Chapter 17

598 20 2
                                    

Sorry dahil natagalan.😳

Sana magustuhan niyo.🥺 Malapit na ako sa pinakahihintay kong part...






❤️






Enjoy Reading:)




Nagising si Sweetness dahil sa ingay na nanggagaling sa cellphone niya. Ang sakit-sakit talaga ng ulo niya dahil ilang araw na silang walang tulog dahil sa mga tambak na gawain nila.



🤡 calling


"K-kai?" mahinang tawag niya sa pangalan ng lalaki bago nahiga ulit.


Mamayang hapon pa ang klase nila ngayon kaya kahit papaano ay makakabawi siya ng tulog ngayong umaga.

"Ayaw mo mag-umagahan na kasama ako?" malambing na sabi ni Kaito sa kanya.

"Ikaw na lang ang mag-agahan, Kai. Kailangan kong makabawi ng tulog dahil ilang araw akong walang tulog. Gustuhin ko pang sumama dahil libre mo, masakit talaga ang ulo ko."

Akala niya ay binabaan na siya ng tawag ni Kaito kaya hindi na siya nagsalita at hinayaan ang cellphone niya na nasa tenga niya.

"Ano'ng emergency code mo?"

Hindi niya alam kung sinabi niya ba o hindi maya-maya lang ay may kumuha ng cellphone niya sa kanya at niyakap siya sa higaan.

Para siyang walang pakialam dahil antok na antok na siya.

Hindi na siya nag-react at nanatiling nakapikit dahil talagang antok na antok siya.

Naalimpungatan na lang siya nang tumunog na naman ang cellphone niya. Naiinis na siya.

Kinapa niya ang cellphone niya sa side table at nakita ang tumatawag kaya nanlaki ang mga mata niya.


Josh...


Agad niyang sinagot at tumingin sa katabi niyang higaan at napanganga na lang siya nang mahimbing na natutulog si Kaito sa higaan niya.

Ang kalmado ng mukha nito.


"Hello, Strawberry. Kita tayo sa library. Papasok ka na ba?" hindi niya nasagot si Josh dahil titig na titig siya sa maamong mukha ni Kaito na mahimbing na natutulog sa tabi niya.

Hindi siya nagsasalita dahil ang bilis ng tibok ng puso niya. Hindi niya rin naman gustong makausap pa si Josh.

Ayaw niya ng gulo.

Kilala na ito ng Tito niya.

"K-kaito," mahinang banggit niya sa pangalan ng binatang mahimbing na natutulog sa tabi niya.

Ang gwapo-gwapo nito.



"Sweetness," malamig na sabi ni Josh sa kabilang linya kaya nanlaki ang mga mata niya at dali-daling lumabas ng kwarto niya.


"Magkita na lang tayo sa library mamaya. Gagayak pa ako, Josh," sabi niya at papatayan na sana ito nang magsalita pa ito sa kabilang linya.

Baka pag-uusapan nila ang project nilang dalawa. Kailangan na nila 'yon matapos at pag-usapan kung paano nila ipre-present ng maayos.



"Makikipaghiwalay ako kay Cassie. Please, layuan mo na rin si Kaito."


Napahawak siya sa dibdib niya nang maramdaman niyang tumigil 'yon sa pagtibok at napatingin sa nakasaradong pinto ng kwarto niya kung nasaan si Kaito na mahimbing na natutulog sa kama niya.

His Kryptonite 1: Fernando Joshua Mercadez Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon