niya dahil sa sinabi niya. Sweetness just really hopes her uncle will understand her.

Ito na lang ang kakampi niya at ayaw niyang pati ito ay magalit sa kanya dahil sa away na namamagitan sa kanila ni Cassie. Ito na lang ang meron sa kanya na sana ay hindi mawala hanggang sa dulo ng laban niya.

"Alam mong nobyo siya ni Cassie, hindi ba? Ano ba'ng nangyayari, anak?"

Nagsimulang tumulo ang mga luha niya dahil sa tanong ng Tito niya at sa pagtawag nitong 'anak' sa kanya. Hindi niya akalain na mapapaiyak siya ng salitang 'yon.

"Matagal na po akong may gusto sa kanya, Tito Simon. Nagkataon lang po na naging sila, pero sabi ni Josh ako na ang mahal niya... napapagod na po akong mainggit kay Cassie," mahina niyang sabi sa Tito niyang nakatingin sa kanya na parang sinusuri siyang mabuti.

Napayuko siya dahil hindi niya kayang salubungin ang tingin sa kanya ng tito niya.

"Bakit ka naman maiinggit sa kanya? Parehas naman kayong anak ko?" tanong sa kanya ng tito niya kaya mahina siyang natawa.

"Lahat ng meron si Cassie, wala po ako." Hindi niya na mapigilan na maglabas ng sama ng loob niya.

Twenty years niya 'tong kinimkim. Wala siyang ibang mapagsabihan dahil sa wala naman siyang karamay at makakapitan.


His Kryptonite 1: Fernando Joshua Mercadez Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon