Chapter 02

843 28 6
                                    

Malapit na rin mag-1k ang followers ko.

Sana i-follow niyo rin po ako😀

Bye☺




Pasensiya na kung natagalan mag-update. Kailangan ko kasing basahin ang kwento ni Nicxon at Maika para lang magawan ito nang eksena.☺

Pero ito na mukhang hindi na kayo maghihintay ng matagal para lang sa update dahil naisipan ko na ng mga eksena.

Wag lang akong maakit na panoodin si Ji Chang Wook HAHAHA!😂




Patawarin niyo ako dahil mabilis akong matukso lalong-lalo na kung si Ji Chang Wook ang pag-uusapan. Ang galing pa naman no'n manulsop😂



Enjoy Reading:)





NAKATINGIN lang si Sweetness kay Josh na busy na nagbabasa sa library. Ito ang gusto niya kay Josh mas gusto nitong magbasa ng libro kaysa sa makipaglandian sa mga babaeng may gusto dito.


Naging paborito niya na ring tambayan ang library sa garden malapit sa building ng course nila. Nag-aaway na nga din sila ni Cassie dahil madalang na lang siyang sumama sa mga ito. Tsaka lang naman siya kakausapin nila Cassie kapag kailangan ng mga ito na may pagkokopyahan.

May nakabuklat na libro sa harapan niya pero nakatingin naman siya sa harapan niya sa kabilang mesa kung nasaan nagbabasa si Josh ng tahimik. Para itong maamong bata na hindi kayang manakit ng kapwa pero hindi totoo 'yon dahil nasasaktan siya nito nang hindi ito nalalaman ni Josh.


Kasalanan niya dahil matagal na niyang minamahal ang lalaking kailanman ay hindi man lang siya napansin. Maliban kahapon na talagang nakausap pa niya ito. Pero pagkatapos no'n parang hindi na naman siya nito kilala.

Nakakasama ng loob pero wala naman siyang karapatan dahil ni hindi nga sila magkaibigan ni Josh.

"Hoy! Nandito ka lang pala! Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot!" masungit na sabi ni Cassie sa kanya ngayon na nakaupo na sa tabi niya.

Gusto niyang mapatalon sa takot pero hindi pwedeng mag-ingay sa library dahil baka mapatawag siya sa Dean at maparusahan.

Nakita niya ang pagsulyap ni Josh kay Cassie at nakita niya rin ang ngiti na namutawi sa labi nito kaya may kirot siyang naramdaman.

Kanina ay hindi man lang siya masulyapan ni Josh pero nang dumating si Cassie ay hindi na ito maka-focus sa pagbabasa.

"Bakit ba?" tanong niya kay Cassie kaya napataas ng kilay ang pinsan niya.

"Nasaan na 'yong assignment natin?" tanong nito kaya napabuntong hininga siya dahil talagang hininaan nito ang pagkakasabi.

"Mamaya ko na ibibigay. Pumunta ka na sa mga kaibigan mo," pagtataboy na sabi niya dito dahil ayaw niyang makita pa ito ni Josh.


"Are you dismissing me?" masungit na tanong nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay.


"No," mahinang pagsisinungaling niya dito dahil naman kasi ito na lang lagi ang napapansin ni Josh.

Hanggang hindi pa rin naman nanliligaw si Josh kay Cassie ay may pag-asa pa naman siya.

"Akala mo naman gusto rin kitang makasama," masungit na sabi nito at iniwan na siyang mag-isa.

Napatingin siya kay Josh na sinusundan na ng tingin si Cassie kaya napakagat siya sa ibabang labi niya.

Bakit kasi wala siyang lakas ng loob na sabihin kay Josh na matagal na siyang may gusto sa binata.


His Kryptonite 1: Fernando Joshua Mercadez Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon